"Sinungaling ka, Mommy! Sinungaling ka! I hate you! I hate you!" Gigil na gigil akong napapikit habang hawak ang phone ko. Tangina, ang sakit. Paulit-ulit na nagwawala si Liam sa hospital room niya sa abroad dahil hinahanap pa rin niya ang animal niyang tatay. "Baby, please. Listen to Mommy," pilit kong binasag ang panginginig sa aking boses, nagbabakasakaling maabot ang katinuan ng nag-iinit niyang ulo. "Huwag mong gaganyanin ang sarili mo, mabilis na gagaling ang sugat mo kung kakalma ka." "No! You promised!" pagwawala pa rin niya, basag at sabog ang boses sa pag-iyak, hihingal-hingal habang bumababa ang oxygen saturation level sa monitor. "Sabi mo darating si Daddy! Sabi mo kasama mo siya pauwi! Pero nasaan siya, ha? Sinungaling ka, Mommy! Bakit ayaw niya akong makita? Masama ba akong bata kaya ayaw akong mahalin ni Daddy?" Grabe, ang sakit-sakit talaga! Gusto kong sumigaw, gusto kong ibunton ang galit sa buong mundo, pero hindi pwede. Kung magpapakita ako ng kahinaan sa ha
Last Updated : 2026-10-28 Read more