Se connecter"Sinungaling ka, Mommy! Sinungaling ka! I hate you! I hate you!" Gigil na gigil akong napapikit habang hawak ang phone ko. Tangina, ang sakit. Paulit-ulit na nagwawala si Liam sa hospital room niya sa abroad dahil hinahanap pa rin niya ang animal niyang tatay.
Gusto ko sanang lumipad agad papuntang Switzerland para mayakap at mahimasmasan ang anak ko, kaso hindi pwede. Paano ko iiwan ang dambuhalang business empire, shipping lines, at hacienda na iniwan sa akin ng yumaong kong asawang magsasaka, na nalaman ko ngang mas bilyonaryo pa pala kaysa sa buong angkan nina Leo? Yung pa-ten million dollar na cheque effect niya? I can multiply it to an infinite level. At hinding-hindi pa mauubos nito ang pera namin. Pero kahit gaano ka-hassle ang schedule ko, may pinlano ako ngayong araw. I have to try. Kahit labag sa pride ko, susubukan kong kausapin si Leo. Ayokong magmukhang sinungaling sa anak ko. Kahit isang oras lang, kahit bayaran ko pa ng milyon ang oras ng gago na yun para lang masilayan siya ni Liam. Kaya eto ako ngayon, nakatago sa ilalim ng malaking puno sa memorial park, suot ang black shades at custom trench coat ko habang pinapanood si Leo. Naka-tuhod siya sa harap ng puntod ng first love niyang si Nancy. Aba, hanggang ngayon? Araw-araw talagang binibisita ang patay kahit dalawang beses na siyang nagkaasawa. Ramdam na ramdam ko talaga kung paanong buong kaluluwa niyang minahal si Nancy, habang kami ni Liam? Itinapon niya parang lumang basahan. Sa hindi kalayuan, nakaparada ang sleek black Range Rover ni Leo. Nakasandal si Clara sa passenger door, mariing naka-cross arms habang mariing pinagmamasdan ang lalaking ilang metro ang layo sa kaniya. Halos kumulo na ang dugo niya sa sobrang inis. Ilang minuto na siyang naghihintay. Pero hanggang ngayon, wala pa ring balak si Leo na umalis sa puntod ng babaeng iyon. "Seriously, Leo?" asik niyang tawag, hindi na napigilan ang mairita. "Ano ba namang trip mo? Araw-araw na lang, nag-aalay ka ng bulaklak sa patay na yan habang pinaghihintay mo ako rito! Kailangan bang i-date mo muna si Nancy bago ka umuwi sa pamilya mo? O baka naman gusto mong dito na lang tayo mag-date para hindi mo na kailangang mamili sa pagitan naming dalawa?" "Can you please lower your voice, Clara?" malamig na saway ni Leo, hindi man lang lumilingon sa kaniya. "Respeto naman sa puntod." "Sa kanya may respeto ka. Sa akin, wala? Ako ang buhay mong asawa, Leo! Ako ang naghihintay sa 'yo! Ako ang kasama mo sa iisang bahay! Pero bakit parang kailangan ko pang makipagkompetensya sa isang babaeng matagal nang patay para lang makuha ang atensyon mo?" Natawa ako nang mahina sa gilid. Pero habang pinapanood ko silang nagbabangayan na parang mga aso't pusa, biglang may nag-click na ideya sa utak ko. Simula nung tinapon nila ako at binaliwala ang anak ko, never na ako nagkaroon ng peace of mind. Tagal ko ring nagtimpi. Tagal ko ring umiyak sa sulok habang nagdurusa kami sa hirap. Kung akala nila sila lang ang marunong maglaro? Well, ibabalik ko sa kanila ang bawat patak ng luha ko, compounded with interest. Lumipas ang ilang araw matapos ang eksena sa sementeryo, at heto na nga ako, handa nang simulan ang susunod na yugto ng aking buhay. Wala nang pag-aatubili. Wala nang pag-aaksaya ng oras sa pagdadalamhati. Kung si Leo ay obsessed sa multo ng nakaraan, bakit hindi ko siya bigyan ng multong hindi niya matatakasan? A version of the past that breathes, walks, and smiles right in front of his face. Only this time, better, richer, and far more dangerous. At ang pinakamagandang bahagi? Hindi niya kailangang maniwalang multo ako. Sapat nang maramdaman niyang unti-unti siyang nababaliw sa tuwing makikita niya ako. "Sigurado ka na ba talaga sa gusto mong mangyari, Miss Betty?" Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ang pinakasikat at pinakamahal na plastic surgeon sa bansa, isang henyo sa larangan ng pagbabago ng mukha, na kayang gawing ibang tao ang sinumang may sapat na pera at lakas ng loob. Hawak niya ang tablet na nakabukas sa larawan ko. Nasa gilid nito ang isa pang litrato, ang mukha ng babaeng nais kong maging. Si Nancy. "Alam mo namang halos walang imposible sa modernong cosmetic surgery," patuloy niya habang pinag-aaralan ang dalawang larawan. "We can enhance your existing features, refine your facial structure, and make significant changes to your appearance. But looking this much like another person, are you absolutely certain you're willing to go this far?" Hindi ako agad sumagot. Sa halip, dahan-dahan akong humarap sa malaking salamin sa buong dingding ng marangyang clinic. Pinagmasdan ko ang repleksiyon ko. Maganda ako. Hindi ko kailangang magsinungaling tungkol doon. Sa perang minana ko mula sa yumaong asawa ko, kaya kong bilhin ang pinakamagandang damit, pinakamamahaling alahas, at lahat ng luho na pinapangarap ng ibang babae. Pero ngayon, hindi kagandahan ang kailangan ko. Kailangan ko ng mukha na kayang magpabagsak ng isang pamilya nang hindi man lang itinataas ang kamay. I needed more than a makeover. I needed a weapon. At kung ang mukha ni Nancy ang magiging susi para buksan ang impiyernong matagal nang naghihintay kina Leo at Clara, wala akong balak umatras. "Yes, Doc. Enhance my beauty. Refine everything that needs refining. I want her eyes, her smile, the shape of her face. Every feature you can recreate without compromising the result." tugon ko, muling sinulyapan ang litrato ng babaeng matagal nang patay. "Make me look like her." May mga taong hindi tinatablan ng luha. May mga taong hindi natitinag sa pagsusumamo. At may mga taong kayang matulog nang mahimbing gabi-gabi dahil kumbinsido silang ligtas na sila sa mga kasalanang ginawa nila. Pero may isang bagay na hindi nila kayang kontrolin. Ang sarili nilang konsensiya. At kung masyado na silang manhid para maramdaman yun? Bibigyan ko sila ng dahilan ngayon. "Gusto kong buhayin ang alaala ni Nancy sa mismong harapan nila. I want my ex-husband and his wife to look at me and see the woman they thought they had buried forever." Enjoyin ninyo muna ang kapayapaang mayroon kayo ngayon. Sulitin ninyo ang bawat masayang almusal, bawat gabing mahimbing ang tulog, at bawat sandaling pakiramdam ninyo ay ligtas kayo sa lahat ng kasalanan ninyo. Dahil darating ang araw na haharap ako sa inyo. Hindi bilang si Betty na maaari ninyong maliitin. Hindi bilang ang babaeng inakala ninyong kaya ninyong durugin at iwan sa nakaraan. Kundi bilang mukha ng isang bangungot na pilit ninyong kinalimutan. At sa sandaling magtagpo ang mga mata natin? Gusto kong makita ang eksaktong sandali kung kailan mawawala ang kulay sa inyong mga mukha. Ang sandaling matutuyo ang inyong mga lalamunan. Ang sandaling matutuklasan ninyong may mga kasalanang hindi kayang ibaon ng pera, impluwensiya, o kahit kamatayan. Dahil sa pagkakataong ito, hindi ako babalik para humingi ng paliwanag. Babalik ako para singilin kayo. At kapag nagsimula na ang lahat, wala na akong pakialam kung sino ang unang mababaliw sa katotohanan. Kayo ang nagtanim ng trahedya. Kayo ang nagpalaki sa halimaw na ito. Kaya ngayon, ako naman ang mag-aani. Welcome to your worst nightmare, Leo and Clara. Your ghost is coming home, with a twist.Nang tuluyang tinanggal ng plastic surgeon ang huling balot ng benda sa mukha ko, biglang nanahimik ang buong clinic. Walang nagsalita. Tanging mahinang kaluskos ng gasa ang maririnig habang dahan-dahan nitong hinihiwalay ang sarili sa aking balat. Bawat ikot, bawat hila, para bang unti-unting inilalantad ang isang lihim na matagal nang dapat nakabaon kasama ng isang patay. And when the last strip finally came off? Fvck! Napahinto ako sa paghinga.Sa harap ng malaking salamin, marahan kong hinaplos ang pisngi ko. Damn! It was truly magnificent! Staring back at me was a face I only used to see in framed photos and graveyard headstones. Heto na yun. The ultimate replica. Ang carbon copy ng babaeng sinamba at iniyakan ni Leo gabi-gabi. I was no longer Betty. At sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko na makilala ang babaeng nakikita ko sa salamin."Wow, Miss Betty." Naputol ang katahimikan nang marinig ko ang halos humahangang tinig ng plastic surgeon. Nakatay
