Ysabella's POVNanatiling nakaluhod si Lysander sa damuhan. Ang kaniyang mga matang kulay abo, na dating puno ng lamig at poot, ay nanginginig ngayon habang puno ng luha at pagmamakaawa."Ysabella... please," paos at basag niyang pakiusap. Dahan-dahan siyang tumayo, ngunit nanatiling nakatayo nang ilang dipa ang distansya para hindi ako mas lalong matakot o magalit. "Let me speak to them. Just... just five minutes, Ysabella. I'm begging you."Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong nagmakaawa si Lysander Montenegro. Ang lalaking sinamba ng buong business world, ang CEO na walang sinasanto at kayang magpabagsak ng kumpanya sa isang kumpas lang ng kamay—ngayon ay nakatayo sa harap ko, basag-basag at umiiyak sa gitna ng parke.Pero hindi na ako ang lumang Ysabella na lumalambot sa bawat kilos niya."Sarah, dalhin mo na ang mga bata sa sasakyan. Now," utos ko sa nanny.Mabilis na hinawakan ni Sarah ang mga kamay nina Lucas at Luna. Subalit bago pa man sila makahakbang, mabilis n
Last Updated : 2026-10-04 Read more