Teilen

Chapter 3

last update Veröffentlichungsdatum: 07.10.2026 10:12:41

"A-Aira?!" naguguluhang sigaw ni Markus habang pilit na hinahawakan ang kumot para takpan ang sarili. Ang kanyang ulo ay kumikirot pa rin sa matinding sakit. "Wala akong ginagawang masama! I don't even know why I'm here at kung bakit kasama ko si Elena!"

"Huwag ka nang magsinungaling, Markus!" sigaw ni Aira sabay hagulgol, habang ang dalawang staff sa likod niya ay napapailing sa matinding shock at bulungan. "Pumunta ako rito dahil may nakapgsabi dito kayo nagstay ni Elena. Kagabi, nagmadali akong umuwi nang maaga dahil tumawag ang family ko para sa isang emergency call. Pero..... pero ito ang maabutan ko?! Kayo ng best friend ko, walang mga damit at magkatabi sa iisang kama?!"

Si Elena ay nanatiling nakayuko sa tabi ni Markus, nakapikit nang mariin habang tuloy-tuloy ang agos ng luha sa kanyang mga pisngi. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Aira ay parang matalas na kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang dibdib. Ginawa ni Elena ang utos: ang manahimik, umiyak, at tanggapin ang lahat ng pag-usig para lumabas siyang ahas, at kontrabida sa paningin ni Markus.

"Elena... magsalita ka!" galit na sigaw ni Markus. Hinawakan niya nang marahas ang balikat ni Elena at pilit itong iniharap sa kanya. "Tell her the truth! Anong nangyari kagabi?! Bakit tayo magkasama sa room na 'to?! Sabihin mo sa kanya na wala tayong ginagawang masama!"

Nang magtama ang mga mata nila, halos madurog ang buong pagkatao ni Elena. Ang mga mata ni Markus na dating puno ng charisma, respeto, at kaunting lambing ay napalitan ng matinding kalituhan, matinding sakit, at nag-aapoy na galit.

"P-patawarin mo ako, Markus..." utal na hikbi ni Elena habang nakatitig sa lalaki. "P-patawarin mo ako..."

Iyon lang ang naging sagot niya—isang maikling pahayag na sa paningin ni Markus ay isang direktang pag-amin ng pinakamalaking kasalanan.

Nanlamig ang buong katawan ni Markus. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay mula sa balikat ni Elena na tila ba biglang nawalan ng lakas ang kanyang mga bisig.

"Iyon na 'yon?" galit na sigaw ni Aira na lalong nagpaalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. "Patawarin ka?! Elena, tinulungan kita noong wala ka kahit piso! Tapos ito ang ipapalit mo sa akin?! Inagaw mo ang boyfriend ko!"

Umiyak pa nang mas malakas si Aira, itinakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha. "Tapos na tayo, Markus! Ayoko na sa 'yo! Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa niyo sa akin!"

Mabilis na tumalikod si Aira at patakbong lumabas ng kwarto habang umiiyak. Ang dalawang staff ay nagmamadali ring sumunod sa kanya.

Nabalot ng napakabigat at nakakabinging katahimikan ang buong kwarto.

Nakatungo pa rin si Elena, nanginginig ang buong katawan habang mahigpit na nakabalot sa puting kumot. Ramdam na ramdam niya ang napakalamig at nakamamatay na aura ni Markus na tumayo na ngayon mula sa kama.

Mabilis na isinuot ni Markus ang kanyang pantalon. Bawat kilos ng lalaki ay puno ng matinding galit. Isinampa niya ang kanyang white button-down shirt sa kanyang balikat, na nagpapakita sa kanyang matigas na dibdib at magulong hitsura. Lumapit siya sa paanan ng kama at tumitig kay Elena mula sa itaas.

"Look at me, Elena," malamig, mababa, at nakakapanginig ng laman na utos ni Markus.

Hindi gumalaw si Elena sa sobrang takot. Nakatitig lang siya sa magulong sheet ng kama habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"I said look at me!" bulyaw ni Markus sabay kabig at pigil sa baba ni Elena gamit ang kanyang malakas na kamay para pilitin itong mag-angat ng mukha.

Napasinghap si Elena sa gulat at sakit. Ang hawak ni Markus sa kanyang mukha ay mahigpit, marahas. Wala na ang dating respeto at kaunting ngiti na ibinibigay nito sa kanya kapag nagkakasalubong sila sa hallway ng kumpanya bilang kaibigan ni Aira. Ang naroon na lang ngayon ay ang malupit, walang puso, at makapangyarihang CEO na walang awa sa sinumang nagtataksil sa kanya.

"Bakit mo ginawa 'to?" malamig at pabulong na tanong ni Markus, ngunit bawat salita ay parang may kasamang lason. "Plano mo ba 'to mula pa noong umpisa? Inilagay mo ba ako sa posisyong 'to para iwan ako ni Aira?"

"M-Markus... h-hindi..." nauutal at nahihirapang hikbi ni Elena. Gustong-gusto niyang sabihin ang totoo. Gustong-gusto niyang isigaw na si Aira ang nagplano ng lahat, na si Aira ang naglagay sa kanila sa situwasyong ito para makalabas ito sa relasyon nang parang walang kasalanan. Pero hindi niya mailantad ang katotohanan dahil sa napakalaking utang na loob kay Aira.

