"Oo, Elena! Matutuloy na sa wakas!" patuloy ng kanyang ina mula sa kabilang linya, bakas ang labis na kagalakan, pag-asa, at matinding ginhawa sa boses nito. "Sinabi ng doktor na may naglakad at nagbayad daw ng lahat ng gastusin mula sa Maynila. Hulog ka talaga ng langit sa amin, anak. Maraming-maraming salamat sa sakripisyo mo para sa tatay mo."Nang maibaba ang telepono, nanatiling nakatitig si Elena sa munting screen ng kanyang cellphone. Ang maiinit na luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.Alam ni Elena—walang ibang taong may kakayahan at kapangyarihang gumawa niyon kundi si Markus Smith.Sa kabila ng malupit nitong banta, sa kabila ng mga masasakit nitong salita, tinupad pa rin ni Markus ang pangako nito. Iniligtas nito ang buhay ng kanyang ama sa Bicol mula sa tiyak na kapahamak.“Pabigat ka na simula pa noong unang araw na pumasok ka sa buhay ko, Elena…”Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isip ang malamig at galit na boses ni Markus. Napahawak si Elena sa kanyang
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-24 Mehr lesen