Teilen

Chapter 4

last update Veröffentlichungsdatum: 07.10.2026 10:21:04

Napaupo si Elena sa malamig na semento ng banyo, nakasandal ang likod sa pader habang mahigpit na nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig. Pilit niyang pinipigil ang bawat hikbi at sigaw na gustong kumawala sa kanyang dibdib. Natatakot siyang marinig pa siya ni Markus sa labas, ngunit mas natatakot siyang humarap dito paglabas niya sa pintong iyon.

Ang kanyang katawan ay nanginginig. Ang ginaw ng tile floor ay pumasok hanggang sa kanyang mga buto, ngunit wala itong panama sa katakut-takot na galit na naramdaman niya sa mga mata ni Markus Smith. Ang mga matang iyon, na dating may ngiti kapag nakikita siya sa kumpanya ay napalitan ng walang kapantay na pagkamuhi.

"Bakit ganito..." pabulong at nanginginig na daing ni Elena habang ang mga luha ay patuloy na pumapatak sa kanyang mga tuhod. "Alam ko naman na magagalit sakin si Markus... Pero bakit napakasakit ng kapalit?"

Ilang minuto ang lumipas bago nagkaroon ng lakas ng loob si Elena na tumayo. Hinarap niya ang salamin. Ang babaeng nakatitig sa kanya ay mugto ang mga mata, gulo-gulo ang buhok, at halos wala nang natitirang kulay sa mukha. Dahan-dahan niyang isinuot ang kanyang simpleng damit. Bawat pagsuot ng tela sa kanyang balat ay paalala ng malaking kasalanang ibintang sa kanya ay isang drama na siya ang napiling maging kontrabida.

Nang maramdaman niyang tahimik na ang labas, dahan-dahan niyang inikot ang doorknob at lumabas ng banyo.

Wala na si Markus.

Ang tanging naiwan sa marangyang kwarot na iyon ay ang magulong kama, ang malamig na hangin mula sa aircon, at ang makakapal na papel ng pera na nakakalat sa floor at sa ibabaw ng kama. Ang mga perang iyon ay ang libu-libong piso na ibinato sa kanya ni Markus bilang bayad at simbolo ng panlalait sa kanya.

Tinitigan iyon ni Elena nang ilang segundo. Isang bahagi ng kanyang isip ang nagsasabing kailangan niya ng pera dahil malapit nang maubos ang kanyang savings at umaasa sa kanya ang kanyang pamilya sa Bicol. Ngunit ang kanyang natitirang dangal ay marahas na tumanggi. Hindi niya kayang hawakan kahit isang piraso ng perang iyon. Nilagpasan niya ang pera, pinulot ang kanyang bag, at dahan-dahang lumakad palabas ng room.

Hindi pa man nakakalayo si Elena sa silid, napansin na niya ang kakaibang tingin ng mga empleyado sa hallway ng Resto bar. Nakatitig sila sa kanya habang may hawak na kani-kanilang telepono at nagbubulungan. Pagbaba niya sa mismong lobby, nagkagulo ang mga tao. Biglang lumapit ang ilang reporters na may hawak na malalaking camera at microphone, halos i*****k ito sa mukha niya.

"Ms. Elena Adora! Totoo po bang inagaw ninyo si Markus Smith sa kaibigan niyong si Aira?!"

"Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na kuha ngayong umaga?!"

Nanlaki ang mga mata ni Elena sa matinding sindak. Tumama sa kanyang mukha ang flashes ng mga camera. Pilit niyang itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha habang mabilis na tumakbo palabas ng gusali, halos matapilok sa mga hagdan habang hinahabol ng mga sigaw ng media.

Pagkarating sa kanyang maliit na apartment sa Pasay, mabilis niyang locked ang p***o at humahangos na humiga sa pader. Agad niyang binuksan ang social media sa kanyang cellphone. Doon ay sumalubong sa kanya ang kanyang pinakamatinding bangungot.

