LOGINMaliya’s Point of View
May mga taong ipinanganak na minamahal. May mga taong kahit wala pang alam sa mundo, mayroon nang mga bisig na handang sumalo sa kanila kapag nadapa sila. May mga taong lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal, tawanan, at masasayang alaala. At mayroon namang katulad ko. Isang taong natutong mabuhay nang hindi umaasa sa pagmamahal ng iba. Isang taong nasanay na hindi hinahanap, hindi pinipili, at higit sa lahat, hindi naaalala. I grew up believing that I was never meant to be loved. At sa loob ng labingwalong taon, iyon ang paulit-ulit kong pinaniwalaan sa sarili ko. “Maliya?!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nanay Rosa mula sa likuran ko. “Po? Bakit po Nanay Rosa?” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?” Napakurap ako bago bahagyang ngumiti. “Sorry po, medyo malalim lang po ang iniisip ko.” sambit ko, saka napakamot sa noo. Umiling siya habang hawak ang isang basket na puno ng mga bagong labang damit. “Hay naku, batang ’to. Minsan talaga, kung saan-saan napupunta ang isip mo.” Napangiti ako nang bahagya at nilapitan siya upang kunin ang basket. “Ako na po ang gagawa nito.” “Salamat, hija.” Wala akong naging tunay na ina simula nang mamatay ang babaeng nagsilang sa akin. Kaya naman, kahit hindi ko siya kadugo, naging espesyal sa akin si Nanay Rosa. Siya ang isa sa mga unang taong nakilala ko nang dalhin ako rito sa ampunan. Hindi man siya palaging malambing, alam kong may malasakit siya sa akin. At sa mundong kinalakihan ko, sapat na iyon para maituring kong isang malaking bagay. “Ano nga pala ang lulutuin mo mamaya?” tanong niya habang sabay kaming naglalakad patungo sa laundry area. “Adobong manok po sana. May natira pa po kasing manok kahapon.” “Ikaw talaga. Hindi ka nauubusan ng ideya sa kusina.” Napatawa ako nang mahina. “Masarap po kasing magluto, nae-enjoy ko po.” “Masarap magluto o masarap kumain?” “Pareho po!” Pareho kaming natawa. Simple lang ang buhay ko rito sa bahay-ampunan. Walang mamahaling gamit, at walang malalaking kuwarto. Pero kahit gano’n, natutunan kong makuntento. I learned how to make myself happy. Natuto akong ngumiti kahit may mga gabing umiiyak ako nang palihim. Natuto akong magpanggap na hindi masakit ang mga salitang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin naman sila masisisi kung pag-usapan man nila ako. Biruin mo, isang rich kid nandito sa ampunan at nagpapakahirap sa buhay? At higit sa lahat, natuto akong huwag nang maghintay sa mga taong pinili akong iwan. Dahil para sa akin, ang paghihintay ay isa lamang paraan upang paulit-ulit na masaktan. “Ate Maliya!” Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang isang pamilyar na sigaw. Isang batang babae na may dalawang nakapusod sa buhok ang mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Si Lottie. Limang taong gulang siya at halos dalawang taon na rin siyang nakatira rito. Ang dahilan naman kaya napadpad ang batang ito rito ay dahil namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente. Wala kamag-anak ang gustong kumopkop kung kaya’t dito sa Hope Heaven siya dinala. “Why are you shouting, little monster?” natatawa kong tanong. Kaagad siyang yumakap sa bewang ko. “Because I missed you!” Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok. “Eh, kanina lang naman tayo nagkita.” “Kahit na! Miss pa rin kita!” Napailing ako. Minsan talaga, hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ang batang ito para maging ganoon kaingay. “May kailangan ka ba?” tanong ko. Umiling siya. “Nothing. Gusto lang kitang makita.” Saglit akong natigilan. Ang simple lang ng mga salitang iyon. Pero sa buong buhay ko, ilang beses ko lang narinig ang mga salitang iyon. At kadalasan, hindi pa galing sa sarili kong pamilya. “Come here.” Lumuhod ako upang pantayan ang kaniyang taas at kinurot nang marahan ang pisngi niya. “Kumain ka na ba?” Tumango siya. “Opo! Ate Katherine gave me bread.” tukoy niya sa isa ko pang kasama at kaibigan dito sa orphanage. “Good girl.” “Ikaw, Ate Maliya? Kumain ka na?” “Hindi pa.” “Then