INICIAR SESIÓNNagulat ako nang bigla na lang sampalin ng babae ang katulong na nagtanggol sa akin. Napasalampak ito sa lapag habang sapo ang pisngi kung saan ito natamaan. Kaagad kong dinaluhan ang katulong at tinulungan itong tumayo.
“Hindi mo naman siya kailangan saktan.” sambit ko sa tinawag na Miss Violet kanina. She crossed her arms at tiningnan niya ako ng puno ng panliliit. “You have no right to speak in this house either! Kaya huwag kang makialam! Kabago-bago mo rito, sumasagot ka na?!” sigaw nito sa akin. Napakuyom ako ng aking kamay. “Magsasalita ako dahil alam kong nasa tama ako. Wala naman sa’yong ginagawang masama ‘yung tao, eh, tapos sasaktan mo?” Tinuruan kami ni Nanay Rosa na maging matulungin sa kapwa at gumalang sa bawat isa. Pero tinuruan niya rin kaming lumaban kapag alam naming nasa tama kami. “Miss Violet, hindi mo dapat bastusin si Mrs. Volkovski, dahil tiyak na mananagot ka kay Mr. Volkovski.” lakas loob naman na sambit ni Soren. Napangisi naman si Violet. “Mananagot? Bakit? Sino ba ang babaeng ‘yan sa buhay ni Killian? Anong pinagkaiba niya sa mga naging asawa ni Killian?” sunod-sunod na tanong nito. Naningkit ang mga mata ko. Ibang klase ang ugali ng babaeng ito. Kung si Irene ay puros pabebe at paawa effect, ito naman ay literal na masama ang ugali! Kung ano ang ikinakapal ng make up niya, siya naman ding baho ng bunganga nito dahil puro masasamang salita ang lumalabas. “Kahit na, Miss–” Nahinto sa pagsasalita si Soren nang biglang tumunog ang cellphone nito kaya naman napatingin ako rito. Kaagad nitong sinagot ang tawag sa harap namin at napansin ko ang pagkunot ng noo nito, at pagkabahala. “Mrs. Volkovski, maiiwan ko po muna kayo saglit. Kailangan ako ni Mr. Volkovski.” paalam ni Soren sa akin. Napatango naman kaagad ako. “S-Sige, mag-ingat kayo.” sambit ko. Mabilis naman na umalis si Soren, at kaagad naman akong humarap sa katulong na dumipensa sa akin kanina. “Ano pong pangalan mo? Maaari niyo po ba akong dalhin sa kuwarto ko?” tanong ko sa kasambahay. “Ako po si Minda, Mrs. Volkovski. At nakahanda na ang kuwarto niyo dahil inutos na po sa amin iyon ni Mr. Volkovski.” nakangiting sambit nito. Napangiti din naman ako kaagad dahil ramdam ko na mabuti siyang tao. Maglalakad na sana kami papasok sa mansion, pero kaagad kaming hinarang ni Violet. “Where do you think you’re going, huh? Hindi ka puwedeng pumasok basta na lang sa loob!” sigaw nito sabay senyas nito sa dalawang lalaking nakaitim. “Hawakan niyo ang babaeng ‘yan! Kapkapan niyo, hubaran niyo kung kinakailangan dahil baka may tinatagong patalim or spy device! Baka spy siya!” dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata ko at nataranta ako. “A-Ano? Anong spy?” naguguluhang tanong ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahang lumapit sa akin ang dalawang lalaki. Umiling ako. “H-Hindi ako papayag! Wala akong kahit na ano!” At hindi ako spy gaya ng iniisip mo!” sigaw kong sambit kay Violet. “Paano naman namin malalaman kung totoo ang sinasabi mo?” mataray nitong tanong. “Sige na, hawakan niyo at hubaran niyo!” “Huwag! Ayoko!” Mabilis akong hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilaang braso ko. Nagpumiglas ako, at kaagad naman na tinulungan akong muli ni Minda, pero nagulat ako nang biglang may putok ng baril at unti-unting natumba ito. Halos napaawang ang labi ko nang makitang nakahandusay na si Minda, duguan at may tama ng bala sa tyan. Nanlamig ang pawis ko at nangilid ang luha sa mga mata ko dahil kitang-kita ko kung gaano siya nasaktan, habang unti-unting sumara ang talukap ng mata. “H-Hindi… M-Minda?” tawag ko pa rito at tuluyang tumulo ang luha mo. Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong may hawak ng baril si Violet. “Sh*t kasi, eh! Pakielamera!” inis na sigaw nito. Siya ang may gawa! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tumingin ako sa paligid ko, nakita ko ang ilang katulong na nakayuko, umiiyak sila pero walang tunog na lumalabas. Takot sila, kaya wala silang magawa. “P-Patay na ba siya?” hindi ko maiwasang itanong. “Ano sa tingin mo?” natatawang tanong ni Violet. “Kaya ikaw, kung ako sa’yo ay sumunod ka sa sasabihin ko. Huhubaran ka ng mga tauhan ko, o ikaw na mismo ang maghuhubad sa sarili mo?” Nanginginig ang tuhod ko habang nakatitig sa kaniya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa nasasaktan ako sa pagkakahawak sa akin, kundi dahil namatay ang taong dumipensa sa akin. This is my first time na makitang may binaril at namatay sa harapan ko. And I couldn’t find any guilt or awa sa mga mata ng bumaril. This Violet is cruel and has no heart! Para sa kanila ganoon na lang ba kadaling kitilin ang buhay ng isang tao?! “Ano na?!” sigaw muli ni Violet, at tila nauubusan na ng pasensya. Napatingin akong muli sa paligid. Ang daming tauhang lalaki ang nakatingin sa akin, at tila nag-aabang kung paano ako hubaran. Ang dalawang lalaki naman na may hawak sa akin ay tiningnan ko rin. Naalala kong bigla ang sinabi ni Killian. “Kung ano ang sinabi mo ay sinabi ko rin. Kung ano ang desisyon mo ay desisyon ko rin.” “Let me go.” lakas loob kong utos sa kanila. “Kapag nalaman ni Killian ‘to, tiyak kong mamamatay din kayo.” Nakita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng dalawa. Kaagad na namutla at pinagpawisan ang mga ito. “M-Miss Violet, baka tama siya, baka patayin kami ni Mr. Volkovski–” “You two idiot!” sigaw ni Violet at hindi ito nakinig. “Sino ba ako? Isa akong Volkovski! Killian will never hurt me! Mas makikinig kayo sa bagong salta na ‘yan?!” Hindi naman nagsalita ang dalawang lalaki, at muling hinigpitan ang hawak sa akin. Mabilis din na lumapit sa akin si Violet at hinila ako sa buhok. “Lason kang babae ka! Kayang-kaya mong paikutin ang mga lalaki! Ano? Maghuhubad ka ba o hindi? Tell me right now, para alam ko kung hahayaan ko na lang ang mga tauhan kong pag-pyestahan ang katawan mo! Because after all, wala namang pakielam si Killian sa mga naging asawa niya, at wala kang pinagkaiba!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Killian will surely kill you!” sigaw ko. “Huwag kang magpatawa!” sigaw ni Violet, sabay kuha nito ng isang kutsilyo at mula sa leeg ko ay inihiwa niya iyon sa tela ng suot kong dress. “Huwag!” sigaw ko. “P-Pakiusap!” lumuluha kong sambit. Kitang-kita ngayon ang dibd!b ko, pero kasabay din no’n ang malakas na putok ng baril. “Aaaah!!! Aray ko!” sigaw ni Violet habang hawak ang kamay niya. Mabilis itong napaluha at napalinga sa paligid. “Who did this?! Who shot me?!” Sunod-sunod naman na dumating ang mga itim na sasakyan, at isa sa mga bumaba ay si Killian. May hawak itong baril, at kitang-kita ko kung gaano kadilim at galit ang mga mata niya. Sunod na binaril nito ang tuhod at kamay ng dalawang lalaking may hawak sa akin, at mga hiyaw