HEADLINE: "BILYONARYONG CEO NA SI MARKUS SMITH, NAHULI SA ISANG ROOM NG ISANG SIKAT NA RESTO BAR KASAMA ANG BEST FRIEND NG KANYANG GIRLFRIEND!"

Naging numero unong balita sila sa lahat ng istasyon ng telebisyon, tabloid, at malalaking news websites. May mga malalabong litrato na kumalat kung saan kitang-kita sina Markus at Elena sa kama habang umiiyak si Aira sa p***o.

Ang pangalan ni Elena ay naging pinakamainit na trending topic. Ang bawat comment section ay puno ng matitinding mura at pangha-harass. Tinawag siyang "Ahas," "User," "Gold Digger," at "Pambansang Mang-aagaw" ng libu-libong netizens. Ang mga dating larawan niya na kinuha mula sa kanyang pampublikong account ay kumalat na rin, ginagawang meme at simbolo ng pagtataksil.

Nanghihinang napaupo si Elena sa sahig ng kanyang kwarto habang hawak ang kanyang kumakabang dibdib. Ang dangal na iningatan at pinangalagaan niya sa loob ng maraming taon ay nawala sa loob lang ng iilang oras.

Hindi pa man nakakabawi si Elena sa matinding takot at panginginig, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ang HR Head ng Smith Corporation ang tumatawag.

Nanginginig ang daliri na pinindot ni Elena ang answer button. "H-hello, Ma'am?"

"Elena Adora," malamig, pormal, at walang kaunting emosyong boses ng HR Head mula sa kabilang linya. "I am calling to officially inform you that effective immediately, terminated ka na sa iyong posisyon bilang Junior Marketing Assistant sa Smith Corporation."

Napapikit si Elena habang muling pumapatak ang mararamdaming luha sa kanyang pisngi.

"Ma'am... pakiusap po, kahit kunin ko lang po ang gamit ko—"

"By direct order from Mr. Markus Smith himself, hindi ka na pwedeng tumapak pa sa kahit anong ari-arian ng Smith Corporation," mabilis at walang awang putol ng HR Head sa kanyang apela. "Ipinatapon na ng security personnel ang lahat ng personal belongings mo mula sa mesa mo papunta sa basurahan sa labas ng gusali. Huwag ka na ring mag-abala pang humingi ng Certificate of Employment o Recommendation Letter. Tinupad lang ni Mr. Smith ang sinabi niya sa 'yo. Goodbye."

Click.

Ibinaba ng HR Head ang telepono. Tinupad agad ni Markus ang banta nito. Tinanggal siya sa trabaho nang walang pormal na pag-uusap, walang clearance, at walang kaunting awa.

Ilang minuto pagkalipas, nag-vibrate ulit ang telepono. Isang text message mula kay Aira:

Elena, nakita ko ang mga balita. Pasensya ka na kung kumalat ang mga litrato, hindi ko rin kontrolado ang mga staff ng Restobar. Pero naayos na ang lahat. Nakipagkalas na ako kay Markus kagaya ng plano at ligtas na ang pamilya ko at ang kumpanya ni Jerome. Maraming salamat sa sakripisyo mo. Huwag ka munang magpapakita sa akin o sa kahit kanino para hindi maghinala si Markus. Kapag maayos na ang lahat, babayaran kita sa mga ginawa mo para sakin.

Napangiti nang napakapait si Elena habang nakatitig sa mensahe. Bayad na ang utang na loob niya kay Aira, pero ang kapalit ay ang buo niyang buhay.

Sa mga sumunod na araw, sinubukan pa rin ni Elena na magsimula ulit. Araw-araw siyang gumagising nang maaga, nagbibihis ng kanyang natatanging natirang pormal na damit, at naglalakad sa ilalim ng nakakapaso na araw para magpasa ng resume sa iba't ibang kumpanya sa Makati, Bonifacio Global City, at Ortigas. Kailangan niyang magtrabaho. Ang kanyang amang may sakit sa Bicol ay nangangailangan ng maintenance na gamot buwan-buwan, at ang pamilya niya ay umaasa sa ipinapadala niyang pera.

