ATHENA'S POVNandito ako ngayon sa isang kilalang café sa Baguio. Hindi ko sukat akalain na makakarating ako sa ganitong lugar. Akala ko habang-buhay na akong stuck sa madrasta kong bruha.“Hi, miss. Is this occupied?” Naputol ang guni-guni ko at napatingin sa babaeng nasa harapan ko.Shit. Anghel ba ’to? Ang ganda niya. Minsan lang ako magandahan sa isang babae, lalo na kapag simple lang at walang masyadong arte.“Ayy, sige. Hindi, walang nakaupo diyan.”“Thank you.” Umupo siya sa harapan ko at inayos ang gamit niya.“Anyway, dayo ka lang din ba dito?”Ay, nagtatagalog pala siya! Akala ko Englishera din. Jusko, sakit na nga ng ilong ko kay Lucien e.“Hmm, oo. Bakasyon lang. Ikaw ba?”“Not sure. May pinuntahan lang ako. Wala ka bang kasama?”Sabihin ko ba asawa ko? Wala naman siguro masama.“Meron. Hmm… asawa ko.” Saglit siyang natigilan sa ginagawa niya.“Wow, may asawa ka na? Hindi halata. Sa ganda mong ’yan, hinahayaan ka niyang mag-isa?”Nahiya naman ako bigla. “Huy! Hindi ah. Ika
最終更新日 : 2026-09-23 続きを読む