Share

CHAPTER 5: FIRST LADY, MALIYA

Author: febbyflame
last update publish date: 2026-11-04 23:55:50

Nang maisakay ako sa kotse ni Killian ay kaagad akong umayos ng upo at yumuko. Nang pumasok siya at umupo na rin ay bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko at napansin kong may bakas pa ng dugo ang suot niyang puting polo shirt. Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko.

“K-Kapapatay niya lang ba ng tao? Bakit may dugo ang suot niya?” tanong ko sa isip ko.

Kaya siguro takot na takot sila Papa, eh, kasi anytime baka sila na ang sumunod.

“Saan po tayo, Mr. Volkovski?” tanong ng driver mula sa speaker.

Since ang style ng kotse ay tila malawak at sarado, kaya hindi kami kita ng driver.

“Sa church, make it fast.” tugon ni Killian sabay tingin nito sa akin, at sakto namang nag-angat din ako ng tingin para tingnan siya.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi na naalis ang pagtitig ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya mas natitigan ng malapitan. Yes, he has an aura na nakakatakot siya, but deep inside in his eyes, I can’t see that. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko mabasa.

“You’re the first one who looks at me like that.” bigla ay sambit nito.

Mabilis akong napayuko muli nang ma-realize ko na matagal ko na pala siyang tinitigan. Pero mabilis niya ring hinawakan ang baba ko upang muling tumingin sa kaniya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang nakatitig pa rin siya.

Halos hindi ako makakilo sa kinauupuan ko at mukhang natuod na ako sa pagkakaupo.

“Don’t look away or don’t be shy. I want you to look at me like that.” bulong niya sa akin, na halos maamoy ko na ang hininga niya.

It smells like wine–ang bango.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi at tenga ko. Ang lapit-lapit niya na parang anytime ay magdidikit na rin ang labi namin. And if that happens–he will be my first kiss!

Napangiti naman siya nang mapansin niya ang reaksyon ng katawan ko, at saka siya bahagyang lumayo at umayos ng kaniyang upo.

Nagsimula nang umandar ang kotse, at muli kong tiningnan ang bahay na minsan kong tinawag na tahanan. Wala man lang doon si Papa para tanawin ang pag-alis ko. Lihim akong napangiti ng mapakla.

Napakalupit niya talaga!

Ngayon, kung totoo man na sa simbahan ang diretso namin, ay talagang pakakasalan ako ni Killian. Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong dress. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa sitwasyon ko.

“T-Talaga bang pakakasalan mo ako ngayon?” hindi ko maiwasang tanong, saka muling tumingin sa kaniya.

“Yes, tatanggi ka ba?” tanong niya sa akin sabay hawak niya sa isang kamay ko.

Umiling ako. “H-Hindi… pero may kondisyon sana ako.” umayos ako ng upo.

Nakita ko naman siya na napakunot ng noo at tila naging interesado sa sasabihin ko.

“Speak.”

“P-Pakakasalan kita. Hindi ako makikielam sa kung ano man ang gusto mong gawin habang mag-asawa tayo. Hindi ako hihingi ng sobra sa kung anong mayroon ka. Hindi ako gagawa ng gulo. Hindi ako magiging problema, but please help me…”

Hindi ko mapigilang mangilid ang luha sa mga mata ko, kaya kaagad ko itong pinunasan bago magsalita ulit.

“Please, help me.” pakiusap ko. “H-Hindi ko pa masasabi ngayon pero sana maintindihan mo ako…”

Nakita kong napakuyom siya sa kaniyang kamo kaya naman nakaramdam ako ng takot at kaagad na yumuko. Mukhang galit siya, at hindi siya gano’n kadaling kausap.

“S-Sorry…” paghingi ko kaagad ng tawad, kahit hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan.

“Fvck.” rinig kong mura niya, sabay itinaas niyang muli ang baba ko at iniharap sa kaniya. “I don’t fvcking care about you said na hindi mo gagawin. You’re gonna be my Lady–my wife. Do whatever you want. Kung anong sasabihin mo, ay sinabi ko na rin. Kung anong desisyon mo, ay desisyon ko rin. We’re gonna be one here, my love.”

