Chapter 5: Customer “Para umabot ang cake sa party ninyo mamayang gabi, mayroon akong tatlong asasarap na option na kayang-kaya kong ihanda sa maikling oras nang hindi nasasakripisyo ang kalidad, at lasa ng tsokolate na gustong-gusto ng anak mo, sir,” mahabang paliwanag ko sa aking costumer. “What is it?” tanong niya sa akin. “Option one.” Ipinakita ko ang sample sa brochure. “Premium quick-bake, gagamit ako ng isang subok, at recipe ng moist chocolate base. Ako na ang bahala sa design, sir. Lalagyan ko rin ng rich chocolate ganache, simple design, pero elegante base sa katayuan niyo sa buhay.” “Okay, alin ba ’yong iba?” “Ito naman ang option two, sir. Ang ready-base gourmet upgrade, and here the option three, ang chocolate ice cream cake. No-vake creation. Pakibasa na lang po ’yong nakalagay riyan, sir.” “Saglit,” sabi niya sa akin, habang tinitingnan ang brochure na pinakita ko sa harapan niya. Isa iyon sa special ricepe ko. “Okay, sir. Pakibilisan lang pong pumili
Last Updated : 2026-11-02 Read more