مشاركة

Chapter 3

مؤلف: pariahrei
last update تاريخ النشر: 2026-11-03 10:38:19

CHAPTER 3

          Tumingin si Sofia sa malawak na dagat, naalala ang dinanas niya magsa-siyam na buwan na ang lumipas. Akala niya ay mamamatay na siya noon sa dalampasigan ngunit may nakakita sa kanya na mga mangingisda at dinala siya sa pinakamalapit na Infirmary.

          Nang magamot ay agad umalis si Sofia sa takot na matunton siya ng mga humahabol sa kanya, lalo na ni Margareth. Umuwi siya sa isla sa Bicol kung saan siya lumaki—ang Atulayan Island.

          “Sayang lang, hindi makikita ni Tita Norma ang apo niya sa ‘yo,” komento nito.

          Namatay ang Mama niya, isang buwan matapos makauwi ni Sofia sa isla. Kaparehong araw ay nalaman ni Sofia na nagdadalang-tao pala siya. Alam niyang may sakit ito pero duda siya na natural ang pagkamatay nito. Iniyak niya na lang ang pagdududa dahil ano bang magagawa niya?

          “Hindi mo talaga ipapaalam sa Daddy niyan na may anak kayo?” Alam ng bestfriend niya ang lahat ng nangyari.

          “Mapapahamak lang ang baby ko. Mas ayos na malayo kami sa gulo. Isa pa, kasal na sila ni M-Margareth.” Sumikip ang dibd ib niya nang maalala ang nabasa sa dyaryo tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.

          Zaldivar and Ralvan are big names at the bussiness industry. Lalo na ang Ralvan na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na mga bangko sa buong mundo.

          “Basta, nandito lang ako. Junakis ko na rin ang beybi mo na iyan kasi wala naman akong matris.”

          “Thank you, Arman.”

          “T angenemers neto! Pakak na pakak ang make-up ko tapos tatawagin mo ako Arman?”

          Humalakhak si Sofia saka niyakap sa batok ang bestfriend niya sabay h alik sa pisngi.

          “Ew! Ew! Chupi, sester. Yuck!”

          Mas lalo siyang natawa nang pinagtatampal siya nito sa balikat. Ngunit, nabitin ang kanyang halakhak nang maramdaman ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan.

          Namimilog ang mga mata ni Sofia nang dinaklot ang buhok ni AraMina.

          “Ang hair ko, BFF! Bruhilda ka!”

          “Aray!” sigaw niya nang muling humilab ang kanyang tiyan kaya nabitin ang pananabunot sa kanya ng bakla. “Manganganak na ako!”

          Taranta na ang bestfriend niya na nagsisigaw. Isang buwan pa siya dapat mangangak kaya punong-puno ng takot ang kanyang dibd ib. Dinala siya nina AraMina sa infirmary sa Isla nila. Subalit, dahil walang masyadong kagamitan ay napilitan ang doktor na magpatawag ng Emergency Speed Boat para dalhin siya sa Naga City kung saan naroroon ang naglalakihang hospital.

          Panay ang hilab ng kanyang tiyan habang nasa byahe—halos mahimatay siya sa sakit niyon. Laking pasasalamat ni Sofia nang oras na nakarating sila sa NICC hospital ay saka naman sumilip ang ulo ng bata.

          “Hindi umiiyak ang sanggol!”

          Pipikit-pikit siya sa pagod at malabo ang paningin ngunit narinig niya ang boses ng doktor.

          “Bring the oxygen. Faster!”

          Napaluha siya nang pinapalibutan na ng mga doktor at nurse ang kanyang baby. Itinaas niya ang kamay, gusto abutin ang baby subalit ang daming dugo ang nawala sa kanya. Nawalan siya ng malay…

          “NASAAN ANG BABY KO?!” iyon ang unang tanong ni Sofia kay AraMina nang magising siya kinabukasan. Ramdam niya pa ang panghihina ng katawan ngunit pinilit niyang bumangon.

          “BFF, huwag ka munang magpumilit na bumangon,” kabadong sabi nito saka siya inalalayan.

          “A-Ang anak ko, Ara. Nasaan siya?”

          “Magpahinga ka muna.” Nag-iwas ito ng tingin at pumipiyok na ang boses.

          “Sagutin m-mo ako. Nasaan ang a-anak ko?” nagmakaawa na ang kanyang boses nang humigpit ang hawak niya sa braso nito.

Subalit, naluluhang mga mata lamang ang sagot sa kanya ng kaibigan. Bumukas ang p***o at pumasok ang doktor.

          “D-Doc, ang anak ko. Nasaan ang baby ko, Doc?” garalgal niyang tanong.

          “I’m sorry, Miss Sarmiento but he’s dead.”

          “H-Hindi! D-Doc, sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang. D-Doc…” Kahit sumasakit ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay pinilit niyang bumangon para mahawakan sa braso ang doktor.

          “He was born too early. Hindi kinaya ng kanyang katawan dahil hindi pa fully develop ang kanyang mga organs.”

