YARA'S POINT OF VIEWHindi na ako nakatulog matapos kong makita ang mga dokumento sa study ni Erwin. Ilang beses kong sinubukang humiga sa kama, pero sa tuwing pipikit ako ay bumabalik sa isip ko ang disenyo ng nursery at ang draft statement na walang pangalan ko.Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang mga paghahandang ginawa niya, kaya mas lalo akong nagmadaling mag-isip ng paraan upang makaalis bago pa niya malaman ang intensiyon ko.Nang madaling-araw, tahimik kong inilabas ang isang maliit na bag mula sa kabinet. Hindi ako maaaring magdala ng maraming gamit dahil baka mapansin ng mga kasambahay ang biglaang pag-iimpake ko, kaya pinili ko lamang ang mga damit ni Yami, ilang lampin, gatas, mga personal niyang kagamitan, at ang mahahalagang dokumento niya.Isinama ko rin ang birth certificate, medical records, vaccination card, ilang damit ko, at ang cash na natitira sa aking naitabi.Ilang beses kong binilang ang pera bago tuluyang isinara ang pouch.Kaunti lamang iyon.Hindi ko ala
Huling Na-update : 2026-11-28 Magbasa pa