Share

Hiding My Billionaire Rival’s Triplets
Hiding My Billionaire Rival’s Triplets
Author: Lyn Hadjiri

PROLOGUE

Author: Lyn Hadjiri
last update publish date: 2026-10-26 10:17:51

THE loud noise inside was making my ears ring. My head was throbbing as if it were about to split open, and I was starting to feel dizzy.

Kung bakit ba kasi sumama pa ako kay Chloe sa clubhouse na ito. Hindi naman ako mahilig sa party, I’d rather lock myself inside my office and work. I was just wasting my time here. But I was forced to come, dahil bored lang ako.

But now, nagsisisi na ako. Nagsisi na ako na sumama pa ako rito. Nakakainis, tapos hindi pa ako nakatanggi ng bigyan ako ng alak.

“Ma’am, saan ka po pupunta?” tanong sa akin ni Chloe.

“Sa labas. Magpapahangin lang ako, Chloe.”

“Babalik ka pa, ma’am?”

“Depende,” kibit-balikat na saad ko, at tumango na lamang siya. Kung ako ang masusunod ay uuwi na lang ako. Psh! ’Di baleng sabihan nila akong killjoy, alam naman nilang hindi forte ito. Kaya wala silang magagawa.

Napasandal ako sa malamig na pader, at huminga ng malalim. Masyadong mababa ang alcohol tolerance ko, sabagay hindi na nakapagtataka. I’m not a fan of alcohol. I’ll definitely end up getting drunk.

Nang mapakalma ko ang aking sarili ay dahan-dahan na ulit akong naglakad, kahit parang lumilindol sa paligid. Ilang beses ko pang tinusok-tusok ang talukap ng mga mata ko, para lang hindi pumikit. Parang any moment ay mawawalan na ako ng malay. Mahihimatay ba o makakatulog?

“I hate this feeling!” sigaw ko, at sa paghakbang ko ay may humila sa aking palapulsuhan. Napasinghap ako, at tinulak ang pangahas. But his arms were already wrapped tightly around my waist, and no matter how much I struggled, he wouldn’t let me go. “Hey, let me go! You freak!”

Pinagbabayo ko siya sa dibdib, subalit ni hindi man lang natinag ang lalaki. Oo, lalaki ang may hawak-hawak sa aking maliit na baywang. Langhap na langhap ko pa ang kaniyang matapang na men’s cologne, pero nang dumampi ang mainit niyang labi sa leeg ko ay parang nanghina agad ang aking katawan. Naramdaman ko pa ang tila boltahe ng kuryente, na halos manginig ako sa kaba o sa ano man ang nararamdaman ko ngayon.

“Easy, little kitten. . .”

“Don’t touch me!” gigil na sigaw ko, narinig ko lang ang mahinang halakhak niya. At dahil malapit ang bibig niya sa leeg ko ay nakararamdam ako ng kiliti. Ang init niya rin.

“Hey, don’t fight. I won’t hurt you.”

Kahit ano’ng protesta ko ay ayaw talaga akong pakawalan ng lalaki. Kaya hindi ako tumigil sa ginagawa, sinasabunutan ko na rin siya, hanggang sa napatakip ako sa aking bibig, bigla niya kasi akong sinampay sa kaniyang balikat kaya naduduwal na ako.

Ganoon ba ako kagaan para walang kahirap-hirap na buhatin?

“Hey, put me down! Put me down!” paulit-ulit na sigaw ko.

“Hey relax, wala akong gagawin sa ’yo.”

Hmp! Maniwala ako, hindi ko naman siya kilala!

Nagsimula nang maglakad ang lalaki, at dahil sa kasisigaw ko ay nanakit na ang lalamunan ko. Hindi na ako kumilos pa, at nagpaubaya na lamang.

Mabagal na ang talukap ng mga mata ko, at parang inaantok na nga ako. Pinilit ko man ang sarili ko na huwag makatulog ay wala rin akong nagawa.

***

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang maalimpungatan ako. Impit pa akong napadaing sa sakit ng aking ulo, para na naman siyang mabibiyak.

God! What happened last night?!

“Where the hell am I?” I asked myself in confusion.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, pero napansin ko na parang nilalamig ako. Nang bumaba ang paningin ko sa aking katawan ay para akong nabuhusan ng tubig.

Napahigpit ang kapit ko sa kumot sa aking katawan, at hindi makapaniwalang tumingin sa lalaking nakadapa.

Kahit likod pa lang ng lalaki ang nakikita ko, kapansin-pansin na ang laki ng katawan niya. Litaw ang mga muscle sa mga braso niya. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang itim na tattoo sa gilid ng leeg niya. Manipis ang mga linya at may matutulis na detalye.

