Pagsapit ng July, halos sanay na si Elise sa bagong routine ng buhay niya.Karamihan ng oras niya ay nasa loob lang ng condo. Kapag gising si Hope, abala siya sa pag-aalaga rito. Kapag natutulog ang bata, saka naman niya sinusubukang magpahinga. At sa pagitan ng mga iyon, kailangan niyang sundin ang mga bilin ni Dra. Honey—regular na gamot, sapat na pahinga, at iwas sa anumang puwedeng makapagpagod sa kaniya.Hindi naman niya ikinagagalit iyon.Sa totoo lang, masaya siya.Halos tatlong buwan na ang baby sa tiyan niya, at kahit hindi pa ganoon kalaki ang umbok sa kaniyang tiyan, hindi na niya kailangan ng kahit anong paalala para maalala na may panibagong buhay na namumuo sa loob niya.Minsan, kapag tahimik ang paligid, napapahawak siya rito at napapangiti.“Konti na lang, makikita na rin kita,” mahina niyang bulong habang nakatingin sa tiyan.Sa tabi niya, abala naman si Hope sa paglalaro ng stuffed toy. Ilang ulit na nitong itinataas iyon bago ihahagis sa kama at kukunin ulit, na par
Huling Na-update : 2026-09-26 Magbasa pa