ANMELDEN"Hindi tungkol sa qualifications mo ang usapan dito, Ms. Adora," putol ng HR Director habang pabalagbag na inilalapag ang resume ni Elena sa ibabaw ng mesa. Malamig at walang kaunting awa ang titig nito sa kanya. "Noon isang araw pa nakatanggap na ang buong HR sa ibat ibang kumpanya ng pormal na bilin mula sa legal team ng Smith Corporation. Mr. Markus Smith personally blacklisted your name. Sinabi nila sa amin na kapag may tumanggap sa 'yo, makakalaban namin ang Smith Corporation at kakanselahin ang lahat ng investments sa aming kumpanya."
Napatulala si Elena, tila biglang nawalan ng hangin ang kanyang mga baga. "B-blacklisted po... sa buong industriya?" "Oo. Sinigurado ni Mr. Smith na hindi ka makakapagtrabaho sa kahit anong kumpanya sa buong Pilipinas," seryoso at walang emosyong dugtong ng HR Director. "Walang kumpanyang maglalakas-loob na tumanggap sa 'yo dahil walang gustong makalaban si Markus Smith. Pasensya na, pero umalis ka na bago pa may makakilala sa 'yo rito." Nanghihinang tumayo si Elena at dahan-dahang lumakad palabas ng matayog na gusali sa Bonifacio Global City. Sa gitna ng nakakapaso na init ng araw at maingay na kalsada ng Maynila, napaluhod siya sa gilid ng kalsada habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha. Tinupad ni Markus ang lahat ng banta nito. Wala siyang nahanap na trabaho, nawalan siya ng kabuhayan, itinuring siyang pinakamasamang babae ng buong bansa, at ang pangalan niya ay tuluyan nang nadungisan at nawalan ng halaga. Lumipas ang dalawang linggo na parang isang mahabang bangungot para kay Elena. Ang natitira niyang kakaunting savings ay tuluyan nang naubos matapos niyang ipadala ang huling dalawang libong piso sa Bicol para sa maintenance na gamot ng kanyang amang may malalang sakit sa puso. Nakatira na lang siya ngayon sa kanyang maliit na apartment sa Pasay, halos wala nang makain at patay na ang ilaw dahil hindi na siya nakabayad ng kuryente. Gabi-gabi, nakatitig lang siya sa kisame habang umiiyak at nagtatanong sa sarili kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang parusang ito para lang sa utang na loob kay Aira. Isang hapon, habang nakatunganga si Elena sa harap ng kanyang maliit na mesa, biglang kumatok nang napakalakas ang sinuman sa labas ng kanyang p***o. BAM! BAM! BAM! Napatayo si Elena sa gulat. Kinabahan siya nang matindi. Inakala niyang ang mga mararahas na reporters o netizens na naman ang nahanap ang kanyang tinitirhan. "S-sino 'yan?" nanginginig niyang tanong habang dahan-dahang lumalapit sa p***o. "Buksan mo 'to, Elena," isang malamig, baritono, at familiar na boses ang umalingawngaw mula sa labas, isang boses na nagpataas ng lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Si Markus. Mabilis na inikot ni Elena ang lock at binuksan ang p***o. Laking gulat niya nang sumalubong sa kanya ang tatlong matatangkad na lalaking naka-black suit, mga personal bodyguards ni Markus at sa gitna nila ay nakatayo ang mismong bilyonaryo. Si Markus Smith ay nakasuot ng napakalinis na navy blue tailored suit. Mukha itong napakayaman, at napakamakapangyarihan. Ngunit sa kabila ng kanyang magarang hitsura, ang mga mata ni Markus ay mananatiling kasing lamig ng yelo at puno ng nag-aapoy na pagkamuhi. "M-Markus..." nauutal na bulong ni Elena habang napapaatras sa takot. Walang pasabi na pumasok si Markus sa loob ng maliit na kwarto. Inilibot ng CEO ang kanyang paningin sa paligid—sa lumang higaan at sa sirang electric fan. Natawa ito nang napakapait. "So this is where you live," malamig na sabi ni Markus habang nakapamulsa. "Akala ko ba kaya mo ako nilagyan ng pampatulog at sinira ang relasyon namin ni Aira ay dahil gusto mo ng pera? Nasaan na ang perang ibinayad ko saiyo para sa gabing iyon. Bakit mukha kang pulubi rito?" "Hindi dahil sa pera..." mahinang apela ni Elena, pilit na pinipigilan ang pagluha. "At sinabi ko na sa 'yo, wala akong ginagawang masama—" "Shut up!" sigaw ni Markus na nagpaatras lalo kay Elena hanggang sa dumiikit ang kanyang likod sa pader. Lumapit si Markus nang mabilis, itinukod ang isang kamay sa pader sa tabi ng ulo ni Elena, at tinitigan ito mula sa malapitan. "Huwag na huwag kang magsisinungaling sa harap ko. Ruining my life wasn't enough for you, huh?Naging headline tayo sa buong bansa. Ang stock value ng Smith Corporation ay bumagsak ng labinlimang porsyento dahil sa scandal na ginawa mo!" Napalunok si Elena sa matinding takot. