تسجيل الدخولCHAPTER 5
“Girl, si Chairman ‘yan,” kublit sa kanya ni Abigail saka magalang na yumuko. “Good morning po, Chairman.”
Yumuko na rin si Sofia, hindi niya kinakaya ang titig ni Spiel. Pinapangapusan siya ng hininga sa hindi niya malamang dahilan.
“G-Good morning po, Chairman.”
Humakbang palapit sa kanya si Spiel hanggang sa tumigil ito sa mismong harap niya.
“What’s your name?” malamig ang boses nitong tanong. Kasing-lamig ng boses noong unang mga araw niya sa Villa at demonyo pa ang ugali nito.
“S-Sofia po.”
“Look at me when I’m talking to you.”
Nag-angat siya ng tingin dito. Pinigilan ni Sofia ang mapasinghap nang mapagmasdan ito sa malapitan.
He looked more mature now that he’s already in his 35s, if she’s not mistaken. Hindi nakakatulong ang suot nitong salamin sa mata para mabawasan ang mabagsik at nakakaintimida nitong presensya.
Sa tindig pa lang nito ay mangingimi ang kahit sino na lumapit. Hindi nakakapagtaka dahil dati itong sundalo.
“Say my name,” he demanded in a very bossy tone.
“Ano p-po?”
“I said say my d amn name.”
“C-Chairman,” kandapiyok ang nalilito niyang boses.
“T anga ka ba?”
Napapiksi si Abigail sa tabi niya habang si Sofia ay gulat na gulat. Alam niya naman na asal-demonyito ito si Spiel pero grabe naman kung makapagsalita ito sa harap ng marami.
“Paanong nagkaroon ng empleyado ang Ralvan Banks na hindi alam ang pangalan ko!”
“S-Sorry po.” Halos mapaiyak na siya sa kahihiyan lalo nang mapansin niya ngayon na kasama pala ni Spiel ang CEO.
“Save your d amn sorry and say my name!”
“S-Spiel po.”
“Again. There’s no ‘po’ in my name.”
Ano ba kasing ‘trip’ nito sa buhay at pinapahirapan siya ng ganito? “S-Spiel.”
“Why the f uck are you crying? Stop crying and say my name straight!”
Sumigok na si Sofia at nanginig ang mga labi.
“Chairman, come on she’s new here. Let her pass this time,” singit ng CEO.
“Shut up, Ellion!”
“We still have meeting with Almeradezes,” wika ng CEO kahit napahakbang ito paatras nang asikan ni Spiel.
Umigting ang panga ni Spiel habang hindi siya hinihiwalayan ng titig. Bakit ba kung makatingin ito ay parang galit na galit sa kanya?
Alam ba nito na siya ang kasama nito noon? Imposible dahil pinakasalan nga nito si Ma’am Margareth at saka kung alam nito dapat pinahanap na siya noon pa para ipakulong o kaya gumanti.
“Chairman…” tawag pa ni CEO Ellion kaya umalis na si Spiel matapos siyang bigyan ng matalim na tingin.
Hinila siya ni Abigail papasok sa pantry dahil mukha na siyang kaawa-awa sa kinatatayuan. Binigyan siya nito ng tubig at tissue.
“Pagpasensyahan mo na ‘yon. Ganon lang talaga kasi iyon si Chairman,” alo sa kanya ni Abigail. “Mabuti nga, hindi ka niya tinanggal sa trabaho. Perfectionist iyon, e. Ang laking ginhawa nga namin nang pumunta siya sa Japan. Ngayon bumalik na siya, malamang doble-ingat kaming lahat dito.”
Bahagyang naging maayos ang pakiramdam niya matapos uminom ng tubig. Halu-halo ang kanyang emosyon kanina kaya napaiyak siya—gulat, lungkot, kaba at…bigla ay parang gusto niyang magsumbong na namatay ang anak nila.
“Iwasan mo na lang si Chairman at kung mapagalitan ka naman ulit ay ipasok mo na lang sa isa mong tainga at labas naman sa isa. Pagpasensyahan mo na siya kasi diborsyado ‘yon, e. Kaya saksakan ng kasamaan ng ugali.”
“Diborsyado siya?” pabulong niyang ulit.
“Oo! Nagdivorce sila ni Ma’am Margareth noong maggto-two years old ang anak nila. Isa pa iyon si Ma’am Marga na may ugali rin. Kaya hindi nakakapagtaka na saks-akan din ng kamalditahan iyong anak ni Chairman Ralvan. Kapag nakita mo rin ang batang iyon na pakalat-kalat dito, iwasan mo rin kasi d emonyita ang ugali no’n.”
[SPIEL]
“DADDY, ayaw ko nga na pumunta riyan. Enet enet kasi!”
Napahilot ng sintido si Spiel sa maarteng boses ng anak niyang si Dhenaly. Pitong taong gulang pa lang ay ang talas-talas na ng bibig at sakit sa ulo niya.
