"Akin na 'yang mga bag niyo, Miss Flores, bago ko pa tawagin ang mga pulis para kaladkarin kayo palabas ng sarili niyong bahay!"Lumalagutok ang mga sapatos ng Sheriff sa aming Italian marble foyer habang binabasa ang notice of foreclosure. Ang mga kolektor, parang mga gutom na buwaya na walang awang pinagliligpitan ang aming mga mamahaling muwebles, pader sa pader, kwarto sa kwarto. Ang mansion na dati ay puno ng halakhak at karangya, ngayon ay amoy alikabok, kasakiman, at pagtataksil. Pinanood ko ang pagbitbit ng dalawang lalaki sa kulay gintong chandelier na paborito ni Mama noong nabubuhay pa siya. Walang nailigtas si Papa sa huling pagsusugal niya sa negosyo. Binalot kami ng utang, nabaon sa utang na umabot sa daan-daang milyon, at sa isang pikit lang ng mata, nawala ang lahat.Nilapitan ako ng isang tauhan ng bangko at bastos na hinablot ang maliit kong maleta. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng isang matalim na tingin at mas higpitan ang hawak sa aking dibdib."Wag mong hahawa
Last Updated : 2026-10-15 Read more