Itinaas ni Gino ang bintana ng kotse at itinuon ang kanyang tingin sa unahan, kung saan nagkukumpulan ang mga taong nakikiusyoso sa nangyayaring gulo. Hindi nagtagal, namataan niya si Lily kasama ang ama nitong si Marcus, na tila nagtatalo.“Ms. Joy, puntahan mo si Lily at dalhin mo dito,” ma-awtoridad na utos nito sa assistant.Si Miss Joy, na nasa driver's seat, ay agad na pinatay ang sasakyan, binuksan ang pinto, at mabilis lumabas.“Yes Sir.”Dumiretso siya patungo sa mag-ama na napaliligiran ng isang grupo ng mga tao. Nang makita ni Lily ang papalapit na assistant ni Gino, sandali itong natigilan. Makalipas ang ilang segundo, sinubukan nitong tumalikod at umalis upang iwasan ito, ngunit mabilis siyang hinawakan nang mahigpit ng kanyang ama.“At saan ka pupunta! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, huwag mo nang pairalin ang tigas ng ulo mo Lily at bumalik ka na sa pamilya Tan ngayon din!” mariing sambit nito na bahagyang nagpatigil kay Lily. Sa sobrang sama ng loob ni Lily ay hind
آخر تحديث : 2026-10-15 اقرأ المزيد