L-Love? Tinawag niya akong love?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig ako sa kaniyang mga mata at gano’n din siya. His eyes were speaking to me, na para bang hinahayaan niya akong basahin kung ano ang laman ng isip niya, pero hindi ko siya maabot.

“Y-You called me ‘love’?” paninigurado ko.

Hindi siya kaagad nagsalita, sa halip ay dahan-dahan niyang mas inilapit ang kaniyang mukha sa akin. At inilapat ang kaniyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, pero sa hindi ko malamang dahil ay kusang napapikit ang mga mata ko.

Nang maramdaman ko na nag-umpisang gumalaw ang labi niya, ay nagulat ako at mabilis ko siyang naitulak.

“Ah–I’m sorry…” hinihingal kong sambit.

Napangiti naman si Killian. “Your first kiss, huh? Even your lips are innocent.”

Napahawak ako nang mahigpit sa suot kong dress, at napakagat sa ibabang labi ko. Paano niya nalaman na first kiss ko ‘yon? Siguro marami na siyang nahalikan na babae kaya expert na siya!

“We’re here, Don.” saad ng driver niya saka huminto ang sinasakyan naming kotse.

Napatingin ako sa labas at doon ay nakita kong nasa tapat na nga kami ng simbahan. Naunang bumaba si Killian at binuksan nito ang pintuan sa akin at inabot ang kamay ko. Ikakasal na talaga ako… ng simpleng dress lang ang suot, at sa lalaking may dugo ang suot.

Puwede ba ‘to sa simbahan?

Nang makalabas ako, napatingin ako sa paligid. Napakadaming tao–mga lalaki na halos lahat ay nakasuot ng black tuxedo. Ang ilan ay natitiyak kong tauhan, pero ang karamihan ay tila mayayaman.

Hinubad naman bigla ni Killian ang suot niyang white polo shirt kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Narinig kong siyang napangisi at napangiti. Kasunod nito ang pagsuot niya ng simpleng itim na polo shirt, at muling hinawakan ang kamay ko.

Nag-umpisa kaming maglakad at halos lahat ng madadaanan namin ay yumuyuko kay Killian at binabati siya. Pagpasok namin ng simbahan walang katao-tao, ang pari ay nasa gitna na ng altar at tila natatakot pa.

Ultimo pari ay takot sa kaniya.

“Father, just skip the ceremony.” iyon kaagad ang sinabi ni Killian sa pari.

Nanginginig na tumango ang pari at sinarado kaagad ang hawak nitong libro na binabasa.

“Mr. Killian Knox Volkovski—”

“I do.”

Napakunot ako ng noo. Wala pa nga, eh! Gano’n siya ka-excite na maikasal sa akin? Naalala ko na namang bigla ang sinabi ni Nanay Helen. B-Baka excited siyang mapatay ako?

“Lord, help me na lang po.” biglang dasal ko.

“Ms. Maliya Cruz, do you take this man to be your lawful husband, to live together in the holy covenant of marriage? Do you promise to love him, honor him, comfort him, and keep him in sickness and in health, forsaking all others, and remaining faithful to him as long as you both shall live?”

Hinayaan ni Killian na tapusin ng pari ang tanong sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Ayan na naman siya. His eyes were speaking to me!

Hinawakan muli ni Killian ang kamay ko at pinisil iyon ng bahagya. Napalunok ako sa sarili kong laway. As of now, hindi ko alam pero, hindi ako naniniwalang pinatay niya ang mga dati niyang asawa.

And even he do–sisiguraduhin kong mabubuhay ako.

“Ah-I do.” sambit ko.

“By the authority entrusted to me, I now pronounce you husband and wife. What God has joined together, let no one separate. You may now kiss the bride.” sambit ng pari bago tuluyang umalis sa altar.

Walang sabi namang hinalikan ako ni Killian, but this time hindi na siya gumalaw, at dampi lamang sa labi ko ang ginawa niya.

Napapitlag ako nang biglang may nagpaputok ng baril, kaya napayakap ako kay Killian.

