Share

CHAPTER 3

Author: Lyn Hadjiri
last update publish date: 2026-10-28 14:15:50

Chapter 3: Baby shark

Suot niya ang isang itim na fitted polo shirt na nakatupi nang bahagya ang mga manggas, na nagpakita sa matitipunong bisig niya. Ipinares niya iyon sa mamahaling itim na pantalon at itim na leather shoes. May relo rin siyang nakasuot sa kaliwang palapulsuhan niya, simple ngunit halatang mamahalin. Mula ulo hanggang paa, litaw ang pagiging elegante niya, kahit hindi siya nakasuot ng pormal na kasuotan.

Napailing ako, napakadali sa ’kin na bigyan pa siya ng description. Himalang palihim ko na siyang tinitingnan. Pero parang may kamukha siya, hindi ko lang matukoy kung sino. Lalo na kasi ang mga mata niya, parang nakita ko na siya. Ramdam ko tuloy ang mabilis na pintig ng puso ko.

“Hey, miss. Are you okay?” tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung concern ba siya, o ano.

“Bayaran mo ang sinira mong cake,” malamig na sabi ko, at naglahad agad ako ng kamay.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay, at tumingin sa aking palad.

“I will. I’m sorry for what I did,” hinging paumanhin niya.

“Hindi ko alam kung saan ka ba nakatingin, muntik mo na akong masagasaan, tapos nasira pa ang cake na kailangan ngayon ng client ko,” may inis na sabi ko pa sa lalaki. “Ano na ang sasabihin ko sa kaniya?” Tinuro ko pa ang bahay, at kunot-noong tiningnan pa niya iyon.

“Don’t worry, babayaran naman kita,” sabi niya, at agad siyang bumunot ng pera sa kaniyang itim na wallet.

“Cael, what are you doing?” Sabay pa kaming napalingon nang may lalaking nagsalita. Mukhang kalalabas lang nito mula sa gate kung saan maghahatid sana ako ng order.

“Ikaw ba ang nag-order ng cake, dude?” tanong niya sa lalaki.

“Yes, para sa birthday ni Mishka.”

“Mishka, your German Shepherd?”

“Yes.”

I shook my head. Akala ko pa naman ay bata ang may birthday, alagang aso lang naman.

“I accidentally ruined the cake. I'll pay for it.”

“Actually bayad na ’yan. Ano ba ang nangyari?”

“Muntik na niya akong masagasaan,” walang emosyon kong sabat sa usapan nila.

Napatingin ito sa akin. “Oh, naku. Dude, ’anyare sa ’yo?”

“Nothing. Hindi ko lang siya napansin,” bale wala ng sagot nito. Halos umikot ang mga mata ko.

Binalingan ko ang client ko. “Sir, may ginawa naman akong extra cake. Ide-deliver ko po agad sa inyo. Sorry at made-delay pa ng ilang minuto.”

Umiling ito, at ngumiti. “That’s okay. I can wait. Cael, sige na. Bayaran mo na ang caka na sinira mo. Mag-ingat ka kasi next time. Babae pa ang muntik ng madisgrasya. Hala ka.”

Sinabi ko na sa lalaki ang ’saktong halaga ng cake, at binayaran naman niya iyon. Nagpaalam na ako, ngunit bago pa ako makaalis ay nagsalita uli ito.

“How about you? Hindi ka ba nasaktan? Puwede kitang dalhin sa hospital para magpa-check up.”

“No need. Okay lang ako,” tugon ko, at tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon.

Buti na lang naka-long sleeves ako, at pantalon. Pero alam kong mag-iiwan pa rin iyon ng pasa. May kaunting sugat at gasgas na nga ako.

Kailangan kong gamutin agad ito, para hindi makita ng triplets. Mag-aalala ang tatlong bubwit na ’yon.

Pero hindi na ako ang maghahatid ng cake, uutusan ko na lang ang isa sa mga tauhan ko. Kabanas kasi ang lalaking iyon.

***

Habang umiikot ang mixer, sumilip ulit ako sa laptop. Tahimik na ang dalawa sa pagbuo ng little house kuno, habang si Uno naman ay kinuha ang kaniyang paboritong comic book. Akala ko ay magpapatuloy ang kapayapaan, nang biglang ibaba ni Tres ang hawak niyang block, at tumingin nang diretso sa camera.

“Mommy! Mommy look!” sigaw ni Tres, sabay turo sa kaniyang tiyan, at hinaplos-haplos ito. Tumutulis na rin ang labi nito. Alam ko na ang ganyang reaksyon. “Gutom na po ang tummy ko, mommy ko. Kumakanta na siya ng baby Shark do do do do do!” sabi niya sabay kinding at palakpak ng kamay.

Narinig kong napabuntong-hininga si Uno mula sa gilid, at bahagyang umiling.

