ARMEA’S POINT OF VIEWHindi ko inakalang maririnig ko ang pangalan ni Richard sa isang courtroom na hindi na ako ang nanginginig sa bawat pagbigkas nito.Maaga pa lang ay nakaupo na ako sa tabi ni Reiner sa loob ng sasakyan.Nasa kandungan ko ang bag ko, at kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na tapos na ang pinakamahirap na bahagi, hindi ko mapigilang pisilin ang strap nito sa pagitan ng mga daliri ko.Sa labas, tuloy-tuloy ang pagdaan ng mga sasakyan. Ordinaryo ang umaga para sa lahat ng taong hindi kailangang harapin ang lalaking minsang nagmukhang buong mundo nila.“Look at me, Wife.”Dahan-dahan akong lumingon.Nasa tabi ko si Reiner, nakasuot ng itim na suit na halos palaging nagpapamukha sa kaniya na walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumalaw nang hindi niya pinapahintulutan. Pero nang dumapo ang tingin niya sa mga kamay kong nakakapit sa bag, bahagyang lumambot ang mukha niya.“You don't have to prove anything today,” sabi niya. “Your statement is already on record
Last Updated : 2026-10-24 Read more