na lang nila ang naririnig ko. Napaupo ako dahil sa mga nakikita kong nagkalat na dugo. Nakakapanlambot ng tuhod. Nanginginig ang mga daliri ko, at hindi ko alam kung ano pa ang susunod na mangyayari. “K-Killian…” sambit ni Violet, bakas sa mukha nito ang takot nang makita niya si Killian na naglalakad habang nakatutok ang baril sa kaniya. Nang makalapit sa akin si Killian ay kaagad ako nitong itinayo, at niyakap upang takpan ang nakikitang balat ko. “Who do you think you are?!” malakas na sigaw ni Killian kay Violet at halos lahat ay napapitlag sa takot. “Y-You hurt me? I’m… I’m your cousin!” nanginginig na sambit nito. “That’s the only reason why you’re still alive!” sigaw ni Killian at muling nagpaputok ng baril. Hindi ko alam kung saan iyon tumama, pero dahil doon ay napapitlag ako at napayakap ako sa kaniya nang mahigpit habang humahagulgol ako ng iyak. “Soren, kill those two bastards!” sigaw ni Killian tukoy nito sa dalawang may hawak sa akin kanina. “And Violet, you want her to be naked in front of everyone? Then you will do that! Paghubarin niyo ang baabaeng ‘to!” Ramdam ko ang galit sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya, at alam kong nagtitimpi lamang siya. “N-No! Hindi maaari! Isa akong Volkovski!” umiiyak na sambit ni Violet. “And so Maliya. She’s my wife. She’s now the first lady of the Volkovski family. And you know the rules, ang bastusin ang asawa ko ay katumbas ng pambabastos mo sa akin. And that price is your life. So be thankful dahil iyan lang ang gagawin mo, instead being dead.” Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Killian. Gusto kong sabihin na ayoko na dito, pero walang lumalabas na salita sa labi ko. Amoy na amoy ko na kasi ang alingasaw ng dugo at konti na lang ay susuka na ako. “Ssshhh, it’s alright. You are safe now.” maamo at malumanay na sambit ni Killian sa akin at mukhang nakuha niya ang senyales ko. Pero parang huli na. Sa sobrang iyak ko, at pigil sa paggawa ng ingay ay unti-unti kong naramdaman ang pagkahilo. Naaaninag ko pa ang mukha ni Killian kahit blurred na, pero ang sinasabi niya parang bulol na bulong na lang sa pandinig ko. “Maliya! Fvck! Call the doctor now!!!” malakas na sigaw nito, bago ako tuluyang mawalan ng malay sa bisig niya.Hello po! Sana po ay nage-enjoy po kayong basahin ang kuwento ni Maliya at Killian! Comment your reaction and emotion! Thank you and God bless po! <3
Nagulat ako nang bigla na lang sampalin ng babae ang katulong na nagtanggol sa akin. Napasalampak ito sa lapag habang sapo ang pisngi kung saan ito natamaan. Kaagad kong dinaluhan ang katulong at tinulungan itong tumayo.“Hindi mo naman siya kailangan saktan.” sambit ko sa tinawag na Miss Violet kanina.She crossed her arms at tiningnan niya ako ng puno ng panliliit.“You have no right to speak in this house either! Kaya huwag kang makialam! Kabago-bago mo rito, sumasagot ka na?!” sigaw nito sa akin.Napakuyom ako ng aking kamay. “Magsasalita ako dahil alam kong nasa tama ako. Wala naman sa’yong ginagawang masama ‘yung tao, eh, tapos sasaktan mo?”Tinuruan kami ni Nanay Rosa na maging matulungin sa kapwa at gumalang sa bawat isa. Pero tinuruan niya rin kaming lumaban kapag alam naming nasa tama kami.“Miss Violet, hindi mo dapat bastusin si Mrs. Volkovski, dahil tiyak na mananagot ka kay Mr. Volkovski.” lakas loob naman na sambit ni Soren.Napangisi naman si Violet. “Mananagot? Bakit?
