CHAPTER 4[7 YEARS LATER] “SIGE, ako na ang bahala sa pogi kong inaanak dito. Kung may problema ay tumawag ka lang.”Kausap ni Sofia si AraMina sa cellphone habang naglalakad siya papasok sa kompanyang pagtatrabahuhan niya.“Salamat, Ara. Kapag nakapag-ipon ipon na ako ay papabyahehin ko kayo ni Spiro dito sa Maynila. Pasensya na talaga na ikaw ang napag-iwanan ko. Hindi ko kasi kaya na—”“Para naman itong others. Don’t ya worry nga dito sa amin. Behave na behave ang baby boy natin. O, kakausapin ka raw ni Bagets.”“Hello, Mami ko po.” Cute na cute ang boses ng anim na taong gulang niyang anak sa kabilang linya.“Baby ko, okay ka lang ba?” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Pasensya ka na, ha. Kailangan kasi ni Mami na magtrabaho sa malayo.”“Okay lang po ako, Mami. Mami-miss po kita pero naiintindihan ko. Kailangan mo magtrabaho kasi sakitin po ako. Thank you po sa pagtatrabaho para sa akin po.”“Baby syempre naman. Love na love ka ni Mami kaya ayos lang sa akin. Pakabait ka riyan kay Ni
آخر تحديث : 2026-11-03 اقرأ المزيد