Luna’s POV Ang amoy ng disinfectant sa ospital ang pinaka-ayaw kong alaala ng nakalipas na limang araw. Bawat singhot ko ng malamig na hangin doon, naiisip ko ang tunog ng heart monitor, ang amoy ng nasunog na balat, at ang kaba na baka sa isang iglap lang ay bawiin sa akin ang mag-ama ko. Kaya nang sa wakas ay pinirmahan ng attending physician ang discharge papers namin, parang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan. “Maayos na ang vitals ni Via. Clear na ang lungs niya mula sa smoke inhalation,” nakangiting paliwanag ng pediatrician habang inaabot ang reseta. “She’s completely out of the woods, Mommy. Needs lots of rest and fluids, pero physically, resilient ang bata.” Paglipat naman sa kwarto ni Alex, medyo mas mahaba ang naging briefing ng kaniyang doktor. May fractured ribs pa siya, second-degree burns sa may bandang likod at balikat, at mga sugat na kailangan pa ng regular sterile dressing. Ayaw pa sana siyang payagang lumabas, pero nagmatigas si Alex. Ang sabi niya
最終更新日 : 2026-10-05 続きを読む