Sabado ng umaga nang mapagpasyahan ni Lily na tuluyan nang lisanin ang maliit niyang bed space.Anim na buwan na siyang nagtatrabaho sa Sterling Communications. Kahit hindi pa naman siya mayaman at marami pa siyang gustong maabot, mas maayos na ang kinikita niya ngayon. Nakakapagtabi na siya ng pera, nakakabayad sa mga gastusin nang hindi kailangang bilangin ang bawat baryang nasa pitaka niya, at higit sa lahat, hindi na siya palaging nag-aalala kung saan kukuha ng pambayad sa susunod na linggo.Kaya nang makakita siya ng mas komportableng apartment na pasok sa budget niya, hindi na siya nagdalawang-isip.Hindi naman kalakihan ang bagong tirahan. May sarili siyang kuwarto, maliit na kusina, sariling banyo, at sapat na espasyo para makapagpahinga nang maayos pagkatapos ng trabaho.Para kay Lily, malaking bagay na iyon.Ang problema lang, halos wala siyang maipagmamalaking gamit.Ilang maleta ng damit, isang lumang electric fan, maliit na rice cooker, at ilang gamit sa pagluluto ang lah
最終更新日 : 2026-10-28 続きを読む