Share

CHAPTER 66

Penulis: Bhie Anne
last update Tanggal publikasi: 2026-09-25 20:44:58

I'M NOT LEAVING YOU

Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon.

Nakahiga si Elise sa kama habang katabi niya si Hope na mahimbing na natutulog. Isang kamay niya ang nakapatong sa tiyan niya habang ang isa naman ay hawak ang phone.

Alas-diyes na.

Wala pa rin si Jason.

Kanina pa niya hinihintay ang message nito.

Bago ito umalis, sinabi nitong baka ma-late siya dahil may kailangan daw siyang i-revise sa thesis paper.

Hindi na nagtanong si Elise.

Hindi na rin siya nagreklamo.

Tumahimik na lamang siya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 70

    THE NIGHT SHE FOUND OUTTahimik ang biyahe.Nakasandal si Elise sa bintana ng taxi habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas. Ilang beses niyang sinubukang pakalmahin ang sarili. Baka pagod lang siya. Baka mas sensitive lang siya dahil buntis. O baka gusto lang talaga niyang makita si Jason dahil matagal na rin niyang nami-miss ang asawa.Pero habang papalapit sila sa bahay ng mga Monteverde, hindi niya maalis ang bigat sa dibdib niya.“Dito na, Ma'am,” sabi ng driver.Nagbayad si Elise at maingat na bumaba. Paglingon niya sa bahay, agad siyang napahinto.Mas maraming sasakyan ang nakaparada sa labas kaysa sa inaasahan niya. Maliwanag ang garden, at rinig na rinig mula sa labas ang videoke, tawanan, at mga taong nagkukuwentuhan.Hindi ito mukhang maliit na celebration.Bahagyang nakabukas ang gate dahil may mga taong pabalik-balik. Huminga nang malalim si Elise bago pumasok.Abala ang lahat. May mga nakaupo sa paligid ng garden, may hawak na baso, may kumakain, habang ang iba naman a

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 69

    A BIRTHDAY TO REMEMBERJuly 20.Birthday ni Jason.Simple lang ang celebration nila sa maliit nilang condo. Dahil naka-bedrest pa rin si Elise, hindi na nila pinaghandaan ng malaking party. Nag-order na lang sila ng spaghetti, pancit, chicken wings, ilang pulutan, soft drinks, at isang maliit na birthday cake. Si Ate Gina ang tumulong sa pag-aayos ng pagkain habang si Elise naman ay nanatili sa sofa, nakasandal sa unan, kasama si Hope na mahimbing na natutulog sa playpen.Nang lumabas si Jason mula sa kwarto, agad siyang sinalubong ng mga bati ng mga kaibigan at ng kanyang mga magulang. Ngumiti siya bago lumapit kay Elise at hinalikan ito sa noo. “Thank you,” sabi niya nang mapansin ang mga pagkaing nakahain. “Ikaw ba nag-ayos nito?” Napangiti si Elise at umiling. “Umorder lang ako. Hindi ako gumawa. Baka pagalitan ako ni Dra. Honey.” Napailing din si Jason at marahang hinaplos ang tiyan niya. “Good. Ayokong mapagod ka. Okay ka lang ba?” Tumango si Elise at sinabing maayos naman siya

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 68

    Pagsapit ng July, halos sanay na si Elise sa bagong routine ng buhay niya.Karamihan ng oras niya ay nasa loob lang ng condo. Kapag gising si Hope, abala siya sa pag-aalaga rito. Kapag natutulog ang bata, saka naman niya sinusubukang magpahinga. At sa pagitan ng mga iyon, kailangan niyang sundin ang mga bilin ni Dra. Honey—regular na gamot, sapat na pahinga, at iwas sa anumang puwedeng makapagpagod sa kaniya.Hindi naman niya ikinagagalit iyon.Sa totoo lang, masaya siya.Halos tatlong buwan na ang baby sa tiyan niya, at kahit hindi pa ganoon kalaki ang umbok sa kaniyang tiyan, hindi na niya kailangan ng kahit anong paalala para maalala na may panibagong buhay na namumuo sa loob niya.Minsan, kapag tahimik ang paligid, napapahawak siya rito at napapangiti.“Konti na lang, makikita na rin kita,” mahina niyang bulong habang nakatingin sa tiyan.Sa tabi niya, abala naman si Hope sa paglalaro ng stuffed toy. Ilang ulit na nitong itinataas iyon bago ihahagis sa kama at kukunin ulit, na par

