LOGINKyla Jade's POV
Pagdating namin sa mansion na pagmamay-ari ni Zion ay agad akong namangha pagbaba ng kotse. Kung malaki ang mansion ng mga Varzerossi, double naman ang laki ng mansion ni Zion. Pinaghalong gray at white ang kulay. May malaking fountain din na bubungad sayo pagpasok mo sa gate. "Bring her things to our room." Utos niya sa bodyguard niya. Napatigil naman ako sa paglibot ng tingin at nanlalaking matang tiningnan siya. "Our? Anong our? Iisang kwarto tayo?" "Yes, in case bumisita si lolo. Don't worry, most of the time ay nasa opisina ako." Bakit kailangang nasa iisang kwarto kami? Dating amo ko, katabi ko na matulog ngayon hayss "By the way, bukas pa dadating ang katulong na hinire ko galing sa agency. Puntahan mo nalang ako sa opisina kapag nagugutom ka na, I'll older food." "Huh? Huwag na, magluluto nalang ako. May stock ka naman siguro?" Tumingin siya sa relo niya at kinuha ang cellphone sa bulsa saka may tinawagan. "Blake, bring some groceries here. Yes... No, my own mansion." Nang ibinaba niya ang tawag ay saka naman siya tumingin sa'kin. "Just wait for a few minutes. Pupunta ang assistant ko dito." Sinundan ko siya ng tingin habang papasok sa isang p***o sa 2nd floor. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong sala. Sobrang lawak pero wala pang masyadong gamit. Tanging mga sofa lang, malaking TV at isang table. Halatang ngayon lang may tumira pero malinis naman lahat, ni walang alikabok. Ang laki-laki ng mansion pero sobrang tahimik. Tanging ako, si Zion at mga bodyguard niya lang sa labas ang narito. Nang i-angat ko ang tingin ay nakita ko ang malaking portrait. May katabing lalaki si Zion habang nakatayo at nakaupo naman sa coach ang kapatid n'yang babae, katabi ang isa pang babae. "Family picture nila boss." Ay! Napahawak ako sa dibdib ko nang may nagsalita sa likuran ko. Isang lalaking naka black suit at may dalang mga groceries. "Blake, his assistant slash secretary. Ilalagay ko nalang 'to sa kusina, miss." Pagpapakilala niya. Sumunod naman ako kung saan siya pumasok. Bumungad sa akin ang iba't ibang mga gamit pang kusina. Grabe, pati kusina ang sosyal. Halatang pang mayaman, may counter at tatlong malalaking ref na wala namang laman. "Salamat, ako na ang bahala d'yan. Kyla nga pa—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya 'yun. "Yep, kilala na kita. Kyla Jade Herrera Varzerossi, asawa niya. Puntahan ko muna si Bossing sa opisina niya." Hindi na nito hinintay ang sagot ko at lumabas na ng kusina. Pag-alis niya ay hinanda ko naman ang mga lulutuin at mga kailangan para makapagsimula na sa pagluluto. *** "What are you waiting?" "Saka nalang ako kakain pagkatapos mo." Nakahain na kasi ang mga pagkain sa harap niya habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid. Sanay kasi ako sa mansion nila dati na saka lang kakain kapag tapos na rin sila. "Upo, sasabay ka na sa'kin simula ngayon." Umupo naman ako sa upuan katabi niya. Malaki ang dining table at marami ang bakanteng upuan pero kaming dalawa lang ang kumakain. "Ay sorry, hindi ko pala nalagyan ng tubig ang baso mo." Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Siya na mismo ang naglagay ng tubig sa baso niya. "Stop, asawa na kita ngayon at hindi na katulong. You should stop following orders from people." "Pero sabi mo mag-asawa lang tayo sa papel?" Nagtataka kong tanong dahil 'yun ang sinabi niya kahapon. Mag-asawa lang kami sa papel at maghihiwalay nang landas sa oras na mawala ang lolo niya. "Yes, pero hindi ibig sabihin na hahayaan kong insultuhin at kawawain ka ng ibang tao. I won't let that happen, even with my family." Tumango ako, akala ko ganon siya kasama para hayaan ako. "Just don't interfere with my own business, Kyla." "Bakit umalis tayo ng mansion, Zion?" Kinuha niya ang wine sa isang aparador at nagsalin sa baso niya. Umiling naman ako nang itaas niya ang bote na tila nag-aalok. "I am in the company most of the time. Sigurado akong puro pang-iinsulto ang gagawin nila sayo kapag