Ngunit doon niya napatunayan kung gaano kalawak at kalupit ang kapangyarihan ni Markus Smith.

Sa pang walong kumpanya na pinuntahan niya, pinatawag siya ng HR Director para sa isang mabilis na pag-uusap.

"Ms. Elena Adora," malamig na boses ng HR Director habang tinititigan ang kanyang mukha at inilalapag ang kanyang printed resume.

Yumuko si Elena. "Ma'am, qualified po ba ako sa trabaho?"

"Hindi tungkol sa qualifications mo ang usapan dito, Ms. Adora," putol ng Manager habang umiling-iling.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 13

    ​"Oo, Elena! Matutuloy na sa wakas!" patuloy ng kanyang ina mula sa kabilang linya, bakas ang labis na kagalakan, pag-asa, at matinding ginhawa sa boses nito. "Sinabi ng doktor na may naglakad at nagbayad daw ng lahat ng gastusin mula sa Maynila. Hulog ka talaga ng langit sa amin, anak. Maraming-maraming salamat sa sakripisyo mo para sa tatay mo."​Nang maibaba ang telepono, nanatiling nakatitig si Elena sa munting screen ng kanyang cellphone. Ang maiinit na luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.​Alam ni Elena—walang ibang taong may kakayahan at kapangyarihang gumawa niyon kundi si Markus Smith.​Sa kabila ng malupit nitong banta, sa kabila ng mga masasakit nitong salita, tinupad pa rin ni Markus ang pangako nito. Iniligtas nito ang buhay ng kanyang ama sa Bicol mula sa tiyak na kapahamak.​“Pabigat ka na simula pa noong unang araw na pumasok ka sa buhay ko, Elena…”​Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isip ang malamig at galit na boses ni Markus. Napahawak si Elena sa kanyang

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 12

    Lumipas ang tatlong araw matapos ang nangyari sa swimming pool.Nakatitig si Elena sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa ibaba. Hindi siya napapakali. Sanay siyang kumikilos at nagtatrabaho simula pa noong bata siya sa Bicol. Higit sa lahat, nahihiya siya sa mga kasambahay. Alam niyang galit sa kanya si Manang Maria at ang ibang katulong dahil sa iskandalong kumalat sa buong bansa. Ayaw niyang isipin ng mga ito na ginagamit niya ang nangyari sa kanya para mag-inarte, magpaka-donya, o umiwas sa trabaho.Huminga nang malalim si Elena at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Tumingin siya sa magkabilang dulo ng hallway. Tahimik siya bumaba.Pagdating niya sa unang palapag, dumeretso siya sa malawak na kusina ng mansyon. Pagpasok niya roon, agad niyang naamoy ang masarap na amoy ng mga sangkap na iginisa. Nakatayo roon si Manang Maria sa harap ng malaking mesa habang nag-aayos ng mga gulay at karne para sa ihahandang hapunan.Dahan-dahang lumapit si Elena. "

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 11

    ​Mahigpit ang hawak ni Markus sa baso ng whiskey habang nakatitig sa bughaw na tubig ng swimming pool sa ibaba. Ang araw sa labas ay maliwanag, ngunit ang kanyang isip ay nababalutan ng madilim at magulong pag-iisip. Paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang tainga ang bawat salitang binitiwan ni Elena kanina sa master bedroom—mga salitang puno ng matinding takot.​“Naitulak mo ako, Markus... hindi ako marunong lumangoy...”​Mabilis na ininom ni Markus ang alak sa kanyang baso hanggang sa gumapang ang init nito sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinatitigas ang kanyang puso. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganitong kabigat sa kanyang dibdib? Si Elena ang nagsimula ng lahat ng kaguluhang ito. Si Elena ang sumira sa relasyon nila ni Aira, at ang nagtulak sa kaibigan nito para lumayo at lumipad patungong ibang bansa. Si Elena ang dapat na nagdurusa.​Ngunit tuwing pipikit siya, ang nakikita niya ay hindi ang mukha ng isang taksil at sinungaling, kundi ang inosente nitong mukha.​Narinig ni Mark