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga ni Markus at ang nakakapanginig ng laman nitong galit. "P-patawad..." "I don't need your useless apology, Elena," bulong ni Markus habang tumatalim ang titig. "Dumating ako rito para singilin ka sa lahat ng pinsalang ginawa mo." Nagbigay ng utos si Markus gamit ang kanyang kamay sa isa sa kanyang mga bodyguards. Mabilis na lumapit ang lalaki at inabot sa kanya ang isang makapal na brown envelope. Kinuha ito ni Markus at marahas na itinapon sa maliit na mesa sa harap ni Elena "Ano 'yan?" nanginginig na tanong ni Elena. "A marriage contract," direktang sagot ni Markus. Nanlaki ang mga mata ni Elena sa matinding shock. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa kanyang narinig. "K-kasal?! Markus, anong sinasabi mo?!" Bumuntong-hininga si Markus at umayos ng tayo, itinaas ang kanyang baba habang nakatingin nang mababa kay Elena. "Dahil sa ginawa mong iskandalo, ang Board of Directors at ang Lolo ko ay nagbigay ng ultimatum sa akin," malamig na paliwanag ni Markus. "Para matakpan ang kahihiyang ginawa mo, para bumalik ang tiwala ng mga investors, at para hindi ako matanggal bilang CEO ng sarili kong kumpanya, kailangan kong magkaroon ng malinis at stable na imahe sa publiko. Ang kwento na ilalabas natin sa media: Hindi mo ako inagaw. Matagal na tayong may lihim na relasyon at tayo ang totoong nagmamahalan." "H-hindi ako papayag!" mabilis na tanggi ni Elena habang umiling-iling." "Dahil ikaw ang nagsimula ng kaguluhang 'to, kaya ikaw rin ang magiging solusyon," malamig na tugon ni Markus. "It will be a 1-year contract marriage. Sa harap ng media, magpapakita tayo bilang isang nagmamahalan na mag asawa. Pero sa likod ng mga camera... ipapadanas ko sa 'yo kung paano mabuhay sa impyerno." Napahawak si Elena sa kanyang dibdib. "Ayoko... Ayokong maging laruan mo, Markus. Hindi ko pipirmahan 'yan!" Natawa nang malamig si Markus at kinuha ang kanyang personal cell phone mula sa kanyang bulsa. May pinindot siya rito bago itinapat ang screen sa mukha ni Elena. Laking gulat ni Elena nang makita sa screen ang isang live video feed. Naroon ang kanyang ina at ang kanyang amang nakatali sa mga apparatus sa loob ng isang pampublikong ospital sa Bicol. May dalawang lalaking nakasuit na nakatayo sa labas ng kwarto ng kanyang ama. "A-Anong ginagawa mo sa pamilya ko?!" sigaw ni Elena sa matinding takot at galit. "Isang tawag ko lang, Elena, matatapos ang supply ng gamot at oxygen ng tatay mo sa Bicol," walang awang banta ni Markus habang madilim ang mga mata. "Siguradong walang ospital sa buong bansa ang tatanggap sa kanila. I can easily wipe out your entire family with a single click if you dare disobey me. "Napakalupit mo!" hagulgol ni Elena habang mabilis na lumuhod sa harap ni Markus"Oo, Elena! Matutuloy na sa wakas!" patuloy ng kanyang ina mula sa kabilang linya, bakas ang labis na kagalakan, pag-asa, at matinding ginhawa sa boses nito. "Sinabi ng doktor na may naglakad at nagbayad daw ng lahat ng gastusin mula sa Maynila. Hulog ka talaga ng langit sa amin, anak. Maraming-maraming salamat sa sakripisyo mo para sa tatay mo."Nang maibaba ang telepono, nanatiling nakatitig si Elena sa munting screen ng kanyang cellphone. Ang maiinit na luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.Alam ni Elena—walang ibang taong may kakayahan at kapangyarihang gumawa niyon kundi si Markus Smith.Sa kabila ng malupit nitong banta, sa kabila ng mga masasakit nitong salita, tinupad pa rin ni Markus ang pangako nito. Iniligtas nito ang buhay ng kanyang ama sa Bicol mula sa tiyak na kapahamak.“Pabigat ka na simula pa noong unang araw na pumasok ka sa buhay ko, Elena…”Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isip ang malamig at galit na boses ni Markus. Napahawak si Elena sa kanyang
Lumipas ang tatlong araw matapos ang nangyari sa swimming pool.Nakatitig si Elena sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa ibaba. Hindi siya napapakali. Sanay siyang kumikilos at nagtatrabaho simula pa noong bata siya sa Bicol. Higit sa lahat, nahihiya siya sa mga kasambahay. Alam niyang galit sa kanya si Manang Maria at ang ibang katulong dahil sa iskandalong kumalat sa buong bansa. Ayaw niyang isipin ng mga ito na ginagamit niya ang nangyari sa kanya para mag-inarte, magpaka-donya, o umiwas sa trabaho.Huminga nang malalim si Elena at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Tumingin siya sa magkabilang dulo ng hallway. Tahimik siya bumaba.Pagdating niya sa unang palapag, dumeretso siya sa malawak na kusina ng mansyon. Pagpasok niya roon, agad niyang naamoy ang masarap na amoy ng mga sangkap na iginisa. Nakatayo roon si Manang Maria sa harap ng malaking mesa habang nag-aayos ng mga gulay at karne para sa ihahandang hapunan.Dahan-dahang lumapit si Elena. "