“Tres, ano ba ’yang sayaw mo?” sita ni Uno sa kaniya. “And kumain ka na kaya kanina ng biscuit bago maglaro. At hindi kumakanta ang tiyan, ’no. Kaya ano’ng baby Shark do do do do do ka riyan, Tres?”

“Kumakanta kaya! Kuya Dos, ’di ba kumakanta ang tiyan?” baling ni Tres sa kuya niyang nanahimik.

Ngumiti ng bahagya si Dos, hindi inaalis ang tingin sa binubuong toy house. “Gusto mo lang yata ng cake, Tres.”

“Smart mo talaga, Kuya Dos!” natatawang sigaw ni Tres, at pumalakpak bago muling lumapit sa camera, halos ilong na lang niya ang makita ko sa screen.

“Sabi ko na nga ba!” sigaw naman ni Uno.

“Mommy, puwedeng pahingi ng cake? ’Yong may maraming–maraming kulay! Sabi ni Kuya Uno at Kuya Dos gutom na rin daw po sila!”

"Hey! I didn’t say that!" mabilis na pagtanggi ni Uno, namumula ang mga pisngi sa inis. Habang si Dos, tinatago ang ngiti niya sa labi. Sutil na bata talaga siya.

“Mommy, don’t listen to Tres. But, if there are leftover cupcakes, we can eat them, mommy, singit naman ni Dos.

Natawa na lang ako habang hinahalo ang frosting. Alam na alam talaga ng tatlong ito kung paano ako hihiritan, kapag alam nilang abala ako sa pagbi-bake.

“Sige, may mga natira pang vanilla cupcakes doon sa lalagyan,” sabi ko sa mic ng laptop, dahilan para magtatalon sa tuwa si Tres, habang si Dos naman ay pasimpleng nagpunas ng laway.

“Oh, narinig mo ’yon, Kuya Uno?”

“Of course! Hindi naman ako deaf, Tres.”

“Hmp! Ang sungit talaga—”

“Atlas Uno?” sita ko sa panganay ko. “Your behavior, anak.”

“Sorry po, mommy.”

"Anak, huwag naman ganyan sa kapatid mo,” mahinahon na paalala ko.

“Sorry po, mommy. Sorry, Tres.” Hingi niya ng paumanhin.

“Okay lang po ’yon, kuya,” nakangiting sagot naman ni Tres.

“Okay. May kondisyon si mommy sa inyong tatlo. Bago niyo makuha ang cupcakes, kailangan niyo munang iligpit lahat ng mga nakakalat na laruan niyo riyan, deal?"

“Deal po, mommy ko!” sabay na sagot nina Dos at Tres, habang si Uno naman ay tamad na tumango, pero nagsimula na ring pumulot ng blocks mula sa sahig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 6

    Chapter 6: My little kitchen staffsMABILIS lumipas ang oras, eksaktong alas-sais y media pa lang ng gabi, tapos na tapos na ang lahat ng order na cakes sa akin. See? Kung focus ka sa work mo ay madali na lang tapusin ang pending na cake na kailangang matapos on time. In fairness, ang saya pa rin kahit medyo pagod. “Oh God! Kaya ko naman pala kahit ilang cakes pa ang order sa ’kin,” sabi ko sabay punas ng pawis sa aking noo. Naka-set na ng perpekto ang dark chocolate ganache ng batang babaeng magbi-birthday. Makintab ito sa ilalim ng ilaw ng kusina, napapaligiran ng malilinis at eleganteng chocolate curls. Maingat ko itong binuhat papasok sa isang malinis na puting kahong may transparent na bintana sa ibabaw, saka ko tinalian ng isang matingkad na pulang laso.“Mommy, matagal pa bang kunin ang last order ng cake? Gutom na po kasi ako, e,” tanong ni Tres sa akin.Tumingin ako sa kaniya, totoong gutom na siya, dahil himas-himas na niya ang kaniyang tiyan. Hayan na naman ang pagtulis

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 5

    Chapter 5: Customer “Para umabot ang cake sa party ninyo mamayang gabi, mayroon akong tatlong asasarap na option na kayang-kaya kong ihanda sa maikling oras nang hindi nasasakripisyo ang kalidad, at lasa ng tsokolate na gustong-gusto ng anak mo, sir,” mahabang paliwanag ko sa aking costumer. “What is it?” tanong niya sa akin. “Option one.” Ipinakita ko ang sample sa brochure. “Premium quick-bake, gagamit ako ng isang subok, at recipe ng moist chocolate base. Ako na ang bahala sa design, sir. Lalagyan ko rin ng rich chocolate ganache, simple design, pero elegante base sa katayuan niyo sa buhay.” “Okay, alin ba ’yong iba?” “Ito naman ang option two, sir. Ang ready-base gourmet upgrade, and here the option three, ang chocolate ice cream cake. No-vake creation. Pakibasa na lang po ’yong nakalagay riyan, sir.” “Saglit,” sabi niya sa akin, habang tinitingnan ang brochure na pinakita ko sa harapan niya. Isa iyon sa special ricepe ko. “Okay, sir. Pakibilisan lang pong pumili