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 10

    ​Inalis ni Dr. Cruz ang kanyang stethoscope at seryosong tinitigan ang namumutlang mukha ng dalaga bago muling humarap kay Markus.​"Mababa ang kanyang blood sugar at presyon ng dugo. Ang katawan niya ay nasa punto ng matinding panghihina at dehydration," paliwanag ni Dr. Cruz habang maingat na ikinakabit ang IV drip sa likod ng palad ni Elena. "Kailan huling kumain ang asawa mo? Batay sa pagsusuri ko, halos isang araw na walang maayos na laman ang kanyang sikmura. Dagdag pa rito ang matinding emotional stress at matinding shock sa biglaang pagkalubog sa malamig na tubig. Kung hindi mo siya agad naagapan, maaari siyang ma-seizure."​Natigilan si Markus. ​Tumingin si Markus kay Elena. Ang balat nito na dati'y may likas na sigla ay tila papel sa kaputlaan. Ang mga labi na pilit na ngumingiti sa harap ng media kagabi ay tuyo at namumutla.​"Mag-iiwan ako mga gamot at pampalakas," patuloy ni Dr. Cruz habang nagsusulat sa kanyang reseta. "Kailangan niyang makainom ng mainit na sabaw kapa

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 9

    ​Nakatayo lang si Markus sa gilid ng swimming pool, nakapamulsa habang malamig na nakatitig kay Elena. Walang kahit katiting na awa sa kanyang mga mata habang pinapanood si Elena na nahihirapang huminga at unt-unting nawawalan ng lakas sa ilalim ng tubig.​"Iyan ang nababagay sa isang katulad mong taksil," malamig na bulong ni Markus. Tinalikuran niya si Elena at palamig na naglakad pabalik sa loob ng mansyon.​"T-tulong... M-Markus... P-pakiusap..."​Paos at halos walang boses na ang sigaw ni Elena. Bawat taas ng kanyang mga kamay ay lalong nagpapabigat sa kanyang mga binti. Dahil sa matinding gutom simula pa kahapon, kawalan ng tulog, at ang sobrang lamig ng tubig sa madaling-araw, mabilis na naubos ang natitira niyang lakas. Bumigat ang kanyang basang duster at dahan-dahan siyang hinila pababa sa pinakamalalim na bahagi ng pool.​Habang unti-unting lumulubog ang kanyang katawan, nakatitig si Elena sa liwanag ng araw mula sa ibabaw ng tubig. Lumalabo ang kanyang paningin. Nararamdam

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 8

    Pagkasara ng pinto ng itim na Maybach, agad na binitiwan ni Markus ang kamay ni Elena. Kumuha si Markus ng wet wipes mula sa gilid ng upuan at marahas na pinunasan ang sariling mga daliri, habang nakatitig sa bintana nang may matinding pagkamuhi."Napakagaling mong magsinungaling," malamig na sabi ni Markus, bago pabalagbag na itinapon ang ginamit na wet wipes sa sahig ng kotse. "Natural na natural sa 'yo ang magpanggap na mahal mo ako sa harap ng media."Nakatungo lang si Elena sa kabilang gilid ng backseat, nanginginig ang mga kamay habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Sinunod ko lang ang gusto mo, Markus... Sinabi ko ang lahat ng dapat kong sabihin.""At ipagpatuloy mo lang 'yan," malamig na banta ni Markus habang nakatitig sa kanya nang walang awa. Tahimik na bumyahe ang sasakyan pabalik sa Forbes Park. Bawat minutong lumilipas sa loob ng malamig na kotse ay parang hatol ng bitay para kay Elena. Bukod sa matinding sakit ng kalooban, nararamdaman na rin

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status