Mahigpit ang hawak ni Markus sa baso ng whiskey habang nakatitig sa bughaw na tubig ng swimming pool sa ibaba. Ang araw sa labas ay maliwanag, ngunit ang kanyang isip ay nababalutan ng madilim at magulong pag-iisip. Paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang tainga ang bawat salitang binitiwan ni Elena kanina sa master bedroom—mga salitang puno ng matinding takot.“Naitulak mo ako, Markus... hindi ako marunong lumangoy...”Mabilis na ininom ni Markus ang alak sa kanyang baso hanggang sa gumapang ang init nito sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinatitigas ang kanyang puso. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganitong kabigat sa kanyang dibdib? Si Elena ang nagsimula ng lahat ng kaguluhang ito. Si Elena ang sumira sa relasyon nila ni Aira, at ang nagtulak sa kaibigan nito para lumayo at lumipad patungong ibang bansa. Si Elena ang dapat na nagdurusa.Ngunit tuwing pipikit siya, ang nakikita niya ay hindi ang mukha ng isang taksil at sinungaling, kundi ang inosente nitong mukha.Narinig ni Mark
Inalis ni Dr. Cruz ang kanyang stethoscope at seryosong tinitigan ang namumutlang mukha ng dalaga bago muling humarap kay Markus."Mababa ang kanyang blood sugar at presyon ng dugo. Ang katawan niya ay nasa punto ng matinding panghihina at dehydration," paliwanag ni Dr. Cruz habang maingat na ikinakabit ang IV drip sa likod ng palad ni Elena. "Kailan huling kumain ang asawa mo? Batay sa pagsusuri ko, halos isang araw na walang maayos na laman ang kanyang sikmura. Dagdag pa rito ang matinding emotional stress at matinding shock sa biglaang pagkalubog sa malamig na tubig. Kung hindi mo siya agad naagapan, maaari siyang ma-seizure."Natigilan si Markus. Tumingin si Markus kay Elena. Ang balat nito na dati'y may likas na sigla ay tila papel sa kaputlaan. Ang mga labi na pilit na ngumingiti sa harap ng media kagabi ay tuyo at namumutla."Mag-iiwan ako mga gamot at pampalakas," patuloy ni Dr. Cruz habang nagsusulat sa kanyang reseta. "Kailangan niyang makainom ng mainit na sabaw kapa
Nakatayo lang si Markus sa gilid ng swimming pool, nakapamulsa habang malamig na nakatitig kay Elena. Walang kahit katiting na awa sa kanyang mga mata habang pinapanood si Elena na nahihirapang huminga at unt-unting nawawalan ng lakas sa ilalim ng tubig."Iyan ang nababagay sa isang katulad mong taksil," malamig na bulong ni Markus. Tinalikuran niya si Elena at palamig na naglakad pabalik sa loob ng mansyon."T-tulong... M-Markus... P-pakiusap..."Paos at halos walang boses na ang sigaw ni Elena. Bawat taas ng kanyang mga kamay ay lalong nagpapabigat sa kanyang mga binti. Dahil sa matinding gutom simula pa kahapon, kawalan ng tulog, at ang sobrang lamig ng tubig sa madaling-araw, mabilis na naubos ang natitira niyang lakas. Bumigat ang kanyang basang duster at dahan-dahan siyang hinila pababa sa pinakamalalim na bahagi ng pool.Habang unti-unting lumulubog ang kanyang katawan, nakatitig si Elena sa liwanag ng araw mula sa ibabaw ng tubig. Lumalabo ang kanyang paningin. Nararamdam
Pagkasara ng pinto ng itim na Maybach, agad na binitiwan ni Markus ang kamay ni Elena. Kumuha si Markus ng wet wipes mula sa gilid ng upuan at marahas na pinunasan ang sariling mga daliri, habang nakatitig sa bintana nang may matinding pagkamuhi."Napakagaling mong magsinungaling," malamig na sabi ni Markus, bago pabalagbag na itinapon ang ginamit na wet wipes sa sahig ng kotse. "Natural na natural sa 'yo ang magpanggap na mahal mo ako sa harap ng media."Nakatungo lang si Elena sa kabilang gilid ng backseat, nanginginig ang mga kamay habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Sinunod ko lang ang gusto mo, Markus... Sinabi ko ang lahat ng dapat kong sabihin.""At ipagpatuloy mo lang 'yan," malamig na banta ni Markus habang nakatitig sa kanya nang walang awa. Tahimik na bumyahe ang sasakyan pabalik sa Forbes Park. Bawat minutong lumilipas sa loob ng malamig na kotse ay parang hatol ng bitay para kay Elena. Bukod sa matinding sakit ng kalooban, nararamdaman na rin







