Noon, akala ni Lily at inisip niyang espesyal siya sa lalaking napangasawa. Naniwala siyang may gusto rin sa kanya si Gino, kaya ito pumayag sa kasal, pero mali pala siya. Bumuntong hininga siya at napailing. “Ngayon hindi ko na alam.” Ngayon, nasa harap na naman siya ni Gino para hingin ang pabor nito, di alintana ang mapang-uyam na mga titig nito. Para sa kapatid niya, handa niyang tanggapin ang pangmamaliit nito sa kanya. "Akala ko iba ka sa ibang babae kasi akala ko masunurin ka, pero ngayon, you have changed” turan nito sa kanya. Yes, she have been a good wife to him for two years, tulad nga ng sinabi nito, isa siyang masunurin na asawa. Pero nagbago ang lahat ng mapanood niya ang video ng pagtataksil nito. Sumandal si Gino sa upuan, tila naiinip at walang gana na kausapin siya. Ayaw nito sa mga babaeng bungangera at nakikipagtalo sa kanya. Pinaiiral nito ang tradisyunal na set-up na kung saan ang lalaki ang maghahanapbuhay sa labas at ang asawang babae naman ang siyan
最終更新日 : 2026-09-18 続きを読む