Share

The Billionaire's Maid Was Never A Stranger
The Billionaire's Maid Was Never A Stranger
Author: Vebssss_Ink

Chapter 1

Author: Vebssss_Ink
last update publish date: 2026-10-10 21:49:08

Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang address sa cellphone ko bago ako tuluyang huminto sa harap ng isang napakalaking gate. Virelli Mansion. Iyon ang nakalagay sa message na ipinadala sa akin kagabi matapos akong tawagan ng agency tungkol sa trabaho.

Live-in housemaid. Wala akong experience bilang katulong, pero sinabi nilang willing silang mag-train ng bagong employee basta responsable, masipag, at willing tumira sa mansion. Kaya nandito ako.

Huminga ako nang malalim habang nakatingala sa mataas na bakal na gate. Nang unti-unti itong bumukas, napalunok ako. “Okay, Elena. Trabaho lang.” Mas hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko bago ako naglakad papasok.

Kahit gaano ko kagustong maging confident, hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Ang laki ng property. Mahaba ang driveway, maayos ang damuhan, at sa dulo nito ay nakatayo ang mansion na mas mukhang luxury hotel kaysa bahay.

Napatingin ako sa suot kong simpleng blouse at pantalon. Bigla akong napaisip kung tama ba talaga ang desisyon kong mag-apply dito. Pero agad kong pinigilan ang sarili ko.

Kailangan ko ng trabaho. Hindi ako puwedeng umatras dahil lang sa laki ng bahay. Pagdating ko sa main entrance, hindi pa ako nakakatok nang bumukas na ang p***o.

Isang babae na nasa early forties ang sumalubong sa akin. Naka-uniform siya at maayos ang buhok.

“Are you Elena Reyes?” “Yes po. Ako po si Elena.” Tumabi siya para bigyan ako ng daan.

“Come in. I'm Liza.” “Thank you po.” Maingat akong pumasok.

Agad akong napatingin sa loob. Mataas ang ceiling, may malaking chandelier sa gitna, at makintab ang marble floor. Kahit ang mga furniture ay mukhang sobrang mahal. Napahawak ako sa strap ng bag ko.

Huwag kang makabasag ng kahit ano. “Don't worry,” sabi ni Liza nang mapansin ang kaba ko. “Masasanay ka rin dito.”

“Hopefully po.” Habang naglalakad kami, ipinaliwanag niya ang trabaho.

“Cleaning, organizing, helping with meals, assisting the other staff. Tuturuan ka namin ng routine dito.”

“Opo.” “Ang importante, marunong kang sumunod at responsable ka.”

“Gagawin ko po ang best ko.” “Good.”

Huminto kami sa tapat ng malaking staircase. “Pero may rules dito.” Tumango ako.

“Una, huwag kang papasok sa private rooms ng family nang walang permission. Huwag mong gagalawin ang personal belongings nila. At huwag kang magdadala ng outsiders dito.” “Opo.”

“At higit sa lahat,” dagdag niya, “don't gossip about the family.” “Opo.”

“Especially about Mr. Virelli.” Napakunot ang noo ko. “Si Adrian Virelli po?”

Hindi siya agad sumagot. “Just do your job, Elena.”

Bago pa ako makapagtanong, may narinig kaming yabag mula sa second floor.

Tap. Tap. Tap.

Napatingala ako. May isang lalaki na dahan-dahang bumababa ng hagdan. At sa unang tingin ko pa lang, alam kong siya iyon. Si Adrian Virelli. Matangkad siya at nakasuot ng black long-sleeved shirt na bahagyang nakatiklop ang manggas hanggang siko. Diretso ang tindig niya at walang kahit anong emosyon sa mukha.

Hindi siya nagmamadali. Pero bawat hakbang niya ay may bigat. Agad na tumuwid si Liza.

“Good morning, sir.” Hindi siya sumagot. Diretso lang ang tingin niya sa akin. “New maid?” Mababa ang boses niya. Kalmado, pero malamig. Tumango ako. “Yes po.”

Saglit niya akong tinitigan. “Can you follow instructions?” “Yes po.” “Good.” Iyon lang.

Muli niyang ibinaling ang tingin kay Liza. “Show her the east wing.” “Yes, sir.”

Bago siya tuluyang umalis, muli niya akong tiningnan. “And don't enter my study unless I tell you to.” “Opo.”

Tumalikod siya at naglakad palayo. Napabuntong-hininga ako. “Bakit parang may sariling gravity ang taong iyon?” mahina kong bulong.

Napatingin sa akin si Liza. “Ano?” “Wala po.” “Good.”

Halos buong umaga akong naglinis. Tinuruan ako ni Liza kung paano ayusin ang guest rooms, saan ilalagay ang cleaning supplies, at kung aling bahagi ng mansion ang kailangan kong linisin araw-araw.

Hindi pala madali ang trabaho. Pero hindi rin ako nagreklamo. Kailangan ko ito.

Bandang tanghali, nasa east wing ako at naglilinis ng hallway nang mapansin kong may isang pintong bahagyang nakabukas. Naalala ko agad ang sinabi ni Adrian.