          “Mga tatlong linggo lang naman ako advance, Doc. P-Paanong hindi pa fully develop?” Hihikbi-hikbi niyang tutol.

          “Kulang na kulang sa nutrisyon ang bata, Miss. Nakapagpa-ultrasound ka man lang ba kahit isang beses?”

          Mas lalo siyang napaiyak. Wala siyang perang pampaultrasound at kakarampot na vitamins lang mula sa health center sa isla nila ang naiinom niya. Muling nagbigay ng simpatya ang doktor subalit masyado ng bingi si Sofia.

          Binalot ng masakit na hagulgol ang buong kwarto.

          “Ang baby ko! A-Ang baby ko!”  pagtangis niya.

          Walang nagawa si AraMina kundi yakapin siya. Nang mga sumunod na araw ay palagi na lang umiiyak at tulala si Sofia.

          “BFF, may bisita ka,” wika ni AraMina nang bumalik ito mula sa opisina ng Congressman ng bayan nila.

Tumingin lamang siya rito kaya binuksan ni AraMina ang p***o.

          “Ate?” gulat niyang sambit nang makita ang kapatid na ilang taon ng wala silang kontak. 

          “Sofia, kumusta ka?”

          “A-Ate, bakit hindi mo kami kinontak noong nasa Japan ka na?” naluluha niyang tanong.

          “Nahiya ako sa inyo,” ngumiti ito ng matipid. “Kumusta ang pakiramdam mo? Nalaman ko ang nangyari sa baby mo.”

          Suminghot si Sofia at muling nanginig ang mga labi.

          “Sofia, ako ang magbabayad ng bayarin mo rito sa ospital. Hindi nakakuha ng promisori ang kaibigan mo sa opisina ni Congressman kaya sasagutin ko ang lampas 200k mong hospital bills.”

          “S-Salamat, Ate. Salamat.”

          Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Pero may ipapakiusap ako.”

          “Ano po iyon?”

          “Ikaw muna ang mag-alaga sa anak ko.”

          “M-May anak ka na?” gulat niyang tanong.

          “Oo. Dalawang buwang gulang. Kailangan ko kasing bumalik ulit sa Japan kaya wala akong mapag-iiwanan ng bata.”

          Desperado na mapunan ang kahungkagan ay pumayag si Sofia. Akala niya ay ilang buwan lang ipapaalaga sa kanya ng Ate ang bata na siya ang nagpangalan—si Baby Spiro.

          Subalit, nang bumalik ito sa Japan ay hindi niya na naman makontak. Kaya nagdisisyon si Sofia na siya na lang ang magpapalaki kay Baby Spiro…Habang lumalaki ang bata, hindi niya maiwasang mapuna na ang mga mata nito ay pamilyar na pamilyar sa kanya.

          Ang hugis niyon, ang pilantik ng mga pilik-mata at ang kulay na naghahalong itim at brown ay katulad na katulad sa lalaking pilit niyang kinakalimutan—si Spiel Ralvan!

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 10

    CHAPTER 10“Dito na po,” wika niya sabay mabilis na lumayo rito na parang napapaso. Hindi niya na lang pinansin ang bahagyang pagkunot ng noo ni Chairman bagkus ay binuksan niya na ang p***o. “Pasok po kayo, Chairman. Pasensya na kung maliit.” Walang sagot si Chairman bagkus hinubad nito ang basang itim na leather shoes. “Wala po akong extra indoor slipeer. Okay lang po na ipasok niyo.” “I know visitor’s ettiquete, Miss,” suplado nitong wika saka iniwan iyon sa labas—sa tabi ng basang heels niya. “Pwede po si Ma’am Dhenaly sa kwarto para komportable siya.” “Just call her Dhenaly and she’ll be okay here in your couch.” Inilapag nito ang bata sa lumang sofa niya. Kapagkuwan ay kaswal nitong h inubad ang suot na coat na medyo basa rin pala. “Ahm…naghapunan na po kayo?” Hindi siya sigurado kung paano pakikitunguhan ito ngayon.Kung noon sa villa ay komportableng-komportable siya na kahit pagligo at banyo nito ay sinasama

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 9

    CHAPTER 9 “Hello po, Sir Ali.” Nilingon ni Alejandro si Gideon bago lumipat ang mga mata sa kanya na malamig ngunit nagbabanta ang tingin dito. “It’s raining hard. May masasakyan ka ba?” “Magta-taxi po ako pagtila ng ulan.” “Rush hour ngayon. Paalis na kami, ihahatid ka namin.” Bago pa makasagot si Sofia ay hinablot niya na ang likod ng kwelyo ni Alejandro. “She’s riding with me.” “Man, kasama mo si Dhenaly. Ayaw no’n na may kasama kang babae,” ngisi sa kanya ni Gideon. Ano bang pumasok sa utak ng mga t arantadong ‘to na siya ang nabunot na bwisitin mula pa kaninang umaga? “She’s riding with me!” diin na diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Sarmiento, come on.” “Magta-taxi na lang ako, Chairman. Hindi na po.” “I said, you’re coming with me.” “H-Hindi—” “You’re coming with me or you’ll be fired.” “Sasama na po!”Bilis ng sagot nito saka hahabul-habol sa k