“Your Mamita needs to go to Spain. She can’t bring you with her. Kaya sa ayaw o gusto mo, uuwi ka rito.”
“Ehhh!” malakas na reklamo ng bata saka nagsalita ng Japanese.
“Dhenaly, don’t throw tantrums on me. Isa pa, bakit ang pula-pula na naman ng mga labi mo? For pete’s sake!, you’re just six years old!”
“Magse-seven na nga ako. Dalaga na.”
“Jesus!” Kumibot ang sintido ni Spiel lalo na nang maarteng ngumuso ang bata saka pinakita pa sa kanya ang parang rainbow na pisngi nito. Magpuputukan yata ang ugat niya sa noo.
Mas gugustuhin niya pa na harapin ang mga problema sa Ralvan Banks o kaya makipagyera ng harap-harapan sa mga terrorista at rebelde sa Mindanao kaysa makipag-usap sa sariling anak.
“Ba-bye na nga, Daddy. Tinatawag na ako ni Mamita.”
“Dhenaly, we’re not yet done talking! Remove that lipstick and watercolor on your face!”
Subalit, maarteng hinawi lang nito ang buhok saka p inatay ang tawag.
Humugot siya nang malalim na hininga bago tumayo nang pinuntahan siya ni Ellion sa kanyang opisina. They have important meeting today at Almeradez Empire.
Ang Almeradez Empire at iba pang naglalakihang kompanya sa Pilipinas ang dahilan kung bakit umuwi siya sa Pilipinas matapos ang ilang taon na pananatili sa Japan.
He left the Philippines with his daughter after the divorce because Spiel was so f ucking heartbroken. Sobra-sobra ang kanyang pagkadismaya kay Margareth dahil malayung-malayo ito sa bersyon nitong nakasama niya sa Villa.
Ilang beses niya na rin pinagdudahan na hindi talaga ito ang nakasama niya pero lahat ay nagtutugma. Maging si Dhenaly ay pinagdudahan niya kung anak niya ba talaga pero nang pina-DNA test niya ay siya lamang ang napahiya dahil ‘Matched’ sila ng bata.
Nang malaman iyon ni Margareth ay galit na galit ito sa kanya. Palagi siyang inaaway kaya nagdisisyon siyang bumalik muna sa Military ng higit isang taon. Baka-sakaling maisalba pa ang kasal nila kung pansamantala silang malayo sa isa’t isa.
But when he came back, Spiel only get dissapointed and angry because Margareth was maltreating their child. Sising-sisi si Spiel na iniwan niya si Dhenaly dahil ang payat-payat nito at palaging may mga pasa kapag nasa bahay si Margareth, ayon sa kasambahay.
“Iyong LBC pa daw.”
Nasa lobby na sila ni Ellion nang marahas siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. “Ayoko! Kabagu-bago ko pa lang baka mawalan ako ng trabaho.”
That f ucking b-tch Margareth is here?! Hindi siya pwedeng magkamali na kaboses ni Margareth ang naririnig niya.
CHAPTER 10“Dito na po,” wika niya sabay mabilis na lumayo rito na parang napapaso. Hindi niya na lang pinansin ang bahagyang pagkunot ng noo ni Chairman bagkus ay binuksan niya na ang p***o. “Pasok po kayo, Chairman. Pasensya na kung maliit.” Walang sagot si Chairman bagkus hinubad nito ang basang itim na leather shoes. “Wala po akong extra indoor slipeer. Okay lang po na ipasok niyo.” “I know visitor’s ettiquete, Miss,” suplado nitong wika saka iniwan iyon sa labas—sa tabi ng basang heels niya. “Pwede po si Ma’am Dhenaly sa kwarto para komportable siya.” “Just call her Dhenaly and she’ll be okay here in your couch.” Inilapag nito ang bata sa lumang sofa niya. Kapagkuwan ay kaswal nitong h inubad ang suot na coat na medyo basa rin pala. “Ahm…naghapunan na po kayo?” Hindi siya sigurado kung paano pakikitunguhan ito ngayon.Kung noon sa villa ay komportableng-komportable siya na kahit pagligo at banyo nito ay sinasama
CHAPTER 9 “Hello po, Sir Ali.” Nilingon ni Alejandro si Gideon bago lumipat ang mga mata sa kanya na malamig ngunit nagbabanta ang tingin dito. “It’s raining hard. May masasakyan ka ba?” “Magta-taxi po ako pagtila ng ulan.” “Rush hour ngayon. Paalis na kami, ihahatid ka namin.” Bago pa makasagot si Sofia ay hinablot niya na ang likod ng kwelyo ni Alejandro. “She’s riding with me.” “Man, kasama mo si Dhenaly. Ayaw no’n na may kasama kang babae,” ngisi sa kanya ni Gideon. Ano bang pumasok sa utak ng mga t arantadong ‘to na siya ang nabunot na bwisitin mula pa kaninang umaga? “She’s riding with me!” diin na diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Sarmiento, come on.” “Magta-taxi na lang ako, Chairman. Hindi na po.” “I said, you’re coming with me.” “H-Hindi—” “You’re coming with me or you’ll be fired.” “Sasama na po!”Bilis ng sagot nito saka hahabul-habol sa k
