ATHENA'S POVHindi ako nakatulog na naman nang maayos dahil sa mga dapat hindi na iniisip. Focus sa goal, Athena!Nandito kami ni Lucien sa Wedding Bazaar ngayon. Hindi na yata matatapos ang schedule namin para sa kasal na ito.Ang daming booths: flowers, invitations, cakes, gowns, suits, decorations, souvenirs, etc. Pero siyempre, sa cake ako pumunta muna.“Hi, Ma’am. Anong wedding cake ang prepared niyo? May mga bago po kaming design.” Inabot sa akin ng babae yung flyers.Gulat naman akong napatingin sa presyo. ₱150,000. Pinakamura? Aba, huwag na, ano!“What cake do you want?” Binigay ko kay Lucien yung flyers.“Lucien, puwede bang cake na lang sa Red Ribbon? Ang mahal kasi ng cake nila!”“No,” mabilis na sagot niya.“At least hindi masakit sa bulsa. Masarap pa.”“You’re marrying me, Athena.”“Exactly. Kaya dapat may budget-conscious wife ka.” Nagpatuloy na ako sa paglibot at umalis na sa cake station. Jusko, ang mamahal!Nakita ko naman yung food tasting station.“Ma’am, you can t
最終更新日 : 2026-09-18 続きを読む