“Congratulations, Don Volkovski! And welcome to the mafia family, First Lady Maliya!” sigaw ng lahat ng mga kalalakihan, at sa labas ng simbahan ay rinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril.

Lady Maliya? Ang shala naman, parang sinaunang tawag lang noon sa mga mayayaman. At saka, is this their way of welcoming me? Nagpapaputok ng baril? Nakakatakot naman. Lahat tungkol sa baril.

Bigla ay may lumapit na lalaki kay Killian, at bahagya itong yumuko.

“Mr. Volkovski, we have a problem.”

“What kind of problem?” tanong ni Killian.

“The kind that requires your attention, Boss.”

Tumango si Killian at sinenyasan ang tauhan niya, saka ito umalis sa harap namin. Napansin ko rin na unti-unti na rin nag-aalisan ang mga tao sa paligid namin.

“There’s a situation I need to handle.” his expression turned unreadable. “Soren will take you to the estate. He’s the only man I trust with your safety, so you’ll be in good hands.”

Tumango ako, pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

“U-Uwi ka rin ba kaagad pagtapos mo?” hindi ko maiwasang tanong.

“Yes, I’ll come home when I’m finished.” tugon niya bago hinalikan ang noo ko. “Stay safe for me, my wife. That’s an order.”

Nauna nang umalis si Killian at ako naman ay inalalayan na ng tauhan ni Killian na si Soren. Nang makasakay ako sa kotse, hindi ko maiwasang magtanong kay Soren, since normal car lang naman ang sinasakyan namin.

“S-Saan ba pupunta si Killian?” tanong ko rito.

“I’m afraid I can’t answer that, Lady Maliya.” tugon nito.

Nakaramdam naman ako ng hiya bigla. “M-Maliya na lang sana ang itawag niyo sa akin. Hindi ako sanay sa napaka-pormal na tawag, eh.”

“Hindi rin po puwede ’yan, Lady Maliya. Iisa na po kayo ngayon ni Mr. Volkovski, ginagalang namin siya, kaya dapat ay gagalangin ka rin namin.”

Napatango ako. “Mrs. Volkovski na lang siguro.” mas okay siyang pandinig sa tenga ko.

“Sige po, Mrs. Volkovski.”

Nang huminto ang kotse ay doon ko pa lang napagtanto na papasok na pala kami sa malaking villa. Ilang sandali akong nanatiling nakatitig sa labas ng tinted na bintana.

The mansion stood majestically beneath the golden morning sunlight, ang napakagandang arkitektura nito ay tila nagmula sa isang lumang palasyo ng mga maharlikang Europeo. Napapalibutan ito ng matatayog na haliging bato, malalaking arko ng mga bintana, at mga balkonaheng may masalimuot na disenyo. Sa paligid ng mansyon ay makikita ang malawak at magandang hardin.

Nakakapanlaglag panga ang ganda!

Ilang guwardiya ang nakapuwesto sa magkabilang gilid ng daanan, seryoso ang mga mukha at tila walang anumang bagay na nakalalampas sa kanilang mga paningin.

Habang papalapit ang sasakyan sa pangunahing entrada, napansin ko ang ilang itim na luxury vehicles na maayos na nakaparada sa ilalim ng malawak na covered driveway. Nakatayo rin sa may entrada ang ilang staff members na tila naghihintay sa aming pagdating.

“This is the Volkovski Estate, Mrs. Volkovski,” Soren said from the driver’s seat.

Bahagya akong lumingon sa kaniya bago muling ibinaling ang aking paningin sa mansyon.

My husband’s home.

Or perhaps, considering everything that had happened, my new home as well.

Bumaba si Soren mula sa sasakyan at naglakad patungo sa aking pintuan. Binuksan niya iyon at iniabot ang kaniyang kamay sa akin.

“Welcome home, Mrs. Volkovski.”

Dahan-dahan akong bumaba, habang hindi naman maalis ang tingin ko sa napakagandang estate na nasa harapan ko.

“Oh, here’s the 4th bride of my cousin!”