Don't enter my study. Kaya hindi ko iyon pinansin. Pero ilang segundo lang ang lumipas nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa loob.

Napalingon ako. Bago pa ako makapagdesisyon kung lalapit ba ako, biglang bumukas ang p***o. Napaatras ako.

Si Adrian. May hawak siyang folder at malamig ang tingin sa akin. “Why are you here?”

“I was cleaning the hallway.” Tumingin siya sa hawak kong cleaning supplies. “Did I tell you to come here?” “Hindi po.”

“Then go back to work.” Malamig na utos niya. “Opo,” tanging sagot ko.

Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ulit ang boses niya. “And Elena.” Napalingon ako. “Don't be curious.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo tuloy akong naging curious.

…

Pagsapit ng hapon, akala ko tapos na ang trabaho ko. Habang inaayos ko ang dining area, narinig ko ang mga yabag sa likod ko.

“Liza said you're done with the east wing.” Pagharap ko, si Adrian ang nakita ko. “Opo.”

“Come with me.” Command niya. “Saan po?”

Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya. Dinala niya ako sa isang mas tahimik na hallway bago siya humarap sa akin.

“You'll work directly under me in the mornings.” Napakurap ako. “Ako po?” “Yes.” “Bakit po?” “Because I said so.”

Hindi na ako nagtanong. “Your schedule starts at seven tomorrow. You'll prepare my coffee and handle whatever tasks I assign.”

“Opo.” “I don't like distractions,” madiin na sabi niya. “I won't be a distraction.” Natikom ko agad ang bibig ko sa diretso kong pagsagot sa kanya.

Malamig ang tingin niya sa akin. “Good.” Tumalikod siya at pumasok sa study. Bago niya isinara ang p***o, nagsalita siya. “Be on time tomorrow.” “Seven po?” pagka-klaro ko pa, para sure. “Seven.” sagot niya ng walang emosyon. Tumango ako.

Isinara niya ang p***o. Akala ko tapos na. Pero ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ulit iyon. Nakatayo si Adrian sa doorway.

“Your room has been changed.” Napakunot ang noo ko. “Bakit po?” “I don't repeat my decisions, Elena.” Pagkatapos ay isinara niya ulit ang p***o. Makalipas ang ilang minuto, iniabot sa akin ni Liza ang bagong room key. “Dito ka na.”

“Saan po?” Itinuro niya ang hallway sa kabilang bahagi ng mansion. Doon ko lang nalaman kung saan ang bagong kwarto ko. Sa mismong wing ni Adrian Virelli. “Bakit dito?” tanong ko. Nagbago ang ekspresyon ni Liza. “May isang bagay lang akong sasabihin sa'yo.” “Ano po?”

“Kung may marinig kang kahit ano mula sa study ni Mr. Virelli mamayang gabi…” Sandali siyang tumigil.

“Huwag kang lalabas ng kwarto mo.” Nanlamig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa susi. “Bakit po?” Hindi siya nakasagot.

Isang malakas na tunog ang biglang umalingawngaw mula sa kabilang hallway. BANG! Napalingon kami pareho. Galing iyon sa study ni Adrian. Kasunod noon ay isang boses.

Mahina. Pero malinaw. “Elena.” Nanigas ako. Dahan-dahang bumukas ang p***o ng study. Nakatayo roon si Adrian. At sa unang pagkakataon mula nang dumating ako sa Virelli Mansion, wala na ang malamig na ekspresyon sa mukha niya.

Takot ang nakita ko sa mga mata niya. Tumingin siya diretso sa akin.

“Get inside your room. Now.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 22

    “You were never hired to become his maid, Elena. You were meant to become his wife.”Paulit-ulit kong binasa ang mensahe hanggang sa tila nagsimulang lumabo ang mga letra sa screen. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang malaman na may lihim na kasunduan ang pamilya ko at ang mga Virelli, o ang posibilidad na ang bawat hakbang ko papunta sa mansiyong iyon ay matagal nang itinakda ng ibang tao.“Let me see.”Inabot ni Adrian ang cellphone ko. Nakatayo siya sa likuran ko, isang kamay sa balikat ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, pero hindi nito napawi ang lamig na gumapang sa dibdib ko.Binasa niya ang mensahe. Tumigas ang panga niya. “Whoever sent this wants you to believe that our relationship was arranged.”“Was it?” mahinang tanong ko. Napatingin siya sa akin. “Elena.”“Please. Huwag mo akong sagutin bilang Adrian na mahal ako. Sagutin mo ako bilang tagapagmana ng pamilyang may hawak ng kontratang iyon.”Sandaling natahimik siya. Napansin ko ang paggalaw ng lalamunan niya ha

