تسجيل الدخولCHAPTER 4
[7 YEARS LATER]
“SIGE, ako na ang bahala sa pogi kong inaanak dito. Kung may problema ay tumawag ka lang.”
Kausap ni Sofia si AraMina sa cellphone habang naglalakad siya papasok sa kompanyang pagtatrabahuhan niya.
“Salamat, Ara. Kapag nakapag-ipon ipon na ako ay papabyahehin ko kayo ni Spiro dito sa Maynila. Pasensya na talaga na ikaw ang napag-iwanan ko. Hindi ko kasi kaya na—”
“Para naman itong others. Don’t ya worry nga dito sa amin. Behave na behave ang baby boy natin. O, kakausapin ka raw ni Bagets.”
“Hello, Mami ko po.” Cute na cute ang boses ng anim na taong gulang niyang anak sa kabilang linya.
“Baby ko, okay ka lang ba?” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Pasensya ka na, ha. Kailangan kasi ni Mami na magtrabaho sa malayo.”
“Okay lang po ako, Mami. Mami-miss po kita pero naiintindihan ko. Kailangan mo magtrabaho kasi sakitin po ako. Thank you po sa pagtatrabaho para sa akin po.”
“Baby syempre naman. Love na love ka ni Mami kaya ayos lang sa akin. Pakabait ka riyan kay Ninang Ara, ha.”
“Opo. I love you, Mami.”
“I love you too.” Lumabi si Sofia habang maingat na pinupunasan ang gilid ng mga mata. Nang mawala sa kabilang linya ang bata ay itinago niya ang cellphone sa lumang shoulder bag na dala.
Kapagkuwan ay tumigil siya sa mismong entrance ng matayog na gusali ng kompanya—ang Ralvan Banks.
“Hi, are you Sofia Sarmiento?” bati sa kanya ng receptionist sa lobby.
“Yes, I am.”
May ibinigay ito sa kanya na ID, KeyCard at saka ilang papel. “This is your first day, Miss. Your office is on the second floor together with other associates. Welcome to Ralvan Banks.”
“Thank you,” matamis niya itong nginitian saka naglakad papuntang elevator. Bawat hakbang niya sa marmol na sahig, pinapaalala sa kanya na ang layu-layo talaga ng agwat nila ng lalaking minsan niyang pinangarap.
Wala talaga siyang balak mag-apply sa Philippines Main Headquarter ng Ralvan Banks kung hindi lang siya gipit. Limang beses niya na yatang tinanggihan ang offer ng Manager ng bangkong pinagtatrabahuhan niya sa Naga City nang sabihin nitong ire-refer siya sa Ralvan Banks.
Ngunit nitong mga nakaraan ay naospital na naman si Spiro kaya pikit-mata niyang tinanggap ang trabaho bilang Bank Associate. Entry level ang posisyon ngunit triple ang sahod kumpara sa kinikita niya sa Bicol. Dagdag pa na may mga benefits doon katulad ng comprehensive HMO Card at Life & Health Insurance na dependent niya si Spiro—malaking bawas sa hospital bills.
Sinong mag-aakala na ang apelyidong kinakalimutan niya sa loob ng pitong taon, ay araw-araw niyang makikita simula ngayon. Mabuti na lang, wala ang mismong taong kinakalimutan niya!
Sofia did her research and confirmed from the current employees of Ralvan Banks that the Chairman himself is not in the Philippines. Apat na taon na raw ito sa Japan at mukhang walang balak umuwi sa Pilipinas.
Matulin na lumipas ang isang linggo, tahimik ang buhay ni Sofia. Maliban sa paminsan-minsan na tahimik na panghuhusga ng kanyang mga kaopisina, ay wala naman na siyang problema. Madalas ay bahay-trabaho lang siya.
“Sofia, pakidala nga nito sa Accounting Department,” utos sa kanya ng Head nila doon na si Ma’am Grace. Agad niyang kinuha ang patung-patong na mga papel. “At pagkatapos mo riyan, kunin mo sa reception ang pinadelive kong kape. Starbucks iyon kaya mag-ingat ka baka matapon.”
“Opo.”
Mabilis siyang kumilos dahil baka mapagalitan na naman siya katulad noong nakaraan na hindi niya agad nasunod ang inuutos nito dahil may ginagawa siya sa computer niya.
Nang maihatid sa accounting, ay pumunta si Sofia sa reception area.