let’s eat together!” Napangiti ako. Ang pure talaga ng mga puso ng mga bata. Sadyang may mga tao lang talaga kayang saktan ang mga ganitong walang kamuwang-muwang. Just like what my father did to me before. “Tara na po, Ate Maliya.” “Sige na nga. Pero pagkatapos, kailangan mong magligpit ng mga laruan mo.” Bigla siyang napasimangot. “Ako na naman ang magliligpit?” “Syempre naman. It’s your toys, at ikaw din ang nagkalat kaya obligasyon mo silang ligpitin.” “You’re so strict, Ate Maliya.” “At ikaw naman, napakatamad.” sabay pindot ko sa ilong niya. Tumawa siya bago muling yumakap sa akin. Sa mga batang katulad ni Lottie ko natagpuan ang isang bagay na hindi ko naranasan noong bata pa ako. Ang pakiramdam na may nangangailangan sa akin. Ang pakiramdam na mahalaga ako sa isang tao. At kahit hindi ko sila tunay na kapatid, itinuring ko silang pamilya. Dahil sila ang mga taong nanatili sa tabi ko. Pagsapit ng tanghali, abala ang lahat sa kani-kanilang gawain. May mga batang nag-aaral sa sala, may naglalaro sa bakuran, at may ilan namang tumutulong sa kusina. Ako naman ay nasa maliit na opisina ni Nanay Rosa upang ayusin ang ilang dokumento. Dahil dalawampu't dalawang taong gulang na ako, isa na ako sa mga nakatatandang residente rito. Madalas akong tumulong sa mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa mga mas batang ulila. Hindi na rin ako nag-aaral dahil natapos ko na ang kursong kinuha ko sa tulong ng scholarship program ng ampunan. Plano ko sanang maghanap ng trabaho pagkatapos ng kaarawan ko sa susunod na buwan. Gusto kong magkaroon ng sarili kong pera. Gusto kong makapagsimula ng bagong buhay. At higit sa lahat, gusto kong magkaroon ng lugar na matatawag kong akin. Kahit isang maliit na apartment lang, kahit hindi kalakihan. Basta may kusina, maliit na kama, at bintanang maaari kong buksan tuwing umaga. Simple lang ang pangarap ko. Hindi ko kailangan ng malaking bahay. Hindi ko kailangan ng mamahaling sasakyan. Hindi ko kailangan ng pamilyang mayaman. Gusto ko lang ng buhay na walang taong maaaring magdesisyon kung saan ako dapat pumunta. “Maliya?” Napatingin ako kay Nanay Rosa nang pumasok siya sa opisina. “Bakit po, ‘Nay Rosa?” May kakaibang ekspresyon sa mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Sa halip ay inilapag niya ang hawak niyang folder sa mesa at naupo sa harap ko. “Maliya, may bagay akong gustong sabihin sa iyo.” Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “May problema po ba?” kinakabahan kong tanong. Umiling siya. “Hindi ko alam kung problema ito. Pero may tumawag kanina, at nagpakilala. Susunduin ka na raw nila.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. “S-sunduin ako? S-Sino pong susundo?” utal kong tanong kahit may ideya na ako, gusto ko pa ring marinig kung sino. Tumango si Nanay Rosa. “Your father, hija.” For a moment, I couldn't breathe. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko. “Your father.” Dalawang salitang matagal ko nang hindi naririnig. Dalawang salitang pilit kong kinalimutan. Dalawang salitang minsan kong ipinagdasal na sana ay marinig at makita ko ulit. Dahan-dahan akong napalunok. “Ang Papa ko po?” “Yes, hija.” Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya na malungkot, at may halong galit. O baka naman natatakot lang ako? “Sigurado po ba kayo? K-Kasi po hindi ko na po inaasahan na maalala niya pa ako…” Bahagyang hinawakan ni Nanay Rosa ang kamay ko. “Kahit ako ay nabigla sa narinig ko. Pero hindi ko sasabihin sa’yo ‘to kung hindi ako sigurado.” Napayuko ako. Ilang taon na ang nakalipas. Apat na taon lang ako noong iwan niya ako rito. Labingwalong taon na halos ang nagdaan. Labingwalong taon akong nabuhay rito nang hindi man lang niya ako dinalaw. Wala ma lang sulat. Walang tawag. Walang kahit anong balita. O ni kamustahin ako ay hindi niya nagawa. At ngayon, bigla siyang babalik? “Why now?” mahinang tanong ko. Hindi nakasagot si Nanay Rosa. “After all these years, bakit ngayon lang po?” “Maliya…” “May sakit po ba siya?” Umiling siya. “May nangyari po ba?” “Maliya, hindi ko alam ang buong dahilan.” Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. “Does he even remember me?” Hindi na napigilan ni Nanay Rosa ang paglapit sa akin. Hinaplos niya ang aking kamay. “Of course, he remembers you, hija.” Ngumiti ako nang pilit. Hindi na ako bata para maniwala pa na naaalala niya ako, but I’m still hoping—na baka naman talaga. Baka nabagok siya tapos naalala niya ako bigla? Naalala niyang may anak siyang tinapon dito sa bahay ampunan. Pero kung naaalala niya ako, bakit ngayon niya lang ako babalikan? Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa silid matapos sabihin ni Nanay Rosa ang tungkol sa pagdating ng aking ama. I was staring at nothing. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga alaala noong bata pa ako. Apat na taong gulang lamang ako nang mamatay si Mama. Maliit pa ako noon para maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kamatayan. Ang alam ko lang, isang araw ay nakahiga si Mama sa kama, at kinabukasan ay hindi na siya gumising. Naalala ko pa kung paano ko hinila ang laylayan ng damit ni Papa habang umiiyak. “Papa, gisingin mo si Mama.” pakiusap ko noon at halos paos na ako kakaiyak. Pero hindi niya ako pinansin. “Papa, please. Ayaw ko pong matulog si Mama nang matagal.” Wala siyang sinabi. Sa halip, kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa aking silid. Doon, iyak lang ako ng iyak. Takot na takot ako kasi pumapasok sa isip ko na wala na si Mama, pero hindi ko alam kung paano, kung babalik ba siya, kung oo, kailan naman kaya? Paano na ako? Mag-isa na lang ba ako? Kasi as far as I remember at that time wala namang oras si Papa sa amin ni Mama. Paulit-ulit ang mga tanong sa isip ko but no one answered me, no one explained to me hanggang sa mailibing noon si Mama. Ilang linggo pagkatapos noon, nalaman kong may ibang babae na siya. May anak din pala sila. Isang batang halos kaedad ko. At mula noon, unti-unti akong nawala sa buhay ni Papa. Hindi ko rin makakalimutan ang araw na nadamay ako sa aksidenteng kinasangkutan ng step-sister ko. Hindi ko matandaan ang eksaktong nangyari dahil na rin siguro mas piniling kalimutan ng murang isip ko ang nangyari. Basta ang natatandaan ko mainit, masakit, hindi ako makahinga, at sa tuwing pinipilit kong alalahanin ay nawawalan ako ng malay. Ang huling natatandaan ko ay paulit-ulit akong humihingi ng tawad kay Papa. Pero sa halip na yakapin ako at alamin kung nasaktan ba ako ay galit ang ipinakita niya. Kinabukasan, dinala niya ako sa ampunan. Naalala ko pa ang huling sinabi niya. “Stay here. Maybe this will teach you a lesson.” At pagkatapos noon ay umalis na siya. Hindi man lang niya ako niyakap. Hindi man lang siya lumingon. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa unang araw ko rito. Hindi ko alam kung ilang beses akong tumakbo sa gate, umaasang babalik siya. But he never did. Hanggang sa napagod na lang akong maghintay. At ngayon... Babalik siya? Napahawak ako sa dibdib ko. I don’t know if I should be happy. Because the little girl who once waited for her father was already gone.Nagulat ako nang bigla na lang sampalin ng babae ang katulong na nagtanggol sa akin. Napasalampak ito sa lapag habang sapo ang pisngi kung saan ito natamaan. Kaagad kong dinaluhan ang katulong at tinulungan itong tumayo.“Hindi mo naman siya kailangan saktan.” sambit ko sa tinawag na Miss Violet kanina.She crossed her arms at tiningnan niya ako ng puno ng panliliit.“You have no right to speak in this house either! Kaya huwag kang makialam! Kabago-bago mo rito, sumasagot ka na?!” sigaw nito sa akin.Napakuyom ako ng aking kamay. “Magsasalita ako dahil alam kong nasa tama ako. Wala naman sa’yong ginagawang masama ‘yung tao, eh, tapos sasaktan mo?”Tinuruan kami ni Nanay Rosa na maging matulungin sa kapwa at gumalang sa bawat isa. Pero tinuruan niya rin kaming lumaban kapag alam naming nasa tama kami.“Miss Violet, hindi mo dapat bastusin si Mrs. Volkovski, dahil tiyak na mananagot ka kay Mr. Volkovski.” lakas loob naman na sambit ni Soren.Napangisi naman si Violet. “Mananagot? Bakit?