Nang maisakay ako sa kotse ni Killian ay kaagad akong umayos ng upo at yumuko. Nang pumasok siya at umupo na rin ay bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko at napansin kong may bakas pa ng dugo ang suot niyang puting polo shirt. Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko. “K-Kapapatay niya lang ba ng tao? Bakit may dugo ang suot niya?” tanong ko sa isip ko. Kaya siguro takot na takot sila Papa, eh, kasi anytime baka sila na ang sumunod. “Saan po tayo, Mr. Volkovski?” tanong ng driver mula sa speaker. Since ang style ng kotse ay tila malawak at sarado, kaya hindi kami kita ng driver. “Sa church, make it fast.” tugon ni Killian sabay tingin nito sa akin, at sakto namang nag-angat din ako ng tingin para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na naalis ang pagtitig ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya mas natitigan ng malapitan. Yes, he has an aura na nakakatakot siya, but deep inside in his eyes, I can’t see that. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko m
Nang gabing iyon ay si Manang Helen ang siyang nagdala sa akin sa kuwartong tutuluyan ko.“Na-miss kita ng sobra, Maliya.” hindi mapigilang sambit nito noong kami na lamang dalawa sa second floor.Nakangiti pa ito at medyo maluluha na. Ako naman ay ngingiti rin at hindi ko na napigilan pang yakapin siya.“Na-miss din po kita, Nanay Helen.” tugon ko sabay punas ng luha ko. Si Nanay Helen ang babaeng ipinagkatiwala ni Mama para sa akin–upang alagaan at bantayan ako. Nagkahiwalay lang kami noong dalhin ako ni Papa sa ampunan.“Pasensya ka na anak, ah? Hindi kita madalaw noon. Wala kasing nakakaalam kung saan ka dinala ng Papa mo, eh. Gustuhin ko man magtanong, ay baka mapalayas naman ako. Pero hindi ako tumigil magdasal sa Diyos na sana ay ayos ka lang. At mukhang dininig naman Niya ang dasal ko.” hinimas niya ang braso ko. “Tingnan mo, dalagang dalaga ka na. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. Napakagandang dalaga.”Hindi ko naman maiwasang mangilid muli ang luha sa mga mata ko. “Than
Halos hindi ko na namalayan kung ilang oras ba ang aming naging byahe. Sa sobrang tahimik kasi namin sa loob ay lumilipad lang din ang isip ko sa kung ano ba talaga ang dahilan ni Papa. Bakit all of the sudden ay gusto na niya akong bumalik sa mansion? Dahan-dahan namang bumagal ang takbo ng kotseng sinasakyan namin, at sa paligid ay naging pamilyar sa akin ang daan. Kahit malabo sa memorya ko, natitiyak kong malapit na kami. Ilang sandai pa ay huminto kami sa isang itim na gate. Napatitig ako sa arko nito at nakita ko ang palataandaan na ito na ang tahanan namin. Narito kasi nakaukit ang apilido ni Papa at Mama. Cruz– Mabilis akong napakunot ng noo nang mabasa kong mabuti ang apilido sa tabi ng apilidong Cruz. Hindi na iyon Montecillo–hindi na apilido ni Mama. Cruz–Fajardo Residence, na ang nakalagay. Napakuyom ang aking kamay. Ito marahil ang apilido ng bagong asawa ni Papa–I mean, apilido ng naging kabet niya. “Maliya, nandito na tayo. Remember, don’t do something and respec
“Maliya?”Napabalik ako sa kasalukuyan nang biglang bumukas ang pinto.Si Katherine iyon, hingal na hingal ito at tila maluluha. Natitiyak kong nabalitaan na niya kay Nanay Rosa ang tungkol sa pagtawag ng ama ko.“Ano ‘yon, Kath?” tanong ko.“M-May mga sasakyan sa labas. May mga lalaki rin! Nakasuot sila ng black suits!”Unti-unting nawala ang ngiti ko.Black suits.I remembered what Nanay Rosa told me.They were coming for me.“A-Aalis ka na? Iiwan mo na kami dito?” tuluyang napaluha si Katherine at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Niyakap ko siya pabalik. “P-Pasensya na, biglaan, eh. Ngayon ko lang din nalaman at hindi ko naman inaasahan na ngayon din ako susunduin.” sambit ko at pinipigilan kong maluha.Halos napahikbi na si Katherine sa bisig ko. “Oh, basta huwag mo kaming kakalimutan, ah! Bumisita ka rito linggo-linggo!”“Oo naman, kung kaya ko ay araw-araw ay pupunta pa rin ako dito.”Pinunasan ni Katherine ang luha niya, saka bumitaw sa yakap at humarap sa ak
Maliya’s Point of View May mga taong ipinanganak na minamahal. May mga taong kahit wala pang alam sa mundo, mayroon nang mga bisig na handang sumalo sa kanila kapag nadapa sila. May mga taong lumaki sa tahanang puno ng pagmamahal, tawanan, at masasayang alaala. At mayroon namang katulad ko. Isang taong natutong mabuhay nang hindi umaasa sa pagmamahal ng iba. Isang taong nasanay na hindi hinahanap, hindi pinipili, at higit sa lahat, hindi naaalala. I grew up believing that I was never meant to be loved. At sa loob ng labingwalong taon, iyon ang paulit-ulit kong pinaniwalaan sa sarili ko. “Maliya?!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nanay Rosa mula sa likuran ko. “Po? Bakit po Nanay Rosa?” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?” Napakurap ako bago bahagyang ngumiti. “Sorry po, medyo malalim lang po ang iniisip ko.” sambit ko, saka napakamot sa noo. Umiling siya habang hawak ang isang basket na puno ng mga bagong labang damit. “