Isang babae ang lumabas mula sa main entrance ng mansyon. Nakapulang dress ito, nakalugay ang buhok, napaka-kapal ng make-up, at hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Dahan-dahan itong lumapit sa akin, habang kinikembot ang balakang niya. Pagtapat sa harap ko ay tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Ilang araw kaya ang itatagal mo?” sabay simangot nito. “I guess, a day? Look at you, para ka lang isang kawawang pusa na napulot ni Killian sa tabi ng kalsada!” sabay tawa nito ng malakas.

Napakuyom ako ng kamao. Kahit dito may kaugali din ni Irene?!

“Miss Violet, don’t say that. She’s our Donna now.” lakas loob naman na sambit ng isang babaeng nasa mid-40’s na.

“Wala kang pake sa kung anong sasabihin ko!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
ARYAXX
next po miss a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 6: BLOOD & PAIN

    Nagulat ako nang bigla na lang sampalin ng babae ang katulong na nagtanggol sa akin. Napasalampak ito sa lapag habang sapo ang pisngi kung saan ito natamaan. Kaagad kong dinaluhan ang katulong at tinulungan itong tumayo.“Hindi mo naman siya kailangan saktan.” sambit ko sa tinawag na Miss Violet kanina.She crossed her arms at tiningnan niya ako ng puno ng panliliit.“You have no right to speak in this house either! Kaya huwag kang makialam! Kabago-bago mo rito, sumasagot ka na?!” sigaw nito sa akin.Napakuyom ako ng aking kamay. “Magsasalita ako dahil alam kong nasa tama ako. Wala naman sa’yong ginagawang masama ‘yung tao, eh, tapos sasaktan mo?”Tinuruan kami ni Nanay Rosa na maging matulungin sa kapwa at gumalang sa bawat isa. Pero tinuruan niya rin kaming lumaban kapag alam naming nasa tama kami.“Miss Violet, hindi mo dapat bastusin si Mrs. Volkovski, dahil tiyak na mananagot ka kay Mr. Volkovski.” lakas loob naman na sambit ni Soren.Napangisi naman si Violet. “Mananagot? Bakit?

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 5: FIRST LADY, MALIYA

    Nang maisakay ako sa kotse ni Killian ay kaagad akong umayos ng upo at yumuko. Nang pumasok siya at umupo na rin ay bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko at napansin kong may bakas pa ng dugo ang suot niyang puting polo shirt. Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko. “K-Kapapatay niya lang ba ng tao? Bakit may dugo ang suot niya?” tanong ko sa isip ko. Kaya siguro takot na takot sila Papa, eh, kasi anytime baka sila na ang sumunod. “Saan po tayo, Mr. Volkovski?” tanong ng driver mula sa speaker. Since ang style ng kotse ay tila malawak at sarado, kaya hindi kami kita ng driver. “Sa church, make it fast.” tugon ni Killian sabay tingin nito sa akin, at sakto namang nag-angat din ako ng tingin para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na naalis ang pagtitig ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya mas natitigan ng malapitan. Yes, he has an aura na nakakatakot siya, but deep inside in his eyes, I can’t see that. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko m

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 4: THE DON’S WORDS

    Nang gabing iyon ay si Manang Helen ang siyang nagdala sa akin sa kuwartong tutuluyan ko.“Na-miss kita ng sobra, Maliya.” hindi mapigilang sambit nito noong kami na lamang dalawa sa second floor.Nakangiti pa ito at medyo maluluha na. Ako naman ay ngingiti rin at hindi ko na napigilan pang yakapin siya.“Na-miss din po kita, Nanay Helen.” tugon ko sabay punas ng luha ko. Si Nanay Helen ang babaeng ipinagkatiwala ni Mama para sa akin–upang alagaan at bantayan ako. Nagkahiwalay lang kami noong dalhin ako ni Papa sa ampunan.“Pasensya ka na anak, ah? Hindi kita madalaw noon. Wala kasing nakakaalam kung saan ka dinala ng Papa mo, eh. Gustuhin ko man magtanong, ay baka mapalayas naman ako. Pero hindi ako tumigil magdasal sa Diyos na sana ay ayos ka lang. At mukhang dininig naman Niya ang dasal ko.” hinimas niya ang braso ko. “Tingnan mo, dalagang dalaga ka na. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. Napakagandang dalaga.”Hindi ko naman maiwasang mangilid muli ang luha sa mga mata ko. “Than

