“Okay, ladies, where do you want to eat?”Napatingin ako kay Rafa mula sa passenger seat habang si Bea naman ay nakasandal sa likod, yakap ang bag niya at mukhang hindi pa rin lubusang nakakabawi mula sa nangyari sa university. Ilang minuto na kaming nasa kalsada, pero panaka-naka pa rin siyang napapatingin sa akin sa rearview mirror, na para bang gusto niyang tiyaking hindi ako nag-iimbento ng boyfriend na mukhang commercial model. Si Rafa, kalmado lang habang nagmamaneho, isang kamay sa manibela at ang isa ay nakapatong malapit sa gear shift.“Anything is fine with me,” sagot ko, saka sumulyap kay Bea. “Ikaw, bestie? Huwag mong sabihing gusto mong kumain sa mamahaling restaurant para lang masabi mong nakapag-dinner ka kasama ang hot daddy ng university.”“First of all, hindi siya hot daddy ng university. He's your hot daddy,” mabilis na sagot ni Bea, saka biglang napaupo nang maayos. “Second, since ikaw ang may boyfriend na may taste, I trust his judgment. Basta masarap ang pagkain
Last Updated : 2026-10-09 Read more