"Nawalan ako ng malay kagabi right after you gave me that drink," patuloy ni Markus habang tumatalim at dumidilim ang kanyang titig. "I trusted you because you're Aira's best friend. Nilagyan mo ba ng pampatulog ang alak ko?!"

Napakagat-labi si Elena at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata habang lalong umiiyak. Ang kanyang katahimikan ay naging sapat na sagot para sa nagdidilim na isip ni Markus.

Natawa nang mapait si Markus—isang malamig at nakakapangilabot na tawa na nagpataas ng balahibo ni Elena. Binitiwan niya nang marahas ang mukha ni Elena na tila ba nandidiri siyang madikit ang kanyang balat dito.

"Napakagaling," bulong ni Markus habang dahan-dahang umiiling. "Napakagaling mong magpanggap. Akala ko mabait ka, tahimik, at tapat kay Aira. Yun pala, may maitim at napakarumi kang balak. What do you want? Money? Ang mapansin ko? O sadyang inggitera ka lang talaga sa buhay ng kaibigan mo?!"

"H-hindi ako inggitera, Markus..." mahinang apela ni Elena sa gitna ng kanyang pagluha. "Hindi ko gustong mangyari 'to..."

"Don't you dare speak my name!" sigaw ni Markus na umalingawngaw sa silid at tuluyang nagpatahimik kay Elena. "Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ko gamit ang maruming bibig na 'yan!"

Tumalikod si Markus, at kinuha ang kanyang wallet. Kumuha siya ng napakamakapal na bundle ng libu-libong cash mula rito at walang pag-aalinlangang itinapon ito nang diretso sa mukha at sa katawan ni Elena.

Ang mga papel na pera ay nagsabog sa hangin bago dahan-dahang bumagsak sa kama at sa kandungan ni Elena.

"Gusto mo ng pera, 'di ba?" galit at puno ng paghamak na sabi ni Markus. "There! Take all of it! Pero siguraduhin mong hindi ka na magpapakita sa akin kahit kailan."

Tinitigan ni Elena ang makakapal na perang nakakalat sa kanyang kandungan. Ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay mas matindi pa sa anumang pisikal na pinsala. Ang lalaking matagal na niyang lihim na minamahal mula sa malayo ay nakatingin sa kanya ngayon na para siyang pinakamababang uri ng babae sa lupa.

"Umalis ka na sa harap ko." mariing utos ni Markus "And I'll make sure... starting today, sisirain ko ang buhay mo. Wala ka na babalikan trabaho sa kumpanya ko at hinding-hindi ka na makakahanap ng trabaho sa kahit anong kumpanya sa buong Pilipinas. Sisiguraduhin kong malalaman ng lahat kung anong uri kang tao."

Nanginginig ang buong katawan na tumayo si Elena habang mahigpit na nakabalot ang kumot. Mabilis niyang pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa floor at patakbong pumasok sa bathroom.

Pagkasara ng p***o ng bathroom, napaupo si Elena sa malamig na semento at napahagulhol.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 13

    ​"Oo, Elena! Matutuloy na sa wakas!" patuloy ng kanyang ina mula sa kabilang linya, bakas ang labis na kagalakan, pag-asa, at matinding ginhawa sa boses nito. "Sinabi ng doktor na may naglakad at nagbayad daw ng lahat ng gastusin mula sa Maynila. Hulog ka talaga ng langit sa amin, anak. Maraming-maraming salamat sa sakripisyo mo para sa tatay mo."​Nang maibaba ang telepono, nanatiling nakatitig si Elena sa munting screen ng kanyang cellphone. Ang maiinit na luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.​Alam ni Elena—walang ibang taong may kakayahan at kapangyarihang gumawa niyon kundi si Markus Smith.​Sa kabila ng malupit nitong banta, sa kabila ng mga masasakit nitong salita, tinupad pa rin ni Markus ang pangako nito. Iniligtas nito ang buhay ng kanyang ama sa Bicol mula sa tiyak na kapahamak.​“Pabigat ka na simula pa noong unang araw na pumasok ka sa buhay ko, Elena…”​Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isip ang malamig at galit na boses ni Markus. Napahawak si Elena sa kanyang

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 12

    Lumipas ang tatlong araw matapos ang nangyari sa swimming pool.Nakatitig si Elena sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa ibaba. Hindi siya napapakali. Sanay siyang kumikilos at nagtatrabaho simula pa noong bata siya sa Bicol. Higit sa lahat, nahihiya siya sa mga kasambahay. Alam niyang galit sa kanya si Manang Maria at ang ibang katulong dahil sa iskandalong kumalat sa buong bansa. Ayaw niyang isipin ng mga ito na ginagamit niya ang nangyari sa kanya para mag-inarte, magpaka-donya, o umiwas sa trabaho.Huminga nang malalim si Elena at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Tumingin siya sa magkabilang dulo ng hallway. Tahimik siya bumaba.Pagdating niya sa unang palapag, dumeretso siya sa malawak na kusina ng mansyon. Pagpasok niya roon, agad niyang naamoy ang masarap na amoy ng mga sangkap na iginisa. Nakatayo roon si Manang Maria sa harap ng malaking mesa habang nag-aayos ng mga gulay at karne para sa ihahandang hapunan.Dahan-dahang lumapit si Elena. "

