Nang marinig kong may humintong sasakyan sa labas, halos mapasulyap ako sa orasan. Eksaktong alas-siyete.“Yara, nandito na si Erwin,”Agad kong inayos ang laylayan ng damit ko bago tuluyang bumaba. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong dinner lang naman ito, hindi ko pa rin mapigilang kabahan, lalo na nang makita ko siya sa may pintuan.Naka-dark suit siya gaya ng inaasahan ko, walang kurbata at bahagyang nakabukas ang unang butones ng puting polo, ngunit nang mapunta sa akin ang tingin niya ay tila nakalimutan ko sandali kung paano kumilos nang normal.“You look beautiful,” sabi niya, bahagyang natigilan habang sinusuri ang kabuuan ko.Agad akong napayuko. Peste! Bakit parang mas nakakakaba pa kapag direkta niya akong pinupuri kaysa kapag nakatingin lamang siya sa akin?“S-salamat po,” sagot ko, pilit na inaayos ang buhok sa gilid ng mukha ko kahit maayos naman iyon.Hindi agad siya lumapit. Hinayaan niya muna akong makalapit sa kaniya, saka marahang inilapit ang isang kam
Terakhir Diperbarui : 2026-11-27 Baca selengkapnya