Naunang bumaba ng sasakyan si Marcus, pagkatapos ay nilahad ang kamay niya para alalayan siya. Magkahawak-kamay, naglakad sila nang may elegansya at pekeng kaligayahan papunta sa mansyon, iginiya ng mga staff direkta sa main garden kung saan nakatipon ang lahat."My dear son, nandito na rin kayo," sabi ni Manilyn, ang ina ni Marcus. Napaka-elegante ng suot nito, dala ang tindig ng isang high-society lady."Mom." Yumuko si Marcus at hinalikan ito sa pisngi."Hello, dear." Binate ni Manilyn si Cecilia ng isang mainit na yakap. "Pumayat ka yata," sabi nito sabay pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa."Hindi naman po siguro, Mom," sabi niya na may tipid na ngiti."Dear, alam kong mahalaga ang pag-maintain ng figure mo, pero kailangan mo ring isipin ang maging healthy para mabuntis ka na agad," komento nito.Ngumiti lang si Cecilia. Kung hindi man siya nabubuntis, hindi iyon dahil sa katawan niya, kundi dahil sa tangang nakatayo sa tabi niya."Mom, wag na nating simulan," sabi ni
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-19 Mehr lesen