Maagang nakaupo si Lily sa maliit na mesa sa loob ng inuupahan niyang kuwarto. Nasa harap niya ang laptop, résumé, at isang tasa ng kape na kanina pa niya nakakalimutang inumin.Ilang beses niyang binasa ang job posting na nakabukas sa screen.Isang posisyon sa marketing department ng isang kilalang kumpanya. Tugma sa pinag-aralan niya, may maayos na benepisyo, at higit sa lahat, may pagkakataon siyang matuto at umunlad.Hindi naman siya natatakot magtrabaho. Ang kinatatakutan niya ay ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap niya, baka hindi pa rin sapat ang kakayahan niya.“Lily, kung hindi ka magpapasa, siguradong hindi ka matatanggap,” bulong niya sa sarili. “At kung hindi ka matatanggap, may iba pang kumpanya. Hindi katapusan ng mundo.”Huminga siya nang malalim at pinindot ang Submit Application.Nang lumabas ang kumpirmasyon sa screen, napasandal siya sa upuan.“Okay. One down.”Kinuha niya ang tasa ng kape at uminom. Malamig na iyon.“Perfect. Pati kape ko, kinakabah
最終更新日 : 2026-10-27 続きを読む