wala ako or maybe worst. Hindi ka nila titigilan. Hindi nila matatanggap na isa ka nang Varzerossi ngayon." "Kaya ko namang magtiis. Para makasama niyo lang lagi ang lolo niyo." Umiling siya at pinaglaruan ang baso. "No, I know you. Hindi ka sumasagot, madaldal ka lang pero 'di ka nagsasalita kapag iniinsulto ka na. Don't worry, matagal na rin akong nagpa-planong umalis, ngayon lang natuloy." "Eh nakakatakot kasi ang mga tita mo. Sobrang maldita." Tinapos ko ang kinakain ko at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan namin. Nilagay ko ang mga hugasin sa lababo. Nanatili naman s'yang nakasandal sa counter at pinapanood ako. "How about me?" Agad naman akong humarap sa gawi niya. Nagtanong pa talaga. "Naku, ikaw ang number 1. Sobrang nakakatakot ka kapag galit. Alam mo ba? Umiyak ako dati nong pinagalitan mo 'ko kasi nakalimutan kong ibigay kay Sir Marco ang papeles. Ay sorry hehe." Agad na bawi ko. Nakalimutan ko na naman na siya pala ang kausap ko. Nakalimutan kong ayaw niya sa mga madadaldal. "It's fine. Mas gusto ko 'yun. I want people to fear me, to be intimidated by my presence." Naguguluhan naman ako. Ako nga gusto ko kaibigan ko lahat eh. "Bakit? Baliktad tayo." "People will take advantage with your kindness, Kyla.. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mabait. Look at me, they fear me. Walang ni isang tao ang gusto akong kalabanin dahil do'n. They respect my name." "Kasi may pera ka. Bilyonaryo ka, marami kang koneksyon na wala ang iba." Sabi ko at nagsimulang maghugas. "Because money is power, Kyla. People will respect you because of that." "Pero nirerespeto ka rin naman kapag maayos ka, mabait. 'Yung kahit wala kang pera pero maayos ang pagkatao mo." Inilapag niya ang wine glass sa lababo at tumalikod. Basi sa reaksyon niya ay sigurado akong hindi siya sang-ayon sa naging sagot ko. "Too much kindness is bad, Kyla. Always remember that." Bakit? I mean ganon ba talaga?Nagulat ako nang pagpasok namin ni Ezione sa company niya ay naging aligaga ang mga tao at kanya-kanyang iwas sa kanya. Ang iba naman ay yumuyuko at bumabati sa amin."Zion, parang takot yata sila sa atin," mahinang bulong ko habang naglalakad."Tsk, let them."Ang laki ng kompanya niya at ang taas ng palapag. Papunta kaming 58th floor ngayon dahil doon ang opisina niya. Nakasakay naman kami sa pribadong elevator.Nagtaka pa ako kanina dahil walang sumabay sa aming dalawa, 'yun pala ay para lang kay Ezione ang elevator na 'yun."Good morning, Boss. Good morning, Miss," magalang na bati ni Blake sa labas ng elevator.Nang ilibot ko ang paningin ko, ay tatlo lang ang silid sa buong floor. Parang hinati lang sa tatlo kaya sigurado akong malaki ang bawat silid. Glass wall ang dalawang silid samantalang ang isa ay hindi makita ang loob."Walang ibang opisina dito, Miss. Kay boss lang saka 'yung akin, ang isa naman ay conference room."Tumango-tango naman ako saka sumunod sa kanila. Pumasok
"Nagmamakaawa ako sayo, Mr. Varzerossi, I really love this job. Please," umiiyak na pakiusap ni ma'am kay Ezione pero nanatili lang ang malamig na titig niya dito"Pack your things, I don't want you here. Out now!"Umiling naman si Ma'am at bagsak ang balikat na tumalikod kay Ezione. Hindi ko alam na pwede pala s'yang magpaalis ng mga professor dito."Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Mr. Varzerossi. Babagsak ka rin pagdating ng panahon.""Alright, hihintayin ko ang panahon na 'yun but it's not today so better pack your things and get out of my sight."Tuluyan namang lumabas si Ma'am habang umiiyak. Nang lingunin naman niya sina Chloe ay namutla ito."You too, I don't want to see your face here. Find another university.""What? I own 8% of this university, my daughter have the right to study here."Nagulat ako nang tumawa si Ezione, tawang puno ng sarkasmo at tila nanunuya sa sinabi ni Mr. Villabrola."Really? 8% and you think you own this f*cking university? Funny.""Mr. V
