Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa silyang iniwan ni Reiner, nakatitig sa malaking pintuang kakasara lamang sa likuran nila ni Zeke.Tahimik na naman ang executive suite.Walang tunog ng keyboard o pang-aasar ni Reiner.Napabuntong-hininga ako at tumayo, hindi puwedeng nakaupo lang ako rito habang iniisip kung gaano karami ang hindi ko alam tungkol sa asawa ko.Napatingin ako sa mga dokumentong nakakalat sa sahig.Damn it!Dahil sa kalokohan namin kanina, parang dumaan ang isang maliit na bagyo sa ibabaw ng mahogany desk niya.May ilang folder na nakabukas, may mga papel na nagsabog sa gilid ng sofa, at mayroon pang kontratang muntik nang mapasama sa ilalim ng sapatos ko.“Grabe ka talaga, Reiner,” bulong ko habang yumuyuko para pulutin ang mga iyon. “Ikaw ang nagkalat, pero ako ang magliligpit. Napaka-unfair naman yata niyan, Mr. Ramanov.”Kung narito siya, malamang na tatawanan lang niya ako at sasabihing puwede naman akong mag-utos sa mga staff. Pero hindi ko kayang iwan n
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-21 Mehr lesen