Nang maisakay ako sa kotse ni Killian ay kaagad akong umayos ng upo at yumuko. Nang pumasok siya at umupo na rin ay bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko at napansin kong may bakas pa ng dugo ang suot niyang puting polo shirt. Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko. “K-Kapapatay niya lang ba ng tao? Bakit may dugo ang suot niya?” tanong ko sa isip ko. Kaya siguro takot na takot sila Papa, eh, kasi anytime baka sila na ang sumunod. “Saan po tayo, Mr. Volkovski?” tanong ng driver mula sa speaker. Since ang style ng kotse ay tila malawak at sarado, kaya hindi kami kita ng driver. “Sa church, make it fast.” tugon ni Killian sabay tingin nito sa akin, at sakto namang nag-angat din ako ng tingin para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na naalis ang pagtitig ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya mas natitigan ng malapitan. Yes, he has an aura na nakakatakot siya, but deep inside in his eyes, I can’t see that. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko m
Nang gabing iyon ay si Manang Helen ang siyang nagdala sa akin sa kuwartong tutuluyan ko.“Na-miss kita ng sobra, Maliya.” hindi mapigilang sambit nito noong kami na lamang dalawa sa second floor.Nakangiti pa ito at medyo maluluha na. Ako naman ay ngingiti rin at hindi ko na napigilan pang yakapin siya.“Na-miss din po kita, Nanay Helen.” tugon ko sabay punas ng luha ko. Si Nanay Helen ang babaeng ipinagkatiwala ni Mama para sa akin–upang alagaan at bantayan ako. Nagkahiwalay lang kami noong dalhin ako ni Papa sa ampunan.“Pasensya ka na anak, ah? Hindi kita madalaw noon. Wala kasing nakakaalam kung saan ka dinala ng Papa mo, eh. Gustuhin ko man magtanong, ay baka mapalayas naman ako. Pero hindi ako tumigil magdasal sa Diyos na sana ay ayos ka lang. At mukhang dininig naman Niya ang dasal ko.” hinimas niya ang braso ko. “Tingnan mo, dalagang dalaga ka na. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. Napakagandang dalaga.”Hindi ko naman maiwasang mangilid muli ang luha sa mga mata ko. “Than
Halos hindi ko na namalayan kung ilang oras ba ang aming naging byahe. Sa sobrang tahimik kasi namin sa loob ay lumilipad lang din ang isip ko sa kung ano ba talaga ang dahilan ni Papa. Bakit all of the sudden ay gusto na niya akong bumalik sa mansion? Dahan-dahan namang bumagal ang takbo ng kotseng sinasakyan namin, at sa paligid ay naging pamilyar sa akin ang daan. Kahit malabo sa memorya ko, natitiyak kong malapit na kami. Ilang sandai pa ay huminto kami sa isang itim na gate. Napatitig ako sa arko nito at nakita ko ang palataandaan na ito na ang tahanan namin. Narito kasi nakaukit ang apilido ni Papa at Mama. Cruz– Mabilis akong napakunot ng noo nang mabasa kong mabuti ang apilido sa tabi ng apilidong Cruz. Hindi na iyon Montecillo–hindi na apilido ni Mama. Cruz–Fajardo Residence, na ang nakalagay. Napakuyom ang aking kamay. Ito marahil ang apilido ng bagong asawa ni Papa–I mean, apilido ng naging kabet niya. “Maliya, nandito na tayo. Remember, don’t do something and respec
“Maliya?”Napabalik ako sa kasalukuyan nang biglang bumukas ang pinto.Si Katherine iyon, hingal na hingal ito at tila maluluha. Natitiyak kong nabalitaan na niya kay Nanay Rosa ang tungkol sa pagtawag ng ama ko.“Ano ‘yon, Kath?” tanong ko.“M-May mga sasakyan sa labas. May mga lalaki rin! Nakasuot sila ng black suits!”Unti-unting nawala ang ngiti ko.Black suits.I remembered what Nanay Rosa told me.They were coming for me.“A-Aalis ka na? Iiwan mo na kami dito?” tuluyang napaluha si Katherine at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Niyakap ko siya pabalik. “P-Pasensya na, biglaan, eh. Ngayon ko lang din nalaman at hindi ko naman inaasahan na ngayon din ako susunduin.” sambit ko at pinipigilan kong maluha.Halos napahikbi na si Katherine sa bisig ko. “Oh, basta huwag mo kaming kakalimutan, ah! Bumisita ka rito linggo-linggo!”“Oo naman, kung kaya ko ay araw-araw ay pupunta pa rin ako dito.”Pinunasan ni Katherine ang luha niya, saka bumitaw sa yakap at humarap sa ak
Maliya’s Point of View May mga taong ipinanganak na minamahal. May mga taong kahit wala pang alam sa mundo, mayroon nang mga bisig na handang sumalo sa kanila kapag nadapa sila. May mga taong lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal, tawanan, at masasayang alaala. At mayroon namang katulad ko. Isang taong natutong mabuhay nang hindi umaasa sa pagmamahal ng iba. Isang taong nasanay na hindi hinahanap, hindi pinipili, at higit sa lahat, hindi naaalala. I grew up believing that I was never meant to be loved. At sa loob ng labingwalong taon, iyon ang paulit-ulit kong pinaniwalaan sa sarili ko. “Maliya?!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nanay Rosa mula sa likuran ko. “Po? Bakit po Nanay Rosa?” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?” Napakurap ako bago bahagyang ngumiti. “Sorry po, medyo malalim lang po ang iniisip ko.” sambit ko, saka napakamot sa noo. Umiling siya habang hawak ang isang basket na puno ng mga bagong labang damit. “







