Teilen

FAKE MARRIED TO HIS REVENGE
FAKE MARRIED TO HIS REVENGE
AnneVillamin

Chapter 1

last update Veröffentlichungsdatum: 07.10.2026 09:58:37

Nanginginig ang mga kamay ni Elena habang hawak ang basong may alak. Sa kabilang dulo ng mamahaling restobar na iyon, nakaupo si Markus Smith—ang boyfriend ng kanyang matalik na kaibigang si Aira. Bagaman madilim at may kaunting liwanag lang mula sa ilaw na kinaroroonan nito, kitang-kita pa rin ang likas na taglay nitong karisma: ang matatag na panga, ang matatalim at malalalim na mata, at ang tindig ng isang lalaking sanay na sinusunod at ginagalang ng lahat sa mundo ng negosyo. Si Markus ang may-ari ng tanyag na Smith Corporation na napakarami nang branches sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Subalit sa gabing ito, ang lalaking ito na tinitingala at kinatatakutan ng marami ay nakatakdang maging biktima. At ang higit na nakakadurog ng puso ni Elena ay siya mismo ang gagamiting sandata para masaktan ito.

"Siguraduhin mong mauubos niya 'yan, Elena," bulong ni Aira sa tabi niya. Mabilis at halatang kabado ang bawat paghinga ng babae, bakas ang labis na kaba at takot sa mga mata nito. Iniwan lang nila nang saglit si Markus para kausapin siya ni Aira. "Kapag hindi mo ginawa 'to, hindi ako makakawala sa kanya. Habambuhay ako matatali sa relasyong 'to."

Tumingin si Elena kay Aira. Maganda, mayaman, kilala sa lipunan, at tila nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng isang karaniwang babae.

"Aira, mali 'to," mariing apela ni Elena habang mas hinihigpitan ang hawak sa baso. "Bakit ito pa ang naisip mong paraan? Bakit hindi mo na lang tapatin si Markus na may iba ka nang mahal? Na hindi mo na siya gusto at gusto mo nang makipaghiwalay nang maayos?"

"Kilala mo si Markus, mahal na mahal niya ako kaya hindi 'yon papayag sa hiwalayan," marahas na hinawakan ni Aira ang magkabilang balikat ni Elena. "Alam ko sisirain niya ang kumpanya ni Jerome kapag nalaman ni Markus na ito ang dahilan kaya makikipaghiwalay ako!Papabagsakin niya ang buong pamilya ni Jerome! Kilala mo si Markus, Elena... gumaganti siya. Hindi siya kailanman pumapayag na siya ang naiisahan, naloloko, o nasasaktan sa huli.

Huminga nang malalim si Elena habang pumipikit nang mariin. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kinaroroonan ni Markus. Alam ni Elena na sinagot lang ni Aira si Markus hindi dahil mahal niya ito, kundi para gamitin ito ng pamilya ni Aira, para sa negosyo. Masakit para sa kanya na makitang patuloy na niloloko si Markus ng babaeng buong puso nitong minahal at pinagkakatiwalaan sa loob ng dalawang taon nitong magkasintahan.

Naisip ni Elena: Hindi ko hahayaan patuloy na lokohin si Markus. Kung gagawin ko 'to, matatapos na ang pagpapanggap ni Aira. Masasaktan man si Markus ngayon, kahit papano, makakawala na siya sa babaeng hindi naman siya totoong mahal at ginagamit lang siya.

Kahit na alam niyang galit, poot, at pagkamuhi lang ang pwedeng ibalik sa kanya ng lalaki pagkatapos ng gabing ito, nakahanda siyang maging masama sa mata nito para lang hindi ito lokohin nang matagal ni Aira. At higit sa lahat, pumayag siya dahil sa isang lihim na dahilan na kahit kailan ay hindi niya mailantad kanino man, mahal na mahal niya si Markus. Lihim niyang inibig ang kasintahan ng kanyang kaibigan mula pa noong unang araw na makilala at makasama niya ito.

"Pumapayag na ako," malamig at marahang sabi ni Elena, sabay iwas ng tingin.

Tumango si Aira, halatang nabawasan ang matinding tinik at bara sa kanyang dibdib. "Salamat, Elena. Salamat nang marami. Huwag na huwag kang aamin na ako ang nagplano nito. Ngayon lang ako humingi ng pabor sa 'yo sa dami ng naitulong ko sa 'yo."

Hindi maipagkakaila ni Elena ang katotohanang iyon. Si Aira ang nag-iisang tumulong sa kanya para makapagtrabaho sa kumpanya ni Markus. Naging matalik niyang kaibigan noong panahong bagong salta pa lang siya sa Maynila. Umiiyak siya noon sa isang waiting shed dahil ubos na ang kanyang baong pera at wala pa rin siyang mahanap na trabaho, kahit nakacollege graduate naman siya. Ayaw niyang umuwi sa probinsya nila sa Bicol dahil napakahirap ng buhay doon at kailangan niya ng pera para sa tatay niya may sakit. Napadaan noon si Aira, dahil naawa ito sa kanya, ito ang tumulong sa kanya. Ito ang nagbayad sa tatlong buwang renta ng kanyang apartment, at ito rin ang nangulit kay Markus para makapasok siya sa kumpanya nito bilang Junior Marketing Assistant. Mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan ni Aira. Kaya ngayon, utang na loob niya kay Aira kung bakit malaki ang perang naipapadala niya sa kanyang mga magulang sa Bicol.

