Pagdating ko sa mansion, nadatnan ko si Daddy sa sala, nakaupo sa sofa habang may binabasang documents sa tablet niya. Si Mara naman ay nasa kabilang sofa, tahimik na umiinom ng tea habang nanonood ng kung ano sa television. Pareho silang napatingin sa akin nang pumasok ako, at sa paraan pa lang ng pag-angat ng kilay ni Daddy, alam ko nang hindi ako basta makakalusot sa araw na ito.“Finally, you're home.” Ibinaba niya ang tablet sa center table at itinukod ang isang braso sa sandalan ng sofa. “How are you feeling now, Thea? Your professor told me you weren't feeling well, so I expected you to go straight home and rest. But you took your time getting here.”Napahinto ako sa pag-aalis ng sapatos ko. Shocks. May follow-up questions pala.“I'm okay now, Daddy. Sumakit lang talaga ulo ko kanina, pero nawala na rin naman habang nagpapahinga ako.” Inayos ko ang strap ng bag sa balikat ko at pilit na ngumiti. “Traffic din kasi, kaya medyo natagalan ako. I'm sorry I worried you. Next time, I'
Last Updated : 2026-10-09 Read more