ARMEA’S POINT OF VIEWNagising ako sa mahinang tunog ng mga gulong ng cart sa hallway.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame, pilit inuunawa kung nasaan ako. Pagkatapos ay bumalik sa isip ko ang huling nangyari—ang mga resulta ng doktor, ang yakap ni Reiner, ang pag-iyak ko sa dibdib niya hanggang sa tuluyan akong mapagod.Pagod parin ang buong katawan ko, at may mabigat na lungkot na nanatili sa loob ko kahit nakapagpahinga ako nang ilang oras.Nang lumingon ako sa gilid ng kama, nakita ko si Reiner.Nakatulog siya sa upuang halos hindi kasya sa mahahabang binti niya. Nakayuko ang ulo niya, nakasandal sa gilid ng kama ang isang balikat, at nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin. Gusot ang polo niya. Wala na ang karaniwan niyang maayos na ayos, at may bahid ng pagod sa mukha niyang bihirang makita ng kahit sino.Napangiti ako nang bahagya.“Your back is going to kill you,” bulong ko.Agad siyang nagmulat ng mata.Sa isang iglap, nawala ang antok sa mukha niya. Umayos siya ng upo at
Last Updated : 2026-10-24 Read more