"“Pagkatapos mong painumin si Markus ng alak na yan na may pampatulog, dalhin mo siya sa kuwarto sa itaas ng restobar , may staff na lalapit saiyo para tulungan ka at magpanggap kang may nangyari sa inyong dalawa." ani ni Aira. "Iyon ang gagamitin kong dahilan para makipagkalas sa kanya. Sa ganitong paraan, iisipin niyang ikaw at siya ang nagtaksil sa akin, at hindi niya kailanman maiisip na may iba akong relasyon. Sa gayon, hindi niya magagalaw o mapapabagsak ang kumpanya ni Jerome."

Ikinuyom ni Elena ang kanyang kamao. Siya ang lalabas na masama, ang ahas sa paningin ni Markus.

Bitbit ang baso ng alak at ang napakabigat na pasanin sa kanyang dibdib, dahan-dahang naglakad si Elena patungo kay Markus.

"Elena?" gulat na bati ni Markus nang maiangat nito ang tingin at makita siya. Bahagyang lumambot ang pormal at matalim nitong mukha nang makilala siya. "Where’s Aira? I thought you’d only talk for a moment.?"

"Umalis saglit... may emergency call lang mula sa parents niya, babalik din 'yon agad," pilit na ngumiti si Elena habang nauupo sa bakanteng upuan sa tapat nito, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang boses. "Inutusan niya akong dalhan ka ng inumin habang naghihintay ka sa kanya."

Tumingin si Markus sa basong inabot ni Elena, walang anumang pagdududa o pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

"Salamat," simpleng sabi ni Markus at direktang ininom ang alak hanggang sa maubos ito.

Nakatitig lang si Elena habang lumalagok ang lalaki. Bawat paggalaw ng leeg nito ay tila pumupunit sa puso at kaluluwa ni Elena. "Patawarin mo ako, Markus, "sigaw ng kanyang isip habang nasasaktan para dito sa gagawin niya. "Patawarin mo ako dahil kailangan kong gawin 'to para makawala ka na sa relasyon niyo ni Aira na hindi ka naman talagang minahal."

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula nang humina ang galaw ni Markus. Napahawak ang lalaki sa kanyang ulo, kumunot ang noo nito sa biglang pagkabigat ng kanyang mga talukap at pag-ikot ng kanyang paningin.

"Bakit... bakit biglang..." bulong ni Markus, halos hindi na makapagsalita nang maayos habang unti-unting bumabagsak ang nanlalambot nitong katawan sa ibabaw ng mesa.

Agad na lumapit si Elena at inalayan ang lalaki bago pa ito tuluyang matumba. Sa tulong ng isang staff ng Resto bar, nadala nila ito sa kwartong maagang inupahan ni Aira sa itaas na palapag ng gusali.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 13

    ​"Oo, Elena! Matutuloy na sa wakas!" patuloy ng kanyang ina mula sa kabilang linya, bakas ang labis na kagalakan, pag-asa, at matinding ginhawa sa boses nito. "Sinabi ng doktor na may naglakad at nagbayad daw ng lahat ng gastusin mula sa Maynila. Hulog ka talaga ng langit sa amin, anak. Maraming-maraming salamat sa sakripisyo mo para sa tatay mo."​Nang maibaba ang telepono, nanatiling nakatitig si Elena sa munting screen ng kanyang cellphone. Ang maiinit na luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.​Alam ni Elena—walang ibang taong may kakayahan at kapangyarihang gumawa niyon kundi si Markus Smith.​Sa kabila ng malupit nitong banta, sa kabila ng mga masasakit nitong salita, tinupad pa rin ni Markus ang pangako nito. Iniligtas nito ang buhay ng kanyang ama sa Bicol mula sa tiyak na kapahamak.​“Pabigat ka na simula pa noong unang araw na pumasok ka sa buhay ko, Elena…”​Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isip ang malamig at galit na boses ni Markus. Napahawak si Elena sa kanyang

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 12

    Lumipas ang tatlong araw matapos ang nangyari sa swimming pool.Nakatitig si Elena sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa ibaba. Hindi siya napapakali. Sanay siyang kumikilos at nagtatrabaho simula pa noong bata siya sa Bicol. Higit sa lahat, nahihiya siya sa mga kasambahay. Alam niyang galit sa kanya si Manang Maria at ang ibang katulong dahil sa iskandalong kumalat sa buong bansa. Ayaw niyang isipin ng mga ito na ginagamit niya ang nangyari sa kanya para mag-inarte, magpaka-donya, o umiwas sa trabaho.Huminga nang malalim si Elena at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Tumingin siya sa magkabilang dulo ng hallway. Tahimik siya bumaba.Pagdating niya sa unang palapag, dumeretso siya sa malawak na kusina ng mansyon. Pagpasok niya roon, agad niyang naamoy ang masarap na amoy ng mga sangkap na iginisa. Nakatayo roon si Manang Maria sa harap ng malaking mesa habang nag-aayos ng mga gulay at karne para sa ihahandang hapunan.Dahan-dahang lumapit si Elena. "

