ATHENA’S POVPagkagising ko, ilang segundo akong nakatulala sa kisame bago ko naalala na may bisita kami.Lalaine.Bumangon ako at nagbihis. Paglabas ko ng bathroom, nakita ko si Lucien na inaayos ang cufflinks niya sa harap ng closet.“Good morning.”Saglit siyang tumingin sa akin. “Good morning. Nakapagpahinga ka ba?”“Medyo.”“Kung pagod ka pa, huwag kang magmadali.”Hindi ko alam kung concern ba talaga iyon o simpleng statement lang.“Bababa na ako.”“Sabay na tayo, Athena.”Pagdating namin sa dining area, nandoon na si Lalaine.“Good morning, Xavier.”“Good morning.”“Coffee?”“Yes. Black, no sugar.”Ngumiti siya. “Alam ko, Xavier.”Napatingin ako sa kanya. Alam niya.Umupo ako sa tapat nila. Hindi pa ako nakakapagsimula nang ilagay ni Lalaine ang isang plato sa harap ni Lucien.“Eggs, bacon, and toast. Your usual.”Simple lang naman ang pagkain. Pero alam niya kung ano ang gusto ni Lucien.Maya-maya, napansin kong may sauce sa gilid ng labi ni Lucien. Bago pa ako makapagsalita,
最終更新日 : 2026-10-03 続きを読む