Maaliwalas ang umaga ng Linggo sa bahay ng mga Almeda.Mula sa malawak na bintana ng dining area, pumapasok ang banayad na sikat ng araw. Nasa mesa na ang almusal—pancakes, scrambled eggs, toasted bread, fresh fruits, at mainit na kape. Sa isang sulok, abala si Lucas sa pag-aayos ng kaniyang mga laruan habang paminsan-minsang sumusulyap kay Lily.“ATE LILY! Dito ka sa tabi ko!”Napatawa si Lily habang hinihila ang upuan sa tabi ng bata.“Bakit naman? May important meeting ba tayo, Mr. Lucas?”“Oo!” seryosong sagot nito. “Kakain tayo. Tapos play!”“Wow. Ang dami mong agenda. Parang CEO.”“CEO din si Uncle Henry!”Napatingin si Henry na kararating lang sa dining area, hawak ang tasa ng kape.“Anong pinag-uusapan ninyo?”“Uncle, CEO ka. Ako rin!”Umupo si Henry sa kabilang panig ng mesa. “Sige. Pero kung CEO ka, kailangan mong kumain ng gulay.”Biglang tumahimik si Lucas.Nagtawanan sina Lily at Emily na noon ay papalapit na sa mesa.“Henry, huwag mong takutin ang bata,” sabi ni Emily. “
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-29 อ่านเพิ่มเติม