Maliya’s Point of View May mga taong ipinanganak na minamahal. May mga taong kahit wala pang alam sa mundo, mayroon nang mga bisig na handang sumalo sa kanila kapag nadapa sila. May mga taong lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal, tawanan, at masasayang alaala. At mayroon namang katulad ko. Isang taong natutong mabuhay nang hindi umaasa sa pagmamahal ng iba. Isang taong nasanay na hindi hinahanap, hindi pinipili, at higit sa lahat, hindi naaalala. I grew up believing that I was never meant to be loved. At sa loob ng labingwalong taon, iyon ang paulit-ulit kong pinaniwalaan sa sarili ko. “Maliya?!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nanay Rosa mula sa likuran ko. “Po? Bakit po Nanay Rosa?” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?” Napakurap ako bago bahagyang ngumiti. “Sorry po, medyo malalim lang po ang iniisip ko.” sambit ko, saka napakamot sa noo. Umiling siya habang hawak ang isang basket na puno ng mga bagong labang damit. “
Last Updated : 2026-10-31 Read more