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 21

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato ni Mama. Ilang beses kong sinubukang palakihin ang larawan sa cellphone ko, umaasang may mapapansin akong detalye na makatutulong para maintindihan kung bakit may taong gustong ipaalala sa akin ang isang bagay na nangyari dalawampung taon na ang nakalipas.“Are you okay?”Napatingin ako kay Adrian. Nakatayo siya sa tabi ko, nakakunot ang noo habang pinag-aaralan ang mukha ko.“I'm fine,” sagot ko, kahit alam kong hindi iyon totoo.Kinuha niya nang marahan ang cellphone ko. Tiningnan niya ang litrato at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.“We need to find out where this picture was taken.”“Do you recognize the building?”He studied it for several seconds before shaking his head. “No. But Marcus might.”Agad niyang tinawagan si Marcus at ipinadala ang larawan. Habang naghihintay kami ng sagot, umupo ako sa gilid ng sofa at napahawak sa aking noo.Dalawampung taon. Hindi ko alam kung anong klaseng kasunduan ang pinirmahan ni Mama noon. Ang

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 20

    Ang Sikretong Nakatago sa Ngiti ng Lolo Niya Hindi agad nakapagsalita si Adrian matapos ibaba ni Marcus ang tawag. Nakatayo siya sa tabi ng desk, nakatitig sa screen na para bang magbabago ang pangalan sa access log kapag matagal niya iyong tinitigan.Ang grandfather niya. Ang taong nagpalaki sa kaniya at nagturo na mas mahalaga ang katapatan sa pamilya kaysa sa sariling kaligayahan. Ang taong paulit-ulit na nanggigipit sa kaniya na pakasalan si Isabella. Ang taong may malaking impluwensiya sa halos lahat ng naging desisyon niya sa buhay.Siya rin ang pumasok sa office ni Adrian pagkatapos ng hatinggabi, noong gabing may gumamit ng credentials ko para palabasing ako ang may kasalanan sa kahina-hinalang transaction.“Maybe there's another explanation,” mahina kong sabi.Tumingin sa akin si Adrian. “I want there to be.” Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.“Then let's find out what happened before we decide what it means.”Pinisil niya ang kamay ko. “Thank you for not assuming the w

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 19

    Dalawang beses kong binasa ang pangalan ni Marcus.Hindi ito makatuwiran. Siya ang tumulong kay Adrian na imbestigahan si Victor. Siya rin ang sumuporta sa amin noong pinakamahirap na bahagi ng misteryo. Siya ang tumawag para sabihin sa akin na pinatunayan ng security footage na hindi ako pumasok sa office ni Adrian noong naganap ang transaction.Pero ngayon, pangalan niya ang nasa report tungkol sa taong binayaran para ako ang mapagbintangan.“Are they sure?” tanong ko.Umiling si Adrian.“It's a lead, not a conclusion. The payment came from an account connected to a company Marcus used to consult for. We need to establish whether he knew about the transfer.”Tumingin ako sa kaniya. “Have you spoken to Marcus?”“Not yet. The legal team is reviewing the evidence.”Hindi ako mapakali. Paano kung may taong gustong isisi kay Marcus ang lahat? Paano kung isa rin siya sa mga pinaglalaruan nila?“What if someone is trying to frame him too?”“That's possible.”“Then we shouldn't assume he's

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 18

    Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Narinig kong lumayo si Adrian sa phone, kasunod ang mahina at hindi ko maintindihang usapan. Pagbalik niya sa linya, agad siyang nagsalita.“Elena, listen to me.” Muli kong tiningnan ang litrato. “Were you with Isabella last night?”“Yes.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pag-amin niyang kasama niya si Isabella o ang katotohanang kailangan ko pang itanong iyon.Mabilis siyang nagpatuloy. “But not in the way you're thinking. She asked to meet me because she had information about the company. I met her at the hotel conference room, and—”“Why were you there overnight?”“The meeting lasted longer than expected. There was an emergency involving the company's legal documents, and I stayed while the lawyers reviewed everything.”“And she was in your room?”“No. She was in the adjoining suite. We were using the hotel's private meeting area.”Napapikit ako. Gusto kong maniwala sa kaniya, pero hindi ko kayang

  • The Billionaire's Maid Was Never A Stranger   Chapter 17

    Dalawang araw akong nanatili sa bahay ni Mama.Sinabi ko lang sa kaniya na nag-away kami ni Adrian. Hindi ko na ikinuwento ang lahat dahil ayokong madagdagan ang mga iniisip niya, lalo na pagkatapos ng katotohanang nalaman namin tungkol kay Tita Eloisa.Hindi niya ako pinilit na magsalita. Sa halip, ipinagluto niya ako ng almusal, nakinig siya kapag gusto kong magkuwento, at paulit-ulit niyang ipinaalala na puwede kong mahalin ang isang tao nang hindi kinakalimutan ang sarili ko.Noong ikalawang gabi, hindi ko na napigilang ikuwento ang tungkol sa kahina-hinalang transaction.“Do you think Adrian believes you did it?” tanong ni Mama.Napayuko ako at pinagmasdan ang mga kamay ko. “I don't know.”“Did he accuse you?”“No. But he didn't tell me he believed me either.”Napabuntong-hininga siya.“Sometimes people are so afraid of making the wrong decision that they forget how much their silence can hurt.”Napakagat ako sa labi. “I thought we were past that.”“Maybe you're learning what lov

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status