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 4

    Chapter 4Nakangiting napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang aking tatlong anghel. Nagawa ko pang ilibot ang paningin ko sa tahimik kong shop. Salamin ang pader ng kitchen ko, nakikita ko pa rin kung may papasok na customer. Simple lang naman ang loob, may mga cake’s akong display, may ten set lang ng table at may drinks din kung gusto nilang kumain ng cake. My shop is a great cake shop ambience relies on warm lighting, sweet aromas, cozy seating, and gentle background music that turn a simple dessert stop into a comforting experience. Para sa akin, isang perpektong tambayan para sa mga gustong mag-relax dahil tabing kalsada din ito. “Done, mommy!” chorus ng tatlo. “Malinis na.”“See, mommy? Basic lang po ’yan!“ pagbibida ni Tres, sabay himas niya sa kaniyang baba.“Basta may rewards po, mommy!” ani naman ni Uno.“Wow! Very good naman,” sagot ko nang makita kong malinis na talaga ang kuwarto kung saan sila kasalukuyang naglalaro. Mas maganda na ang ganito, na turuan na agad

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 3

    Chapter 3: Baby shark Suot niya ang isang itim na fitted polo shirt na nakatupi nang bahagya ang mga manggas, na nagpakita sa matitipunong bisig niya. Ipinares niya iyon sa mamahaling itim na pantalon at itim na leather shoes. May relo rin siyang nakasuot sa kaliwang palapulsuhan niya, simple ngunit halatang mamahalin. Mula ulo hanggang paa, litaw ang pagiging elegante niya, kahit hindi siya nakasuot ng pormal na kasuotan. Napailing ako, napakadali sa ’kin na bigyan pa siya ng description. Himalang palihim ko na siyang tinitingnan. Pero parang may kamukha siya, hindi ko lang matukoy kung sino. Lalo na kasi ang mga mata niya, parang nakita ko na siya. Ramdam ko tuloy ang mabilis na pintig ng puso ko. “Hey, miss. Are you okay?” tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung concern ba siya, o ano. “Bayaran mo ang sinira mong cake,” malamig na sabi ko, at naglahad agad ako ng kamay. Nagsalubong ang makapal niyang kilay, at tumingin sa aking palad. “I will. I’m sorry for what I did,” hin

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 2

    Chapter 2: Cake MULI kong hinarap ang baking table ko. Limang cake ang kailangan kong matapos. Hindi biro ang mag-isa sa kusina, lalo na’t kailangan kong perpektuhin ang bawat detalye ng mga order. Kung sabagay, kagustuhan ko naman ang magsolo sa business ko. “Laban Japan!” sabi ko sa kawalan nang matapos ko ang unang cake. Kinuha ko ang malaking mixing bowl at sinimulan ang pag-ayos ng ikalawang cake—isang tsokolate naman na may kumikinang na gintong sprinkles para sa 7th birthday ng isang bata. Ilang oras ang nakalipas, sa wakas ay natapos na rin ako sa ginagawa. Agad kong tinawagan si Chloe para bantayan ang mga anak ko. Tinanggal ko ang suot kong apron, at dumiretso ako sa loob ng kuwarto. Pinagawa ko ito para sa mga bata, nang sa gayon ay hindi sila manggugulo sa akin. “Uno?” “Yes, mommy?” Agad siyang lumapit sa ’kin, at humalik sa aking palad. “Aalis muna si mommy. May ide-deliver lang akong order ng client ko. Darating si Ate Chloe para bantayan kayo. Behav

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 1

    Chapter 1: TripletsARABELLA QUINN MONTENEGRO’S POV.Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula nang magbago ang takbo ng nakasanayan kong buhay. Sa loob ng mga taong iyon, naging matatag ako. Naging matapang ako sa bawat hamon, at napatunayan kong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa without my parents help. Walang nakaaalam kung sino talaga ako—maliban sa aking mga magulang na laging nag-aalala para sa akin.“Mom! Si Tres, oh!” isang matinis na sigaw ang bumasag sa aking pag-iisip, nagmumula ito sa nakabukas na laptop sa ibabaw ng mesa, sa tapat ko mismo.Kasalukuyan kasi akong nasa kusina ng aking bakeshop nang araw na ’yon, abala sa pagba-bake ng cake habang binabantayan ang mga bata sa pamamagitan ng video monitor.“Tres, don’t touch it! You’re going to wreck my little house!” Si Atlas Uno Montenegro ’yon, ang aking panganay na anak. Mainit ang ulo, at walang pasensiya sa nakababatang kapatid. May mga pagkakataon ay palagi siyang seryoso at hindi ngumingiti. Kung may bagay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status