Tahimik ako habang nasa guidance office. Wala pang 8AM pero nandito na ako para sa gagawing usapan mamaya.Maaga naman umalis si Ezione papuntang opisina, 6am pa lang ay umalis na siya. Ang sabi niya ay may mga kailangan s'yang pirmahan muna tapos susunod na siya rito."Miss Herrera, ikaw lang mag-isa? Hindi ba't sinabi ko parents or guardian?" Saad ni Ma'am Leonor, ang umawat sa amin kahapon at ang nagtuturo sa subject naming Architectural Design."Pupunta si Ezione, Ma'am. May pinirmahan lang saglit sa opisina, " sagot ko sa kanya."Well, it's already 7:48AM. Lets start at exactly 8AM"Pareho kaming napatingin nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Chloe kasunod ang dad niya, ang CEO ng Villabrola Hotel. Ngumiti naman ito nang mapang-asar nang makitang ako lang ang nakaupo."Aww? Ikaw lang? Opss sorry, nakalimutan kong ulila ka na pala. How about Mr. Varzerossi? Of course hindi siya pupunta sa mga walang kwentang bagay.""That's enough Miss Villabrola. Sir, you may sit down."Igina
"Jusko!"'Yun nalang ang nasabi ko at humawak sa dibdib ko nang bumungad sa akin si Zion na kakalabas lang sa walk-in-closet. Galing kasi ako sa banyo kaya hindi ko na napansin na nakauwi na pala siya. Nang tiningnan ko ang maliit na orasan sa bedside table ay malapit na pala mag 7P.M. Nakakapagtaka dahil nong nasa dating mansion pa lang kami ay minsan lang siya umuwi nang maagad. Kadalasan ay hating-gabi o mga 10P.M."Stop drinking too much coffee.""Nakauwi ka na pala. Ang aga mo ngayon Zion."Tinaasan naman ako nito ng kilay na tila ay nagtatanong. "Why? Ayaw mo bang umuwi ako? I get it, gusto mong ma-solo ang buong mansion."Agad naman akong umiling. "Wuyy hindi, sa dating mansion kasi hating-gabi ka na umuuwi or mga 10PM.""How did you know?""Kapag may project kami or need magpasa ng plates, nagpupuyat ako kaya napapansin ko kapag dumating ka na dahil magkakasunod ang sasakyan."Tumango-tango naman siya nang bumaba ang tingin niya sa tuhod ko ay muling bumalik sa pagkaseryoso a
Kyla's POV"I said who did that to you?"Nanatili akong tahimik at pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko. Pinilit ko namang tumayo sa lapag saka pinagpag ang palda ko.Paglapit niya ay pinasadahan niya ako ng tingin. Nakakahiya, nakita niya pa 'ko sa ganitong sitwasyon. Akala ko nasa kompanya na siya kasi siya ang naghatid kanina sa'kin sa university."Do I need to repeat myself?"Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo ni Ezione, halos magpang-abot na rin ang dalawang kilay niya. Sign na galit na naman siya.Agad namang lumapit si Blake at tumabi kay Ezione."Boss, hayaan mo muna siguro s'yang magbihis.""Fine, clean yourself first."Tumango naman ako sa kanya kahit na kinakabahan na ako kapag nalaman niya na nakipag-away ako kanina sa campus at sa kaibigan pa ni Victoria."Where's that godd*mn towel?"Nagulat ako nang sumigaw siya kaya bahagya ako napatalon. Nakita ko naman kung paano magpigil ng tawa si Blake sa tabi niya."Ma'am, towel po."Nagmamadaling binigay naman ng m
Kyla's POV "You're late, Miss Herrera. Hindi porke't hinatid ka ni Mr. Varzerossi ay ayos na sa akin na late ka. Yumuko naman ako at humingin ng paumanhin sa kanya pero ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko. "Sit down. Ayaw ko nang maulit ito. Scholar ka pa naman." "Yes, ma'am. Sorry po." Agad akong umupo sa upuan ko sa likod. Nagpatuloy na rin si ma'am sa pagtuturo ng architectural design. Nasa last row ako nakaupo at walang katabi. Wala kasi akong masyadong kaibigan dito. Puro mayayaman ang mga estudyante kaya walang nakikipagkaiban sa akin. "For your final project for this semester, I want you to make a design. A house, building, shop, anything. Ipasa niyo ang plates niyo next week then sa last week ng month ang miniature." "Ma'am, dalawang final project?" "Yes, plates then 'yun din ang miniature na gagawin niyo." May project din kaming design sa isang subject, nadagdagan pa ng dalawa kaya naririnig ko na ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Lumabas na rin ako ng room nan