“Goodness, I had a one-night stand with a stranger. Ano’ng katangahan naman ito, Arabella Quinn?” kastigo ko sa akong sarili.

Kahit masakit ang buo kong katawan ay sinikap kong bumangon, at nagbihis. Napapapikit pa rin ako, dahil kumikirot ang aking sintido.

Pagkatapos kong magbihis ay naglabas ako ng pera mula sa wallet ko. Muli ko pang sinulyapan ang lalaki, mahimbing pa rin ang tulog niya. Pabor iyon sa ’kin para hindi niya ako maabutang gising. Kailangan kong makaalis agad dito.

Humugot ako ng limang libong pesos, at pinatong ko lang iyon sa ibabaw ng bedside table.

Habang palabas ako ng hotel room, tinawagan ko ang assistant ko. Napansin ko ang signboard na nakalagay sa pader, kaya agad akong nagsalita nang sagutin niya ang tawag.

“Burahin mo ang record ng pagdating ko sa hotel na ito, The Laurenté Hotel, pati ang CCTV footage kung saan makikita kung sino ang kasama ko,” utos ko bago ko binaba ang tawag.

Kailangang walang makaalam sa nangyari, dahil paniguradong may magpapaimbestiga sa akin kapag kumalat ang balita. At ang huling bagay na gusto ko ay ang masangkot sa isang eskandalong maaaring makasira sa reputasyon ko bilang doktor.

Pero simula ng gabing iyon ay nagsimulang magbago ang aking buhay, as I never expected that our passionate encounter would lead to something more.

What do you mean na magiging single mom ako sa tatlong bata?

Gayunpaman, tinanggap ko sila ng buong puso. Kahit hindi ko kilala ang kanilang ama, anak ko pa rin sila. Galing sila sa ’kin. I don’t care about their father. Kaya ko namang buhayin ng mag-isa ang mga anak ko. Dahil hindi problema sa akin ang pera, kaya kong makuha iyon kapag nagpursigi ako sa trabaho.

At sino rin ang mag-aakalang magkakaroon ako ng pangarap para sa kanila?

At hindi na para sa sarili ko?

Wala man akong karanasang mag-alaga nga bata, o may pangamba man na baka hindi ako maging mabuting ina ay gagawin ko ang lahat, mabigyan ko lang ng magandang kinabukasan ang mga anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 6

    Chapter 6: My little kitchen staffsMABILIS lumipas ang oras, eksaktong alas-sais y media pa lang ng gabi, tapos na tapos na ang lahat ng order na cakes sa akin. See? Kung focus ka sa work mo ay madali na lang tapusin ang pending na cake na kailangang matapos on time. In fairness, ang saya pa rin kahit medyo pagod. “Oh God! Kaya ko naman pala kahit ilang cakes pa ang order sa ’kin,” sabi ko sabay punas ng pawis sa aking noo. Naka-set na ng perpekto ang dark chocolate ganache ng batang babaeng magbi-birthday. Makintab ito sa ilalim ng ilaw ng kusina, napapaligiran ng malilinis at eleganteng chocolate curls. Maingat ko itong binuhat papasok sa isang malinis na puting kahong may transparent na bintana sa ibabaw, saka ko tinalian ng isang matingkad na pulang laso.“Mommy, matagal pa bang kunin ang last order ng cake? Gutom na po kasi ako, e,” tanong ni Tres sa akin.Tumingin ako sa kaniya, totoong gutom na siya, dahil himas-himas na niya ang kaniyang tiyan. Hayan na naman ang pagtulis

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 5

    Chapter 5: Customer “Para umabot ang cake sa party ninyo mamayang gabi, mayroon akong tatlong asasarap na option na kayang-kaya kong ihanda sa maikling oras nang hindi nasasakripisyo ang kalidad, at lasa ng tsokolate na gustong-gusto ng anak mo, sir,” mahabang paliwanag ko sa aking costumer. “What is it?” tanong niya sa akin. “Option one.” Ipinakita ko ang sample sa brochure. “Premium quick-bake, gagamit ako ng isang subok, at recipe ng moist chocolate base. Ako na ang bahala sa design, sir. Lalagyan ko rin ng rich chocolate ganache, simple design, pero elegante base sa katayuan niyo sa buhay.” “Okay, alin ba ’yong iba?” “Ito naman ang option two, sir. Ang ready-base gourmet upgrade, and here the option three, ang chocolate ice cream cake. No-vake creation. Pakibasa na lang po ’yong nakalagay riyan, sir.” “Saglit,” sabi niya sa akin, habang tinitingnan ang brochure na pinakita ko sa harapan niya. Isa iyon sa special ricepe ko. “Okay, sir. Pakibilisan lang pong pumili

