Lunes ng umaga, maagang dumating si Lily sa Sterling Communications.Bitbit niya ang maliit na paper bag na naglalaman ng bagong desk picture frame. Pagkaupo sa kaniyang puwesto, maingat niya itong inilabas at inilagay sa tabi ng monitor ng kaniyang computer.Nasa loob nito ang litrato nilang apat noong beach trip nila noong nakaraang weekend.Sa larawan, nakaakbay si Henry sa kaliwa niya. Nasa kanan naman niya si Tita Emily, nakangiting nakasandal nang bahagya sa kaniya. Sa harapan nila ay si Lucas, masayang ipinapakita ang maliit na sandcastle na ginawa nila sa buhanginan.Si Lily, nasa gitna, ay nakangiting parang wala siyang ibang problema sa mundo.Simple lang ang litrato, pero may kakaibang init itong hatid sa puso niya.Para silang isang masayang pamilya.Hindi niya alam kung bakit, pero tuwing nakikita niya ang litrato, naaalala niya ang mga sandaling hindi niya kailangang magpanggap na kaya niyang harapin ang lahat nang mag-isa.Sa piling ng mga Almeda, may mga pagkakataong n
Last Updated : 2026-10-29 Read more