Napalingon kaming lahat sa may pintuan nang marinig ang malambing pero pamilyar na boses na iyon. Si Vanessa ang nakatayo roon, maayos ang suot na parang kagagaling lang sa isang meeting, buo ang makeup, at kasama ang isang staff mula sa culinary center. Nagtaka ako agad. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya parte ng culinary training namin at hindi rin siya instructor. Kaya bakit bigla siyang nandito, at bakit parang alam niyang nandito si Kael? Mukhang hindi niya inaasahang makikita si Kael dito sa baba, pero mabilis ding bumalik ang pamilyar at matamis niyang ngiti nang makita niya ito na nasa tabi ko."Your father is looking for you upstairs," sabi ni Vanessa kay Kael habang nakangiti at lumapit nang kaunti sa kanya na parang sanay na sanay siya na hanapin ito kahit saan.Tumango si Kael, ngunit hindi siya agad umalis at hindi man lang ngumiti pabalik. Sa halip, napatingin muna siya sa kamay kong may bandage na siya mismo ang naglagay kanina at saka muling tumingin kay Vane
Last Updated : 2026-09-29 Read more