"Sinungaling ka, Mommy! Sinungaling ka! I hate you! I hate you!" Gigil na gigil akong napapikit habang hawak ang phone ko. Tangina, ang sakit. Paulit-ulit na nagwawala si Liam sa hospital room niya sa abroad dahil hinahanap pa rin niya ang animal niyang tatay. Gusto ko sanang lumipad agad papuntang Switzerland para mayakap at mahimasmasan ang anak ko, kaso hindi pwede. Paano ko iiwan ang dambuhalang business empire, shipping lines, at hacienda na iniwan sa akin ng yumaong kong asawang magsasaka, na nalaman ko ngang mas bilyonaryo pa pala kaysa sa buong angkan nina Leo? Yung pa-ten million dollar na cheque effect niya? I can multiply it to an infinite level. At hinding-hindi pa mauubos nito ang pera namin.Pero kahit gaano ka-hassle ang schedule ko, may pinlano ako ngayong araw. I have to try. Kahit labag sa pride ko, susubukan kong kausapin si Leo. Ayokong magmukhang sinungaling sa anak ko. Kahit isang oras lang, kahit bayaran ko pa ng milyon ang oras ng gago na yun para lang masi
Nag-init ang buong pagkatao ko habang nakatitig sa cheque na yun. Leche talaga! Hindi ko matanggap! Parang binili niya lang ang limang taon ng paghihirap namin ni Liam. Hindi na ako nag-isip pa nang dalawang beses. Sa harap ng mga alta de sociedad na nakatingin, pinunit ko ang cheque. Sabay-sabay naman silang nagulantang sa ginawa ko. Literal na nalaglag ang panga ni Leo, habang si Madame Theresa naman ay muntik nang mabitawan ang iniinom niyang champagne sa sobrang gulat."Anong pinagmamalaki mo, ha?" tawa ni Clara nang may halong pandidiri. "Ten million dollars, pinunit mo? Bakit, magkano ba ang beneficiary benefit mo after your farmer husband passed away? May sampung million dolyar ka na ba? Ilang taon naman kayang pinagtatrabahuan yun ng asawa mo kaaararo sa bukid bago siya pumanaw?""Maybe sira ulo ka, o sadyang pinanganak na bobo? Tapos na ang limang taon, pinalayas ka na nga, tinulungan ka pang magka-pera, pero pinili mo pang maging tanga! Desperada ka na nga sa atensyon ng
"Isn't that Leo's first wife? Yung babaeng nakapag-asawa ulit ng isang probinsyanong magsasaka? Gosh! Ang baduy na niya, tapos mukhang depressed pa!" "True! Tama lang na iniwan siya ni Leo. Mas maganda pa si Clara sa kanya! Hindi nababagay ang hitsura niya sa mga ka-level natin." Ang pang-iinsulto sa akin ng mga bisita ang kasunod kong narinig after magsalita ni Clara. Ramdam ko agad ang pag-init ng mga pisngi ko sa sobrang hiya. Boset! Bakit nag-exists pa ang mga kagaya nilang judgmental dito sa mundo? Gusto kong magkunwaring wala akong paki-alam, gusto kong itaas ang noo ko at maglakad na parang hindi ako tinatablan ng mga sinasabi nila. Pero, fvck! May hangganan din pala ang kayang tiisin ng isang tao. Napatingin ako sa sarili kong suot bago bumaling sa mga taong nakapaligid sa akin. Nagmistulang stranger pala ako na parang aksidenteng nakapasok sa isang mundong hindi para sa akin. Damn! Nakakahiya! Literal na ang presence ko was a total mismatch. Hindi ako nababagay rito. Hindi
BETTY "Ma'am, pasensya na po. Bawal po kayong pumasok." pigil ng maid sa akin nang makita niyang nakaapak ako sa mansyon, tumitig pa nang malala na parang nakakita ng naliligaw na stray cat. "No! Kailangan kong makausap si Leo ngayon din. This is urgent!" pagpupumilit ko naman habang sinusubukang lampasan siya. "Hindi pwedeng hindi ko siya maka-usap. Buhay ang nakasalalay dito!" Salamat naman at insaktong lumabas si Leo, ang lalaking minsang nagpatibok ng puso ko, na ngayon ay ang taong gustong-gusto ko nang sabunutan sa sobrang inis. Dali-dali niya akong nilapitan, ang mukha ay asiwang-asiwa na parang nakakita ng multo. "Betty? What the fvcking hell are you doing here?" napakunot ang noo niya, halatang gulat na gulat at nabigla kung bakit napadpad ang isang tulad ko sa mansyon niya. "Hindi ba't nag-usap na tayo noon na huwag mo na kaming guluhin ni Clara?" Guluhin? Hindi naman ako nagpunta rito para manggulo. At wala na akong paki-alam kung sila pa ngayon ni Clara ang pinakamasa