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 8

    CHAPTER 8 [SPIEL] “Sinong kasama mo pumunta rito?” seryoso niyang tanong sa anak nang makaalis si Sofia. Sa halip na maintimida ay hinalukipkipan siya saka pumadyak. “Daddy nga, sabi ko kasi na ayaw ko girl mo okay? Marami kang girl palagi.” “She’s an employee and I don’t like your attitude, young Miss.” Rumulyo ulit ang mga mata ni Dhenaly saka nagpapadyak na pumunta sa executive chair niya. Dahil bulilit ay kakawag-kawag ang paa nito sa pag-akyat. Nang akmang tutulungan niya ay itinulak nito ang kanyang kamay. “No! Sabi ko walang girl!” “Jesus!” Nahilot niya ang noo sa kamalditahan nito. “And I told you I have none. Come here.” Inisang dampot niya ang bata para siya ang maupo at kinandong ito. “Meron! When we left Japan there’s a girl na hinahanap ka. Iyon pong may malaking bibig. Ninakaw niya pa nga iyong lisptick na binili mo para sa akin dati.” “Hindi ko binili ang lipstick na ‘yon dahil a

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 7

    CHAPTER 7Wala siyang nagawa kundi sumunod dito papasok sa VIP elevator. Namawis ang mga palad ni Sofia habang iniisip kung saan siya nagkamali. Mawawalan ba siya ng trabaho? Paano na sila ni Spiro?‘Bakit kasi nagbida-bida ka pa?’ gigil niyang sermon sa sarili.“The Chairman is waiting inside, Miss,” wika ng sekretaryo nang makarating sila sa 25th floor. Pormal na binuksan nito ang pinto na nasa dulo kaya nakayuko siyang pumasok.“Is she the associate?” tanong ng baritong boses na hindi pamilyar kay Sofia kaya napaangat siya ng tingin.Wala sa loob na napatitig siya sa malaking lalaki na nakaman-bun ang buhok. Prente itong nakaupo sa visitor’s chair ng mesa ni Chairman habang seryosong nakatingin sa kanya. “Tatayo ka na lang ba riyan?” asik ng isa pang boses. Uminit ang kanyang mga pisngi nang makita si Spiel na nagsasalubong ang mga kilay na pinagmamasdan siya. “C-Chairman, pinatawag niyo raw po ako?” “Sit down,” supladong itinuro ni Spiel an

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 6

    CHAPTER 6 Nahanap niya ang babaeng nakatayo sa may front desk. Sa tindig at likod nito ay napagtanto niyang hindi ito si Margareth. Dapat umalis na siya lalo na nang humarap ito. Subalit, may kung ano sa babae na hindi niya maalis ang mga mata rito. “G-Good morning po, Chairman.” Umahon ang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang dibd ib. Ipinapaalala ng boses nito ang boses ni Margareth na p utangina, winasak ng husto ang mga pangarap niya noong bulag pa siya at grabe ang kanyang pagkadismaya. Spiel hate this woman![SOFIA] Parang kriminal na nagtatago sa mga pulis kung kumilos si Sofia nitong nakalipas na dalawang araw tuwing wala siya sa 2nd floor para lang makasiguro na hindi magku-krus ang mga landas nila ni Spiel. “Hay! Pagod na pagod na ako magtrace ng mga mga dating record. Bakit ba kasi ngayon pa nagbakasyon si Editah,” himutok ni Ma’am Grace nang bumalik ito sa opisina. Lahat ng Department Head ay ipinataw

  • Spiel's Substitute Lover   Chapter 5

    CHAPTER 5 “Girl, si Chairman ‘yan,” kublit sa kanya ni Abigail saka magalang na yumuko. “Good morning po, Chairman.” Yumuko na rin si Sofia, hindi niya kinakaya ang titig ni Spiel. Pinapangapusan siya ng hininga sa hindi niya malamang dahilan. “G-Good morning po, Chairman.” Humakbang palapit sa kanya si Spiel hanggang sa tumigil ito sa mismong harap niya. “What’s your name?” malamig ang boses nitong tanong. Kasing-lamig ng boses noong unang mga araw niya sa Villa at demonyo pa ang ugali nito. “S-Sofia po.” “Look at me when I’m talking to you.” Nag-angat siya ng tingin dito. Pinigilan ni Sofia ang mapasinghap nang mapagmasdan ito sa malapitan. He looked more mature now that he’s already in his 35s, if she’s not mistaken. Hindi nakakatulong ang suot nitong salamin sa mata para mabawasan ang mabagsik at nakakaintimida nitong presensya. Sa tindig pa lang nito ay mangingimi ang kahit sino na

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status