Nanatili akong nakatayo sa harap ng training kitchen habang nakahawak si Liam sa balikat ko, tapik lang na mabilis. Hindi naman iyon big deal. Siguro gusto lang niyang i-congratulate kami sa naging training ngayong araw. Pagod kaming pareho at maayos naman ang naging teamwork namin."Good job today, partner," sabi ni Liam sa akin, nakangiti at medyo hingal pa."Thank you sa training today," sagot ko kay Liam, ngumiti rin ako."See you tomorrow, partner," sagot ni Liam sa akin, masigla pa rin kahit pawisan.Tumango ako at ngumiti pabalik. Inayos ko ang apron ko at akmang kukunin na ang bag ko nang mapalingon ako sa parking area. Nandoon ang itim na kotse na pamilyar na pamilyar sa akin. Nakaparada sa pinakadulo, pero bukas ang ilaw sa loob at mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang malamig na titig ni Kael sa bintana ng driver's seat. Hindi siya lumabas, hindi siya kumaway. Nakatingin lang.Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kotse nang may kalabog. Hindi malakas, pero sapat pa
Last Updated : 2026-09-26 Read more