Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa mahinang liwanag na pumapasok sa pagitan ng kurtina.Hindi ko agad binuksan ang mga mata ko.Pagod pa rin ang buong katawan ko. Masakit ang likod ko, mabigat ang ulo ko, at parang kahit ilang oras pa akong matulog, hindi pa rin sapat.Pero may narinig akong mahinang tunog mula sa tabi ko."Shh..."Napangiti ako bago pa man ako tuluyang dumilat.Si Alistair iyon.Nakatayo siya sa tabi ng crib habang hawak si Amara.Mukhang ilang oras na siyang gising."Good morning," mahina niyang bati nang mapansin niyang nakatingin na ako."Good morning.""Did you sleep well?""Actually, yes."Napatingin ako sa baby."Siya?""Nagising dalawang beses.""Twice?""Yes."Napangiti siya nang bahagya. "The first time, I managed. The second time, she decided she wanted everyone awake."Napatawa ako nang mahina."At ano'ng ginawa mo?""Kinarga ko. Naglakad ako. Kinausap ko. Tapos nung akala ko tulog na siya, bigla siyang dumighay."Napatawa ako."Alistair.""What?"
Dernière mise à jour : 2026-09-21 Read More