“Inutusan ka na naman?” palatak ng receptionist na si Abigail.
“Hayaan mo na. Asan ba?”
“Nandoon sa may pantry. Kunin mo na lang sa ref. Pasok ka rito,” wika nito dahil may dumating na kliyente. Nang makuha ni Sofia iyon ay nagtext si Ma’am Grace na may LBC raw na dumating din.
Luminga-linga siya sa paligid. Nang walang makita ay pasensyosa na tumayo siya sa gilid ng reception desk para hintayin si Abigail na matapos makipag-usap sa Kliyente.
Maya-maya pa ay hinarap na siya ng babae. “Oh?”
“Iyong LBC pa daw.”
“Hay naku talaga iyang si Ma’am Grace. Kung hindi lang malakas ang kapit niyan sa executive, isusumbong ko na rin yan sa HR. Ikaw na kaya ang magsumbong?”
Bumungisngis siya. “Ayoko! Kabagu-bago ko pa lang baka mawalan ako ng trabaho.”
“O, ito na.”
“Tenkyu, Abby. The best ka. Mwah mwah!” Kinindatan niya pa ng babae saka tumuwid sa pagkakatayo para bumalik na sa 2nd floor. Subalit, pag-ikot niya ay halos atakehin siya sa puso nang makita ang lalaking nakatingin sa kanya.
Titig na titig sa kanya ang mga matang kaparehong-kapareho ng kay Spiro.
Oh God!, Spiel Ralvan can now see her!
Aminin niya man o hindi, ilang beses niyang hiniling noon na sana, ay kahit sandali lang ay makita niya itong nakikita siya. Ngayong natupad na, ay binabalot ng kaba at takot si Sofia dahil kung makatitig ito ay tagusan. Na para bang kinikilatis nito ang buong siya at sinisiguro na iyon ang unang beses na nagkrus ang mga landas nila.
CHAPTER 10“Dito na po,” wika niya sabay mabilis na lumayo rito na parang napapaso. Hindi niya na lang pinansin ang bahagyang pagkunot ng noo ni Chairman bagkus ay binuksan niya na ang p***o. “Pasok po kayo, Chairman. Pasensya na kung maliit.” Walang sagot si Chairman bagkus hinubad nito ang basang itim na leather shoes. “Wala po akong extra indoor slipeer. Okay lang po na ipasok niyo.” “I know visitor’s ettiquete, Miss,” suplado nitong wika saka iniwan iyon sa labas—sa tabi ng basang heels niya. “Pwede po si Ma’am Dhenaly sa kwarto para komportable siya.” “Just call her Dhenaly and she’ll be okay here in your couch.” Inilapag nito ang bata sa lumang sofa niya. Kapagkuwan ay kaswal nitong h inubad ang suot na coat na medyo basa rin pala. “Ahm…naghapunan na po kayo?” Hindi siya sigurado kung paano pakikitunguhan ito ngayon.Kung noon sa villa ay komportableng-komportable siya na kahit pagligo at banyo nito ay sinasama
CHAPTER 9 “Hello po, Sir Ali.” Nilingon ni Alejandro si Gideon bago lumipat ang mga mata sa kanya na malamig ngunit nagbabanta ang tingin dito. “It’s raining hard. May masasakyan ka ba?” “Magta-taxi po ako pagtila ng ulan.” “Rush hour ngayon. Paalis na kami, ihahatid ka namin.” Bago pa makasagot si Sofia ay hinablot niya na ang likod ng kwelyo ni Alejandro. “She’s riding with me.” “Man, kasama mo si Dhenaly. Ayaw no’n na may kasama kang babae,” ngisi sa kanya ni Gideon. Ano bang pumasok sa utak ng mga t arantadong ‘to na siya ang nabunot na bwisitin mula pa kaninang umaga? “She’s riding with me!” diin na diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Sarmiento, come on.” “Magta-taxi na lang ako, Chairman. Hindi na po.” “I said, you’re coming with me.” “H-Hindi—” “You’re coming with me or you’ll be fired.” “Sasama na po!”Bilis ng sagot nito saka hahabul-habol sa k
