Sa dami ng pinangarap kong kasal noong bata pa ako, hindi ko inakalang ang pinakamabilis ay yung hindi ko man lang ginusto.Gumising ako nang alas-singko ng umaga, bago pa magising si Tomas, para plantsahin ang puting dress na galing sa ukay-ukay. Dalawang beses akong napaso sa plantsa dahil nanginginig ang kamay ko. Si Aling Besing, nakasilip mula sa pinto, may dalang tasa ng salabat. "Inumin mo 'to, hija, para kumalma ang puso.""Hindi po totoong kasal 'to, Aling Besing," bulong ko."Kahit na." Inabot niya ang tasa. "Kasal pa rin ang kasal. Dapat may kaunting dasal."Nagdasal nga kami nang maikli, nakatayo sa kusina, habang nakabukas pa ang kalan.Isang Sabado, alas-diyes ng umaga, sa isang maliit na garden chapel sa Tagaytay na may mga bougainvillea sa gilid. Walang bisita maliban sa abogado ni Gabriel, si Atty. Reyes, isang judge na mukhang nagmamadali, at si Ate Nora na pinilit kong isama dahil kailangan ko ng kahit isang taong magsasabing, Issa, sigurado ka ba?"Issa, sigurado k
Last Updated : 2026-11-05 Read more