THE PRICE OF FAIRNESSahimik ang HR office ng E.R. Properties nang dumating si Daniel. Maingat niyang hinawakan ang strap ng bag habang naghihintay sa labas ng opisina ni Ms. Joanne Geronimo, ang HR Manager ng kumpanya.Hindi maganda ang pakiramdam niya mula nang mangyari ang gulo nila ni Jason noong nakaraang gabi. Hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sakit sa kaniyang labi, pero mas mabigat ang iniisip niya kaysa sa sugat na iniwan ng suntok ng kaibigan.Hindi niya kailanman inakalang aabot sa ganoon ang pagtatalo nila dahil sa mga sinabi niya tungkol kay Elise. Pero kahit galit siya, alam niyang kailangan din niyang harapin ang nangyari.“Daniel, you may come in now,” tawag ng HR assistant.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa opisina.Nasa likod ng mesa si Ms. Joanne Geronimo. May ilang dokumentong nakalatag sa harap niya, lahat ay may kaugnayan sa insidente noong nakaraang gabi.“Good morning, Daniel. Please, have a seat,” bungad ni Joanne.“Good morning po, ma’am.”“I'm sure
최신 업데이트 : 2026-10-24 더 보기