CHAPTER 8 [SPIEL] “Sinong kasama mo pumunta rito?” seryoso niyang tanong sa anak nang makaalis si Sofia. Sa halip na maintimida ay hinalukipkipan siya saka pumadyak. “Daddy nga, sabi ko kasi na ayaw ko girl mo okay? Marami kang girl palagi.” “She’s an employee and I don’t like your attitude, young Miss.” Rumulyo ulit ang mga mata ni Dhenaly saka nagpapadyak na pumunta sa executive chair niya. Dahil bulilit ay kakawag-kawag ang paa nito sa pag-akyat. Nang akmang tutulungan niya ay itinulak nito ang kanyang kamay. “No! Sabi ko walang girl!” “Jesus!” Nahilot niya ang noo sa kamalditahan nito. “And I told you I have none. Come here.” Inisang dampot niya ang bata para siya ang maupo at kinandong ito. “Meron! When we left Japan there’s a girl na hinahanap ka. Iyon pong may malaking bibig. Ninakaw niya pa nga iyong lisptick na binili mo para sa akin dati.” “Hindi ko binili ang lipstick na ‘yon dahil a
CHAPTER 7Wala siyang nagawa kundi sumunod dito papasok sa VIP elevator. Namawis ang mga palad ni Sofia habang iniisip kung saan siya nagkamali. Mawawalan ba siya ng trabaho? Paano na sila ni Spiro?‘Bakit kasi nagbida-bida ka pa?’ gigil niyang sermon sa sarili.“The Chairman is waiting inside, Miss,” wika ng sekretaryo nang makarating sila sa 25th floor. Pormal na binuksan nito ang pinto na nasa dulo kaya nakayuko siyang pumasok.“Is she the associate?” tanong ng baritong boses na hindi pamilyar kay Sofia kaya napaangat siya ng tingin.Wala sa loob na napatitig siya sa malaking lalaki na nakaman-bun ang buhok. Prente itong nakaupo sa visitor’s chair ng mesa ni Chairman habang seryosong nakatingin sa kanya. “Tatayo ka na lang ba riyan?” asik ng isa pang boses. Uminit ang kanyang mga pisngi nang makita si Spiel na nagsasalubong ang mga kilay na pinagmamasdan siya. “C-Chairman, pinatawag niyo raw po ako?” “Sit down,” supladong itinuro ni Spiel an
CHAPTER 6 Nahanap niya ang babaeng nakatayo sa may front desk. Sa tindig at likod nito ay napagtanto niyang hindi ito si Margareth. Dapat umalis na siya lalo na nang humarap ito. Subalit, may kung ano sa babae na hindi niya maalis ang mga mata rito. “G-Good morning po, Chairman.” Umahon ang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang dibd ib. Ipinapaalala ng boses nito ang boses ni Margareth na p utangina, winasak ng husto ang mga pangarap niya noong bulag pa siya at grabe ang kanyang pagkadismaya. Spiel hate this woman![SOFIA] Parang kriminal na nagtatago sa mga pulis kung kumilos si Sofia nitong nakalipas na dalawang araw tuwing wala siya sa 2nd floor para lang makasiguro na hindi magku-krus ang mga landas nila ni Spiel. “Hay! Pagod na pagod na ako magtrace ng mga mga dating record. Bakit ba kasi ngayon pa nagbakasyon si Editah,” himutok ni Ma’am Grace nang bumalik ito sa opisina. Lahat ng Department Head ay ipinataw
CHAPTER 5 “Girl, si Chairman ‘yan,” kublit sa kanya ni Abigail saka magalang na yumuko. “Good morning po, Chairman.” Yumuko na rin si Sofia, hindi niya kinakaya ang titig ni Spiel. Pinapangapusan siya ng hininga sa hindi niya malamang dahilan. “G-Good morning po, Chairman.” Humakbang palapit sa kanya si Spiel hanggang sa tumigil ito sa mismong harap niya. “What’s your name?” malamig ang boses nitong tanong. Kasing-lamig ng boses noong unang mga araw niya sa Villa at demonyo pa ang ugali nito. “S-Sofia po.” “Look at me when I’m talking to you.” Nag-angat siya ng tingin dito. Pinigilan ni Sofia ang mapasinghap nang mapagmasdan ito sa malapitan. He looked more mature now that he’s already in his 35s, if she’s not mistaken. Hindi nakakatulong ang suot nitong salamin sa mata para mabawasan ang mabagsik at nakakaintimida nitong presensya. Sa tindig pa lang nito ay mangingimi ang kahit sino na