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 4

    Chapter 4Nakangiting napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang aking tatlong anghel. Nagawa ko pang ilibot ang paningin ko sa tahimik kong shop. Salamin ang pader ng kitchen ko, nakikita ko pa rin kung may papasok na customer. Simple lang naman ang loob, may mga cake’s akong display, may ten set lang ng table at may drinks din kung gusto nilang kumain ng cake. My shop is a great cake shop ambience relies on warm lighting, sweet aromas, cozy seating, and gentle background music that turn a simple dessert stop into a comforting experience. Para sa akin, isang perpektong tambayan para sa mga gustong mag-relax dahil tabing kalsada din ito. “Done, mommy!” chorus ng tatlo. “Malinis na.”“See, mommy? Basic lang po ’yan!“ pagbibida ni Tres, sabay himas niya sa kaniyang baba.“Basta may rewards po, mommy!” ani naman ni Uno.“Wow! Very good naman,” sagot ko nang makita kong malinis na talaga ang kuwarto kung saan sila kasalukuyang naglalaro. Mas maganda na ang ganito, na turuan na agad

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 3

    Chapter 3: Baby shark Suot niya ang isang itim na fitted polo shirt na nakatupi nang bahagya ang mga manggas, na nagpakita sa matitipunong bisig niya. Ipinares niya iyon sa mamahaling itim na pantalon at itim na leather shoes. May relo rin siyang nakasuot sa kaliwang palapulsuhan niya, simple ngunit halatang mamahalin. Mula ulo hanggang paa, litaw ang pagiging elegante niya, kahit hindi siya nakasuot ng pormal na kasuotan. Napailing ako, napakadali sa ’kin na bigyan pa siya ng description. Himalang palihim ko na siyang tinitingnan. Pero parang may kamukha siya, hindi ko lang matukoy kung sino. Lalo na kasi ang mga mata niya, parang nakita ko na siya. Ramdam ko tuloy ang mabilis na pintig ng puso ko. “Hey, miss. Are you okay?” tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung concern ba siya, o ano. “Bayaran mo ang sinira mong cake,” malamig na sabi ko, at naglahad agad ako ng kamay. Nagsalubong ang makapal niyang kilay, at tumingin sa aking palad. “I will. I’m sorry for what I did,” hin

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 2

    Chapter 2: Cake MULI kong hinarap ang baking table ko. Limang cake ang kailangan kong matapos. Hindi biro ang mag-isa sa kusina, lalo na’t kailangan kong perpektuhin ang bawat detalye ng mga order. Kung sabagay, kagustuhan ko naman ang magsolo sa business ko. “Laban Japan!” sabi ko sa kawalan nang matapos ko ang unang cake. Kinuha ko ang malaking mixing bowl at sinimulan ang pag-ayos ng ikalawang cake—isang tsokolate naman na may kumikinang na gintong sprinkles para sa 7th birthday ng isang bata. Ilang oras ang nakalipas, sa wakas ay natapos na rin ako sa ginagawa. Agad kong tinawagan si Chloe para bantayan ang mga anak ko. Tinanggal ko ang suot kong apron, at dumiretso ako sa loob ng kuwarto. Pinagawa ko ito para sa mga bata, nang sa gayon ay hindi sila manggugulo sa akin. “Uno?” “Yes, mommy?” Agad siyang lumapit sa ’kin, at humalik sa aking palad. “Aalis muna si mommy. May ide-deliver lang akong order ng client ko. Darating si Ate Chloe para bantayan kayo. Behav

  • Hiding My Billionaire Rival’s Triplets    CHAPTER 1

    Chapter 1: TripletsARABELLA QUINN MONTENEGRO’S POV.Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula nang magbago ang takbo ng nakasanayan kong buhay. Sa loob ng mga taong iyon, naging matatag ako. Naging matapang ako sa bawat hamon, at napatunayan kong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa without my parents help. Walang nakaaalam kung sino talaga ako—maliban sa aking mga magulang na laging nag-aalala para sa akin.“Mom! Si Tres, oh!” isang matinis na sigaw ang bumasag sa aking pag-iisip, nagmumula ito sa nakabukas na laptop sa ibabaw ng mesa, sa tapat ko mismo.Kasalukuyan kasi akong nasa kusina ng aking bakeshop nang araw na ’yon, abala sa pagba-bake ng cake habang binabantayan ang mga bata sa pamamagitan ng video monitor.“Tres, don’t touch it! You’re going to wreck my little house!” Si Atlas Uno Montenegro ’yon, ang aking panganay na anak. Mainit ang ulo, at walang pasensiya sa nakababatang kapatid. May mga pagkakataon ay palagi siyang seryoso at hindi ngumingiti. Kung may bagay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status