Naging abala ako sa mansion buong umaga. Matapos ang magandang balita kahapon tungkol sa culinary training, parang mas gumaan ang lahat. Ito na yung pangarap na matagal ko nang hinihintay. Kaya kahit pagod pa rin ako sa mga nangyari nitong nakaraang linggo, mas ganado akong kumilos ngayon.Inayos ko ang mga throw pillows sa living room, pinunasan ang center table, at siniguradong walang alikabok sa mga vase na ayaw na ayaw ni Kael na may dumi. Tahimik ang buong bahay at yun ang gusto ko. Tahimik, maayos, walang gulo. Hanggang sa biglang tumunog ang doorbell.Ding-dong!Napatigil ako at napatingin sa malaking pinto. Sino naman kaya ito nang ganitong kaaga? Bihira lang may bumibisita dito maliban sa mga business partners ni Kael, at kadalasan ay dumadaan sila sa opisina niya, hindi sa main entrance ng mansion.Pinunasan ko ang kamay ko sa apron at agad na pumunta sa entrance. Pagbukas ko ng pinto, isang babae ang bumungad sa akin.Matangkad siya, maputi, at halatang sanay sa mamahaling
Last Updated : 2026-09-21 Read more