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 67

    WHAT IF YOU KNEWTahimik pa rin si Elise habang hawak ang phone sa tabi ng tainga niya. Hindi niya alam kung bakit biglang naging emotional si Belle. Kanina lang ay nagtatawanan sila, pero ngayon ay parang may bigat sa bawat salitang sinasabi ng kaibigan.Kaya kahit may kung anong kurot sa dibdib niya, pinilit niyang gawing magaan ang usapan.“Huy, bakit ang drama mo?” natatawa niyang sabi, bahagyang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “Wag ka ngang ganyan. Pinapalungkot mo naman ako.”Sa kabilang linya, ilang segundo munang natahimik si Belle bago ito tuluyang tumawa. Hindi man nito kayang burahin ang bigat na nararamdaman, sapat na ang pagtawa ni Elise para kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam niya.“Diba dapat masaya ka?” biro ni Belle, sinabayan pa ng mahinang tawa. “Bakit iba reaction mo? Ako nga dapat ang umiiyak dito.”Napatawa rin si Elise. “Ewan ko sa'yo. Ikaw itong biglang naging emotional tapos ako pa ang pinapalungkot mo.”Muli silang nagtawanan, at sa ilang segundo, para

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 66

    I'M NOT LEAVING YOUTahimik ang buong bahay nang gabing iyon.Nakahiga si Elise sa kama habang katabi niya si Hope na mahimbing na natutulog. Isang kamay niya ang nakapatong sa tiyan niya habang ang isa naman ay hawak ang phone.Alas-diyes na.Wala pa rin si Jason.Kanina pa niya hinihintay ang message nito.Bago ito umalis, sinabi nitong baka ma-late siya dahil may kailangan daw siyang i-revise sa thesis paper.Hindi na nagtanong si Elise.Hindi na rin siya nagreklamo.Tumahimik na lamang siya.Maya-maya, tumunog ang phone niya.Belle.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello?”“Hi, Elise.”Napansin agad ni Elise ang kakaibang tono ng kaibigan.Tahimik.Mabigat.Parang may gustong sabihin pero pinipigilan.“Belle? Okay ka lang?”“Yeah,” mabilis na sagot nito. “Ikaw? Kumusta ka?”Napatingin si Elise sa anak niyang natutulog.“Okay lang naman.”Saglit na katahimikan.“Nasaan si Jason?”Napabuntong-hininga si Elise.“Wala pa. May irerevise daw sa thesis paper. Baka late na naman siya.”Hin

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 65

    THE THING BELLE SAWDalawang araw matapos ang follow-up checkup ni Elise, dumalaw si Belle sa bahay.Agad nitong napansin na parang mas tahimik ang kaibigan niya kaysa dati. Kahit pilit na nakangiti si Elise habang pinaghahandaan siya ng meryenda, hindi nawala kay Belle ang pag-aalala sa mga mata nito.“Okay ka lang ba talaga?” tanong niya habang nakaupo sila sa sala.Tumango si Elise, pero hindi naging convincing ang ngiti niya. “Okay lang ako. Medyo pagod lang talaga.”Alam ni Belle na may tinatago ang kaibigan niya, pero hindi na muna siya nangulit. Hinintay niyang si Elise mismo ang magsalita.At hindi nagtagal, lumabas din ang lahat.Ikinuwento ni Elise ang mga nangyayari sa kanila ni Jason—ang tungkol kay Mia, ang mga gabing late itong umuuwi, ang mga pangakong hindi natutupad, at kung paano sa tuwing nagtatanong siya, nauuwi sa pagtatalo ang lahat.“Parang ako na lang lagi yung mali, Belle,” mahina niyang sabi. “Kapag nagtatanong ako, selosa ako. Kapag nasasaktan ako, iniisip k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status