Hindi ko alam kung kailan naging parte ng routine ko ang paghihintay sa isang text mula kay Dominic.Pero nitong mga nakaraang araw, parang may kulang kapag walang notification mula sa kanya.Hindi naman kailangan.Hindi naman kami magkasintahan.At lalong hindi naman namin kailangang mag-good morning o good night sa isa't isa.Pero kagabi, bago ako matulog, ilang beses kong tiningnan ang phone ko.Wala.Napabuntong-hininga ako.“Amara, ano ba.”Ibinaba ko ang phone sa bedside table at pumikit.Five minutes later, kinuha ko ulit.Wala pa rin.Napailing ako sa sarili ko.Hindi ko dapat hinihintay.Kaya nang mag-vibrate ang phone ko kinabukasan habang nag-aalmusal ako, muntik ko nang mabitawan ang kutsara.Dominic:Are you free this afternoon?Tinitigan ko ang message.Simple.Diretso.Very Dominic.Me:Why?Ilang segundo lang bago siya sumagot.Dominic:I need to check something at the property.Napataas ang kilay ko.Me:That's all?Matagal bago siya nag-reply.Dominic:Do you want me
Last Updated : 2026-09-26 Read more