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 11

    ​Mahigpit ang hawak ni Markus sa baso ng whiskey habang nakatitig sa bughaw na tubig ng swimming pool sa ibaba. Ang araw sa labas ay maliwanag, ngunit ang kanyang isip ay nababalutan ng madilim at magulong pag-iisip. Paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang tainga ang bawat salitang binitiwan ni Elena kanina sa master bedroom—mga salitang puno ng matinding takot.​“Naitulak mo ako, Markus... hindi ako marunong lumangoy...”​Mabilis na ininom ni Markus ang alak sa kanyang baso hanggang sa gumapang ang init nito sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinatitigas ang kanyang puso. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganitong kabigat sa kanyang dibdib? Si Elena ang nagsimula ng lahat ng kaguluhang ito. Si Elena ang sumira sa relasyon nila ni Aira, at ang nagtulak sa kaibigan nito para lumayo at lumipad patungong ibang bansa. Si Elena ang dapat na nagdurusa.​Ngunit tuwing pipikit siya, ang nakikita niya ay hindi ang mukha ng isang taksil at sinungaling, kundi ang inosente nitong mukha.​Narinig ni Mark

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 10

    ​Inalis ni Dr. Cruz ang kanyang stethoscope at seryosong tinitigan ang namumutlang mukha ng dalaga bago muling humarap kay Markus.​"Mababa ang kanyang blood sugar at presyon ng dugo. Ang katawan niya ay nasa punto ng matinding panghihina at dehydration," paliwanag ni Dr. Cruz habang maingat na ikinakabit ang IV drip sa likod ng palad ni Elena. "Kailan huling kumain ang asawa mo? Batay sa pagsusuri ko, halos isang araw na walang maayos na laman ang kanyang sikmura. Dagdag pa rito ang matinding emotional stress at matinding shock sa biglaang pagkalubog sa malamig na tubig. Kung hindi mo siya agad naagapan, maaari siyang ma-seizure."​Natigilan si Markus. ​Tumingin si Markus kay Elena. Ang balat nito na dati'y may likas na sigla ay tila papel sa kaputlaan. Ang mga labi na pilit na ngumingiti sa harap ng media kagabi ay tuyo at namumutla.​"Mag-iiwan ako mga gamot at pampalakas," patuloy ni Dr. Cruz habang nagsusulat sa kanyang reseta. "Kailangan niyang makainom ng mainit na sabaw kapa

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 9

    ​Nakatayo lang si Markus sa gilid ng swimming pool, nakapamulsa habang malamig na nakatitig kay Elena. Walang kahit katiting na awa sa kanyang mga mata habang pinapanood si Elena na nahihirapang huminga at unt-unting nawawalan ng lakas sa ilalim ng tubig.​"Iyan ang nababagay sa isang katulad mong taksil," malamig na bulong ni Markus. Tinalikuran niya si Elena at palamig na naglakad pabalik sa loob ng mansyon.​"T-tulong... M-Markus... P-pakiusap..."​Paos at halos walang boses na ang sigaw ni Elena. Bawat taas ng kanyang mga kamay ay lalong nagpapabigat sa kanyang mga binti. Dahil sa matinding gutom simula pa kahapon, kawalan ng tulog, at ang sobrang lamig ng tubig sa madaling-araw, mabilis na naubos ang natitira niyang lakas. Bumigat ang kanyang basang duster at dahan-dahan siyang hinila pababa sa pinakamalalim na bahagi ng pool.​Habang unti-unting lumulubog ang kanyang katawan, nakatitig si Elena sa liwanag ng araw mula sa ibabaw ng tubig. Lumalabo ang kanyang paningin. Nararamdam

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 8

    Pagkasara ng pinto ng itim na Maybach, agad na binitiwan ni Markus ang kamay ni Elena. Kumuha si Markus ng wet wipes mula sa gilid ng upuan at marahas na pinunasan ang sariling mga daliri, habang nakatitig sa bintana nang may matinding pagkamuhi."Napakagaling mong magsinungaling," malamig na sabi ni Markus, bago pabalagbag na itinapon ang ginamit na wet wipes sa sahig ng kotse. "Natural na natural sa 'yo ang magpanggap na mahal mo ako sa harap ng media."Nakatungo lang si Elena sa kabilang gilid ng backseat, nanginginig ang mga kamay habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Sinunod ko lang ang gusto mo, Markus... Sinabi ko ang lahat ng dapat kong sabihin.""At ipagpatuloy mo lang 'yan," malamig na banta ni Markus habang nakatitig sa kanya nang walang awa. Tahimik na bumyahe ang sasakyan pabalik sa Forbes Park. Bawat minutong lumilipas sa loob ng malamig na kotse ay parang hatol ng bitay para kay Elena. Bukod sa matinding sakit ng kalooban, nararamdaman na rin

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status