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 3: REPLACEMENT BRIDE

    Halos hindi ko na namalayan kung ilang oras ba ang aming naging byahe. Sa sobrang tahimik kasi namin sa loob ay lumilipad lang din ang isip ko sa kung ano ba talaga ang dahilan ni Papa. Bakit all of the sudden ay gusto na niya akong bumalik sa mansion? Dahan-dahan namang bumagal ang takbo ng kotseng sinasakyan namin, at sa paligid ay naging pamilyar sa akin ang daan. Kahit malabo sa memorya ko, natitiyak kong malapit na kami. Ilang sandai pa ay huminto kami sa isang itim na gate. Napatitig ako sa arko nito at nakita ko ang palataandaan na ito na ang tahanan namin. Narito kasi nakaukit ang apilido ni Papa at Mama. Cruz– Mabilis akong napakunot ng noo nang mabasa kong mabuti ang apilido sa tabi ng apilidong Cruz. Hindi na iyon Montecillo–hindi na apilido ni Mama. Cruz–Fajardo Residence, na ang nakalagay. Napakuyom ang aking kamay. Ito marahil ang apilido ng bagong asawa ni Papa–I mean, apilido ng naging kabet niya. “Maliya, nandito na tayo. Remember, don’t do something and respec

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 2: TIME TO COME HOME

    “Maliya?”Napabalik ako sa kasalukuyan nang biglang bumukas ang pinto.Si Katherine iyon, hingal na hingal ito at tila maluluha. Natitiyak kong nabalitaan na niya kay Nanay Rosa ang tungkol sa pagtawag ng ama ko.“Ano ‘yon, Kath?” tanong ko.“M-May mga sasakyan sa labas. May mga lalaki rin! Nakasuot sila ng black suits!”Unti-unting nawala ang ngiti ko.Black suits.I remembered what Nanay Rosa told me.They were coming for me.“A-Aalis ka na? Iiwan mo na kami dito?” tuluyang napaluha si Katherine at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Niyakap ko siya pabalik. “P-Pasensya na, biglaan, eh. Ngayon ko lang din nalaman at hindi ko naman inaasahan na ngayon din ako susunduin.” sambit ko at pinipigilan kong maluha.Halos napahikbi na si Katherine sa bisig ko. “Oh, basta huwag mo kaming kakalimutan, ah! Bumisita ka rito linggo-linggo!”“Oo naman, kung kaya ko ay araw-araw ay pupunta pa rin ako dito.”Pinunasan ni Katherine ang luha niya, saka bumitaw sa yakap at humarap sa ak

  • THE CASTAWAY HEIRESS CLAIMS THE DON'S HEART   CHAPTER 1: ORPHAN LIFE

    Maliya’s Point of View May mga taong ipinanganak na minamahal. May mga taong kahit wala pang alam sa mundo, mayroon nang mga bisig na handang sumalo sa kanila kapag nadapa sila. May mga taong lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal, tawanan, at masasayang alaala. At mayroon namang katulad ko. Isang taong natutong mabuhay nang hindi umaasa sa pagmamahal ng iba. Isang taong nasanay na hindi hinahanap, hindi pinipili, at higit sa lahat, hindi naaalala. I grew up believing that I was never meant to be loved. At sa loob ng labingwalong taon, iyon ang paulit-ulit kong pinaniwalaan sa sarili ko. “Maliya?!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nanay Rosa mula sa likuran ko. “Po? Bakit po Nanay Rosa?” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?” Napakurap ako bago bahagyang ngumiti. “Sorry po, medyo malalim lang po ang iniisip ko.” sambit ko, saka napakamot sa noo. Umiling siya habang hawak ang isang basket na puno ng mga bagong labang damit. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status