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 11

    ​Mahigpit ang hawak ni Markus sa baso ng whiskey habang nakatitig sa bughaw na tubig ng swimming pool sa ibaba. Ang araw sa labas ay maliwanag, ngunit ang kanyang isip ay nababalutan ng madilim at magulong pag-iisip. Paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang tainga ang bawat salitang binitiwan ni Elena kanina sa master bedroom—mga salitang puno ng matinding takot.​“Naitulak mo ako, Markus... hindi ako marunong lumangoy...”​Mabilis na ininom ni Markus ang alak sa kanyang baso hanggang sa gumapang ang init nito sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinatitigas ang kanyang puso. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganitong kabigat sa kanyang dibdib? Si Elena ang nagsimula ng lahat ng kaguluhang ito. Si Elena ang sumira sa relasyon nila ni Aira, at ang nagtulak sa kaibigan nito para lumayo at lumipad patungong ibang bansa. Si Elena ang dapat na nagdurusa.​Ngunit tuwing pipikit siya, ang nakikita niya ay hindi ang mukha ng isang taksil at sinungaling, kundi ang inosente nitong mukha.​Narinig ni Mark

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 10

    ​Inalis ni Dr. Cruz ang kanyang stethoscope at seryosong tinitigan ang namumutlang mukha ng dalaga bago muling humarap kay Markus.​"Mababa ang kanyang blood sugar at presyon ng dugo. Ang katawan niya ay nasa punto ng matinding panghihina at dehydration," paliwanag ni Dr. Cruz habang maingat na ikinakabit ang IV drip sa likod ng palad ni Elena. "Kailan huling kumain ang asawa mo? Batay sa pagsusuri ko, halos isang araw na walang maayos na laman ang kanyang sikmura. Dagdag pa rito ang matinding emotional stress at matinding shock sa biglaang pagkalubog sa malamig na tubig. Kung hindi mo siya agad naagapan, maaari siyang ma-seizure."​Natigilan si Markus. ​Tumingin si Markus kay Elena. Ang balat nito na dati'y may likas na sigla ay tila papel sa kaputlaan. Ang mga labi na pilit na ngumingiti sa harap ng media kagabi ay tuyo at namumutla.​"Mag-iiwan ako mga gamot at pampalakas," patuloy ni Dr. Cruz habang nagsusulat sa kanyang reseta. "Kailangan niyang makainom ng mainit na sabaw kapa

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 9

    ​Nakatayo lang si Markus sa gilid ng swimming pool, nakapamulsa habang malamig na nakatitig kay Elena. Walang kahit katiting na awa sa kanyang mga mata habang pinapanood si Elena na nahihirapang huminga at unt-unting nawawalan ng lakas sa ilalim ng tubig.​"Iyan ang nababagay sa isang katulad mong taksil," malamig na bulong ni Markus. Tinalikuran niya si Elena at palamig na naglakad pabalik sa loob ng mansyon.​"T-tulong... M-Markus... P-pakiusap..."​Paos at halos walang boses na ang sigaw ni Elena. Bawat taas ng kanyang mga kamay ay lalong nagpapabigat sa kanyang mga binti. Dahil sa matinding gutom simula pa kahapon, kawalan ng tulog, at ang sobrang lamig ng tubig sa madaling-araw, mabilis na naubos ang natitira niyang lakas. Bumigat ang kanyang basang duster at dahan-dahan siyang hinila pababa sa pinakamalalim na bahagi ng pool.​Habang unti-unting lumulubog ang kanyang katawan, nakatitig si Elena sa liwanag ng araw mula sa ibabaw ng tubig. Lumalabo ang kanyang paningin. Nararamdam

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 8

    Pagkasara ng pinto ng itim na Maybach, agad na binitiwan ni Markus ang kamay ni Elena. Kumuha si Markus ng wet wipes mula sa gilid ng upuan at marahas na pinunasan ang sariling mga daliri, habang nakatitig sa bintana nang may matinding pagkamuhi."Napakagaling mong magsinungaling," malamig na sabi ni Markus, bago pabalagbag na itinapon ang ginamit na wet wipes sa sahig ng kotse. "Natural na natural sa 'yo ang magpanggap na mahal mo ako sa harap ng media."Nakatungo lang si Elena sa kabilang gilid ng backseat, nanginginig ang mga kamay habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Sinunod ko lang ang gusto mo, Markus... Sinabi ko ang lahat ng dapat kong sabihin.""At ipagpatuloy mo lang 'yan," malamig na banta ni Markus habang nakatitig sa kanya nang walang awa. Tahimik na bumyahe ang sasakyan pabalik sa Forbes Park. Bawat minutong lumilipas sa loob ng malamig na kotse ay parang hatol ng bitay para kay Elena. Bukod sa matinding sakit ng kalooban, nararamdaman na rin

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status