CHAPTER 8 [SPIEL] “Sinong kasama mo pumunta rito?” seryoso niyang tanong sa anak nang makaalis si Sofia. Sa halip na maintimida ay hinalukipkipan siya saka pumadyak. “Daddy nga, sabi ko kasi na ayaw ko girl mo okay? Marami kang girl palagi.” “She’s an employee and I don’t like your attitude, young Miss.” Rumulyo ulit ang mga mata ni Dhenaly saka nagpapadyak na pumunta sa executive chair niya. Dahil bulilit ay kakawag-kawag ang paa nito sa pag-akyat. Nang akmang tutulungan niya ay itinulak nito ang kanyang kamay. “No! Sabi ko walang girl!” “Jesus!” Nahilot niya ang noo sa kamalditahan nito. “And I told you I have none. Come here.” Inisang dampot niya ang bata para siya ang maupo at kinandong ito. “Meron! When we left Japan there’s a girl na hinahanap ka. Iyon pong may malaking bibig. Ninakaw niya pa nga iyong lisptick na binili mo para sa akin dati.” “Hindi ko binili ang lipstick na ‘yon dahil a
CHAPTER 7Wala siyang nagawa kundi sumunod dito papasok sa VIP elevator. Namawis ang mga palad ni Sofia habang iniisip kung saan siya nagkamali. Mawawalan ba siya ng trabaho? Paano na sila ni Spiro?‘Bakit kasi nagbida-bida ka pa?’ gigil niyang sermon sa sarili.“The Chairman is waiting inside, Miss,” wika ng sekretaryo nang makarating sila sa 25th floor. Pormal na binuksan nito ang pinto na nasa dulo kaya nakayuko siyang pumasok.“Is she the associate?” tanong ng baritong boses na hindi pamilyar kay Sofia kaya napaangat siya ng tingin.Wala sa loob na napatitig siya sa malaking lalaki na nakaman-bun ang buhok. Prente itong nakaupo sa visitor’s chair ng mesa ni Chairman habang seryosong nakatingin sa kanya. “Tatayo ka na lang ba riyan?” asik ng isa pang boses. Uminit ang kanyang mga pisngi nang makita si Spiel na nagsasalubong ang mga kilay na pinagmamasdan siya. “C-Chairman, pinatawag niyo raw po ako?” “Sit down,” supladong itinuro ni Spiel an
CHAPTER 6 Nahanap niya ang babaeng nakatayo sa may front desk. Sa tindig at likod nito ay napagtanto niyang hindi ito si Margareth. Dapat umalis na siya lalo na nang humarap ito. Subalit, may kung ano sa babae na hindi niya maalis ang mga mata rito. “G-Good morning po, Chairman.” Umahon ang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang dibd ib. Ipinapaalala ng boses nito ang boses ni Margareth na p utangina, winasak ng husto ang mga pangarap niya noong bulag pa siya at grabe ang kanyang pagkadismaya. Spiel hate this woman![SOFIA] Parang kriminal na nagtatago sa mga pulis kung kumilos si Sofia nitong nakalipas na dalawang araw tuwing wala siya sa 2nd floor para lang makasiguro na hindi magku-krus ang mga landas nila ni Spiel. “Hay! Pagod na pagod na ako magtrace ng mga mga dating record. Bakit ba kasi ngayon pa nagbakasyon si Editah,” himutok ni Ma’am Grace nang bumalik ito sa opisina. Lahat ng Department Head ay ipinataw
CHAPTER 5 “Girl, si Chairman ‘yan,” kublit sa kanya ni Abigail saka magalang na yumuko. “Good morning po, Chairman.” Yumuko na rin si Sofia, hindi niya kinakaya ang titig ni Spiel. Pinapangapusan siya ng hininga sa hindi niya malamang dahilan. “G-Good morning po, Chairman.” Humakbang palapit sa kanya si Spiel hanggang sa tumigil ito sa mismong harap niya. “What’s your name?” malamig ang boses nitong tanong. Kasing-lamig ng boses noong unang mga araw niya sa Villa at demonyo pa ang ugali nito. “S-Sofia po.” “Look at me when I’m talking to you.” Nag-angat siya ng tingin dito. Pinigilan ni Sofia ang mapasinghap nang mapagmasdan ito sa malapitan. He looked more mature now that he’s already in his 35s, if she’s not mistaken. Hindi nakakatulong ang suot nitong salamin sa mata para mabawasan ang mabagsik at nakakaintimida nitong presensya. Sa tindig pa lang nito ay mangingimi ang kahit sino na







