ATHENA’S POVAlas-siyete pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi dahil maaga akong natulog, kundi dahil halos buong gabi akong naghintay ng kahit anong balita mula kay Lucien.Wala. Ni isang tawag, ni isang mensahe.“Congratulations, Athena,” bulong ko habang nakatingin sa salamin. “May asawa ka nga, pero parang single ka rin.”Napabuntong-hininga ako at inayos ang buhok ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harap ng mga kasambahay. Hindi naman nila kasalanan kung iniwan ako ng sarili kong asawa sa ere.Pagbaba ko, nadatnan ko si Elena na nag-aayos ng almusal.“Good morning, Ma’am.”“Good morning. May balita ba kay Lucien?”Napatigil siya sa pag-aayos ng mga plato. “Wala pa po.”“Ahh sige.”Umupo ako at kumuha ng tinapay. Ngumunguya ako kahit wala akong gana, pero nang mapansin kong nakatingin pa rin sa akin si Elena, napabuntong-hininga ako.“Elena, kung may alam ka, sabihin mo na lang sa akin. Hindi ako magagalit.”“Wala po talaga akong alam, Ma’am. Ang alam ko lang, umalis si Sir. Hindi
最終更新日 : 2026-10-12 続きを読む